Pumunta sa nilalaman

Stadio Diego Armando Maradona

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Stadio San Paolo)

Ang Stadio Diego Armando Maradona, dating pinangalanang Stadio San Paolo,[1] ay isang estadio sa kanlurang Fuorigrotta na suburb ng Napoles, Italya, at ang ikatlong pinakamalaking estadio ng futbol sa Italya,[2] matapos ng San Siro ng Milan at ng Stadio Olimpico ng Roma, pati na rin ang pinakamalaking magagamit ng isang koponan lamang. Para sa Palarong Olimpiko sa Tag-init 1960 sa Roma, ang estadio ay nagtanghal ng mga preliminaryo sa futbol. Kasalukuyang ginagamit ito para sa mga laban ng futbol at ang tahanang estadio ng SSC Napoli. Itinayo noong 1959, ang estadyo ay malawakang inayos noong 1989 para sa 1990 World Cup at muli noong 2018. Ang estadio ay kasalukuyang tumanggap ng 60,240 na manonood.

Kahit na kasama ang Napoli sa Serie C1 sa panahon ng 2005–06, nakamit ng Napoli ang tagumpay ng pagkakaroon ng ikatlong pinakamataas na karaniwang pagpasok sa Italya para sa season, na may dalawang klub lamang ng Serie A, Milan at Internazionale na may mas mataas na pumupunta. Ang huling laro ng Napoli sa season ay umani ng 51,000 na madla na ngayon ay tumatayo bilang kabuuang rekord ng Serie C.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]

 

  1. "Official: Stadio Diego Armando Maradona". Football Italia. 4 Disyembre 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Stadio San Paolo". The Stadium Guide. Nakuha noong 29 Oktubre 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
[baguhin | baguhin ang wikitext]

Padron:S.S.C. Napoli40°49′41″N 14°11′35″E / 40.827967°N 14.193008°E / 40.827967; 14.193008