Pumunta sa nilalaman

Kahang bakal

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Steel vault)
Isang kahang bakal

Ang kahang bakal, kahang-bakal, kaha de yero, o kahadeyero (Ingles: safe, strongbox o "kahong matibay", coffer, o kist) ay isang lalagyan o sisidlan kung saan nakapagtatago o nakapagtatabi ang mga tao ng mahahalagang mga bagay upang isanggalang o prutektahan ang mga gamit na ito mula sa sunog, pagnanakaw, o kapwa mula sa mga pangyayaring ito. Ang isang kahang bakal ay karaniwang isang lalagyang nasa hugis ng kahon na may kandado o pampinid.

Ang mga kaha de yero ay dinisenyo upang mapruteksiyunan ang mga bagay mula sa apoy ay maaaring walang kandado o maaaring mayroon lamang ng isang payak na kandado o kawit na kandaduhan. Karaniwan itong mabigat at yari sa isang matibay na materyal o sustansiyang katulad ng asero o bakal. Dinisenyo ito upang maging napakahirap mabuksan sa pamamagitan ng mga bareta, mga martilyo (pamukpok), mga barena o taladro (pambutas), at ibang mga kasangkapan o kagamitan. Ang mga kahang bakal ay makukuha sa maraming iba't ibang mga antas ng seguridad o pangkaligtasan ng mga gamit. Sumasaklaw ito mula sa mga idinisensyong maprutektahan ang mga gamit mula sa karaniwang pagnanakaw hanggang sa iyong idinisenyong maprutektahan mula sa propesyonal na mga pagnanakaw at paniniktik.

Ang kaantasan na pamprutekta mula sa sunog o apoy ay karaniwang batas sa kung gaano katagal maaaring madarang ang kahang bakal sa isang sunog na mangyayari sa isang karaniwang kayarian bago umabot ang loob ng kahang bakal sa 175 degring Celsius. Ito ang temperatura kung kailan ang papel at kahoy ay matutupok. Ang antas ng pagtagal bago maabutan ng apoy ay sumasakop mula 15 mga minuto hanggang sa 3 mga oras. Ang ilang mga kaha de yero ay hindi rin pinapasok ng tubig o hindi tinatablan ng tubig, na nagsasanggalang sa mga nilalaman nito mula sa mga pagbaha at iniiwasan na ang mga nilalaman ay mabasa kapag ang apoy ng sunog ay pinapatay o pinapawi ng mga bumbero. Ang isang malaking kahang bakal ay maaari ring maging bahagi ng isang gusali, katulad ng nasa mga bangkong impukan ng mga salapi. Ang ganitong uri ng mga kahang bakal ay maaaring magkaroon ng isa o maraming mga silid, at maaaring tawagin sa Ingles bilang vault, steel vault, cast iron vault, strongroom ("matibay na silid"), at bank vault ("kahang bakal ng bangko").


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.