Pumunta sa nilalaman

Steins;Gate

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Logo ng Steins;Gate

Ang Steins;Gate (シュタインズ ゲート, Shutainzu Geeto) ay isang Hapones larong bidyo na nobelang biswal na ginawa ng 5pb at Nitroplus na may temang piksyong siyensya. Naipalabas ito noong Oktubre 15, 2009 para sa Xbox 360.[1]

Kakaunti lamang ang kinakailangang pakikipag-ugnayan na kailangang gawin ng manlalaro sa kabuuan ng Steins;Gate dahil karamihan sa oras ng paglalaro ay ginagamit sa pagbabasa ng teksto sa ibabang bahagi ng iskrin na inilalarawan ang pakikipag-usap sa iba't ibang tauhan o ang iniisip ng bida. Katulad ng ibang mga nobelang biswal, may mga ilang bahagi sa larong Steins;Gate kung saan ang manlalaro ay binibigyan ng pagpipilian na makaapekto sa pagtutunguan ng laro.

Sa mga bahagi na ito, ang Steins;Gate ay binibigyan ang manlalaro ng sistemang "phone trigger" (フォーントリガー, fōn torigā) na makatulad sa sistemang "delusional trigger" na ipinakilala sa Chaos;Head. Kapag ang malalaro ay nakatanggap ng tawag mula sa isang tao, maaring sagutin o hindi sagutin nito ng manlalaro. Ang mga text na natatanggap ay may mga ilang piling salita na nakasalungguhit na kulay-bughaw, na parang hyperlink sa isang browser, kung saan maaring pumili ang manlalaro sa mga salitang ito upang makasagot sa isang text. Karamihan sa mga tawag o text ay hindi kailangang sagutin, ngunit may ilang bahagi ng laro na kailangang aksyunan ng manlalaro. Depende sa mga desisyon ng manlalaro sa pagsagot sa mga tawag at text, ang istorya ay pupunta sa isang partikular na direksyon.[2]

Tagpuan at tema

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Steins;Gate ay itinakda sa tag-init ng 2010, halos isang taon pagkatapos ng mga pangyayari sa Chaos;Head,[3] sa Akihabara. Ilan sa mga tanawin ng Akihabara katulad ng gusali ng Radio Kaikan ay maaring matagpuan sa laro.[4] Ayon kay Chiyomaru Shikura, ang namuno sa pagpaplano ng Steins;Gate, ang Akihabara ay napili dahil ito ay madaling lugar upang makakuha ng mga parteng hardware, kaya ito ay naturing isang ulirang lugar para sa mga taong interesado sa pagimbento at pababago ng mga bagay.[5] Ang mga paniniwala sa oras at paglalakbay sa panahon ang mga pangunahing tema ng laro.[4][6] Ang mga konsepto ng sanhi at bunga ay prominenteng itinampok sa laro habang ang bida ay lumalakbay pabalik sa oras ng maraming beses upang gumawa ng mga aksyon upang subukang baguhin ang nangyari sa hinaharap.[6]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "想定科学ADV 「シュタインズ・ゲート」、ティザーサイト公開!" [Hypothetical Science ADV "Steins;Gate", teaser site opened!] (sa wikang Hapones). 5pb. Hunyo 12, 2009. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2010-12-16. Nakuha noong Nobyembre 8, 2009.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Xbox.com STEINS;GATE - 『CHAOS;HEAD』スタッフが贈る科学アドベンチャー第 2 弾!" [Xbox.com Steins;Gate - Chaos;Head's staff's second entry for science adventure games] (sa wikang Hapones). Microsoft. Nakuha noong Marso 11, 2009.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Steins;Gate". Famitsu (sa wikang Hapones). Enterbrain: 228. Hunyo 2009.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 秋葉原に時間の扉が開かれる 『シュタインズ・ゲート』 [The gate of time can be opened at Akihabara, "Steins;Gate"] (sa wikang Hapones). Famitsu. Hunyo 13, 2009. Nakuha noong Nobyembre 1, 2009.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Steins;Gate". Famitsu (sa wikang Hapones). Enterbrain: 231. Hunyo 2009.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. 6.0 6.1 Ishii, Senji (Oktubre 15, 2009). 時間という禁断のテーマに挑んだ本格派ノベルゲーム『シュタインズ・ゲート』インプレッション [Impressions of "Steins;Gate", a novel game about the forbidden topic of time] (sa wikang Hapones). Famitsu. Nakuha noong Nobyembre 7, 2009.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
[baguhin | baguhin ang wikitext]