Stonewall Inn
Ang Stonewall Inn, na kadalasang pinapaikli bilang Stonewall ay isang bar sa Lungsod ng Bagong York kung saan naganap ang mga kaguluhan sa Stonewall noong 1969, na itinuturing ng karamihan bilang nag-iisang pinakamahalagang kaganapan na nagbunsod sa kilusang pagpapalaya sa mga bakla at ang modernong laban para sa mga karapatan ng mga bakla at lesbyan sa Estados Unidos.[1]
Ang orihinal na Inn, na isinara noong 1969, ay matatagpuan sa 51-53 Christopher Street, sa pagitan ng West 4th Street at Waverly Place, sa Greenwich Village ng Manhattan.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Orihinal na itinayo bilang isang kabalyerisa noong pagitan ng 1843 hanggang 1846, ang pag-aari ay ginawang restawran noong 1930. Nanatili itong isang restawran hanggang sa matupok ito ng apoy noong kalagitnaan ng dekada 60.
Noong Marso 18, 1967, nagbukas ang Stonewall sa gusaling iyon. Noong mga panahong iyon, ito ang naging pinakamalaking establisyamentong pambakla sa Estados Unidos, at malakas ang kita, subalit gaya ng ibang mga gay club noong panahon na iyon, ang mga pagsalakay ng mga pulis ay pangkaraniwan..[2] Nagsara noong huling bahagi ng 1969 ang Stonewall Inn matapos ang kaguluhan na nagsimula noong Hunyo 28, 1969.
Sa sumunod na dalawampung taon, ang gusali ay inokupa ng iba't ibang uri ng establisyamento, kagaya ng panaderya, isang restawrang Intsik, at tindahan din sapatos. Maraming mga bisita at bagong naninirahan sa kalapit na lugar ang hindi batid ang kasaysayan ng gusali o ang kaugnayan nito sa kaguluhan sa Stonewall. Noong unang bahagi ng dekada 90, isang bagong gay bar, na pinangalanang "Stonewall" ang nangbukas sa kanlurang kalahati ng orihinal na Stonewall Inn.
Pagkumpuni at ang muling pagbukas
[baguhin | baguhin ang wikitext]Inihayag noong Enero 2007 isasailalim sa isang malaking pagkukumpuni ang Stonewall Inn sa pamumuno ng negosyanteng si Bill Morgan at Kurt Kelly, na nagbukas muli ng Stonewall Inn noong Marso 2007.
Ang patuloy na pagsikat at ang patuloy na pagpaparangal dito bilang mahalagang bahagi ng kasaysayan, ginaganap dito ang iba't ibang mga palabas ng mga lokal na musikero, drag shows, trivia nights, cabaret, videoke-han at mga pribadong mga pagdiriwang. Simula nang maipasa ang makasaysayang Batas sa Pagkakapantay-pantay sa Kasal sa estado ng Bagong York, nag-aalok na ang inn upang maging pook ng pagsasaluhan ng mga kinakasal na bakla.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ National Park Service (2008). "Workforce Diversity: The Stonewall Inn, National Historic Landmark National Register Number: 99000562". US Department of Interior. Nakuha noong 2008-12-30.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Carter, David (2005). Stonewall: The rebellion That Sparked the Gay Revolution (ika-First (na) edisyon). New York: Macmillan. ISBN 0-312-34269-1.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga kawing na panlabas
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Official site
- The Stonewall RiotsNaka-arkibo 2012-02-19 sa Wayback Machine. – About.com
- Original Stonewall Inn to close Naka-arkibo 2009-02-21 sa Wayback Machine. – Pinknews.co.uk
- Map and driving directions for Stonewall Inn Naka-arkibo 2012-03-01 sa Wayback Machine.
- Stonewall Bar recollections Naka-arkibo 2012-05-28 sa Wayback Machine. section of gay memoir of NYC