Student Christian Movement of the Philippines
Student Christian Movement of the Philippines | |
---|---|
Founded | Disyembre 27, 1960 |
Membership | katuwang na kasapi, Sangguniang Pambansa ng mga Simbahan sa Pilipinas |
Ideology | Pambansang Demokrasya Kristiyanismo |
Colours | |
Mother party | Bagong Alyansang Makabayan |
International affiliation | World Student Christian Federation |
Newspaper | Breakthrough |
Ang Student Christian Movement ng Pilipinas (Kilusang Kristiyanong Estudyante ng Pilipinas) ay isang ekumeniko na pambansa-demokratikong organisasyon na pinamunuan ng mga kabataan sa Pilipinas. Nilalayon nitong itaguyod ang mga karapatan ng mga mag-aaral at lumahok sa maraming mga lokal at pandaigdigan na adbokasiya ng mga mamamayan.[1] Ito ay isang katuwang na kasapi ng Sangguniang Pambansa ng mga Simbahan sa Pilipinas.[2] Ito rin ay isang miyembro at isang nagtatag na organisasyon ng Kabataan Partylist.[3]
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Student Christian Movement of the Philippines ay itinatag noong Disyembre 27, 1960 sa pamamagitan ng Pambansang Asamblea ng 57 mga delegado na kumakatawan sa 52 mga yunit mula sa buong bansa.[1]
Ang pangkat ay lumahok sa kilusang pangmag-aaral sa Pilipinas noong 1960s at 1970s. Sa panahong ito, ito ay isa sa mga pangkat na hiningan ng tulong ang Kabataang Makabayan para sa pagpapalawak ng huli.[4] Taong 1971 nang naglabas ang samahan ng isang pahayag na nagsasama ng teolohiya ng paglaya sa lokal na Maoismo, upang ituloy ang pakikibaka laban sa imperyalismong US at lokal na piyudalismo at kapitalismo. Ito ay nakaimpluwensya sa mga radikal na Kristiyano, katulad nina Luis Jalandoni at Ed de la Torre.[5]
Noong maagang pangangasiwa ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, isang hakbangin sa kabataan na tinawag na Kilusang Kabataan para sa Katarungan at Makabuluhang Pagbabago, na binubuo ng Anakbayan (AB), League of Filipino Students, College Editors' Guild of the Philippines, National Union of Students of the Philippines, at Student Christian Movement of the Philippines ay nagpulong sa tanggapan ng Anakbayan sa Padre Noval, Sampaloc, Maynila, upang talakayin ang mga planong isulong ang interes ng kabataang Pilipino. Ang mga talakayan ay ginawa dahil sa pagkadismaya na dinala ng bagong administrasyon. Nang maglaon, ang mga pag-uusap na ito ay nagtapos sa pagbuo ng Anak ng Bayan Youth Party (Kabataan Partylist) noong Hunyo 19, 2001, kasabay ng kaarawan ni José Rizal.[3]
Mula noong 2000, ang Student Christian Movement of the Philippines ay nanatiling aktibo sa kilusang mag-aaral sa Unibersidad ng Pilipinas[4], pati na rin sa iba pang paaralan at lalawigan sa Pilipinas.
Mga kaugnay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Student Christian Movement of the Philippines ay kaugnay sa mga sumusunod na pederasyon at asosasyon:
- World Student Christian Federation
- Kalipunan ng Kristiyanong Kabataan sa Pilipinas
- Karapatan Alliance Philippines
- Sangguniang Pambansa ng mga Simbahan sa Pilipinas, katuwang na kasapi
- Kabataan Partylist, katuwang na kasapi, organisasyong nagtatatag
Mga alumnus
[baguhin | baguhin ang wikitext]Kabilang sa mga alumnus (senior friend) ng SCMP sina:
- Neri Colmenares, aktibista noong panahon ng batas militar at dating kongresista mula sa Bayan Muna
- Jessica Sales, aktibista noong panahon ng batas militart, bahagi ng Southern Tagalog 10
- Fidel Nemenzo, Kansilyer ng Unibersidad ng Pilipinas, Diliman
- Necta Montes, dating Pangkalahatang Kalihim, World Student Christian Federation
- Carlos Tayag, aktibista noong panahon ng batas militar at Benedictinong monghe
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 "Student Christian Movement of the Philippines". Peace Insight (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2020-10-30.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link] - ↑ "Our Associate Members" (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2020-10-30.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 3.0 3.1 "Anak ng Bayan Youth Party". webcache.googleusercontent.com. Nakuha noong 20 Hunyo 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 4.0 4.1 Lumbera; Taguiwalo; Tolentino; Gillermo; Alamon, mga pat. (2008). Serve the People: Ang Kasaysayan ng Radikal na Kilusan sa Unibersidad ng Pilipinas (PDF). IBON Foundation, Congress of Teachers and Educators for Nationalism and Democracy (CONTEND) Alliance of Concerned Teachers (ACT).
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Shoesmith, Dennis (1979). "Church and Martial Law in the Philippines: The Continuing Debate". Southeast Asian Affairs: 246–vi. ISSN 0377-5437.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)