Pumunta sa nilalaman

National Union of Students of the Philippines

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang National Union of Students of the Philippines ay isang alyansa ng mga konseho ng mga mag-aaral sa Pilipinas na itinatag noong 1957.[1] Nagsusulong para sa mga demokratikong karapatan ng mga mag-aaral, ipinagmamalaki nito ang humigit-kumulang 600 miyembrong konseho at bahagi ito ng International Union of Students (IUS) at ng Asia Pacific Youth and Students Association (ASA).[2] Isa rin itong miyembro at organisasyong nagtatag sa Kabataan Partylist.[3]

Ang NUSP ay itinatag noong 1957, na humiwalay sa Student Council's Association of the Philippines. Bahagi sa paghiwalay ng grupo ang pangangako ng mga pinuno ng dating grupo ng mga boto para sa mga politiko, na nakaapekto at nagpatahimik sa mga opinyon ng mga estudyante[4] Si Artemio Panganiban ay naging isa sa mga kapuwa nagtatag ng NUSP at nagsilbi bilang Pangulo nito mula 1958-1959.[5]

Naging aktibo ang unyon bilang bahagi ng kilusang estudyante sa Pilipinas. Si Edgar Jopson ay nahalal na Pangulo ng NUSP noong ika-13 taunang kumperensiya noong 1969. Pagkatapos ng kumperensiya, pinamunuan nila ang isang malaking mobilisasyong rally sa harap ng Kongreso, habang ang dating pangulong si Ferdinand Marcos ay naghahatid ng kaniyang lumpati sa Kalagayan ng Bansa (SONA).[6] Sa magkasanib na mobilisasyon ng mga moderato at radikal, bandang alas-5 ng hapon, binato ng mga mag-aaral sina Ferdinand at Imelda Marcos ng kabaong, buwaya na pinalamanan, at mga bato paglabas nila ng Gusali ng Kongreso. Nagsunog din sila ng effigy ni Marcos.[7][8] Sa ilalim ng dalawang terminong panunungkulan ni Jopson, nakilahok ang unyon sa mga isyung sosyo-politikal tulad, lalo na bilang bahagi ng Sigwa ng Unang Kuwarto at ng Ikalawang Kilusang Propaganda.[9][10]

Nabahala sila hinggil sa Kumbensiyong Konstitusyonal ni Marcos mula 1971-1973.[11] Ang NUSP ay isang moderatong grupo noong panahong ito,[12] hinahamon si Marcos na huwag magkaroon ng isa pang termino na lampas sa dalawang terminong limitasyon na itinakda ng 1935 Konstitusyon ng Pilipinas [13][14], kumpara sa Kabataang Makabayan, isang mas radikal na kabataan. pangkat na naghabol ng mga estruktural na sistematikong pagbabago sa bansa.[15]

Sa gitna ng epekto ng pandemya ng Covid-19 sa mga mag-aaral sa Pilipinas, isinusulong ng unyon ang ligtas na pagpapatuloy ng mga pisikal na klase, dahil sinabi nila na ang online distance learning ay nakapipinsala sa kapakanan ng mga mag-aaral.[16]

Ang kasalukuyang Pangulo ng NUSP ay si Jandeil Roperos, na siya ring ikatlong nominado ng Kabataan Partylist para sa pambansang halalan para sa 2022. Ang unang nominado ng nasabing Partylist ay si Raoul Manuel, isang dating Presidente ng NUSP.[17]

Mga kilalang alumnus

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]

 

  1. "NUSP sets sail for LAYAG National Congress for student councils". RAPPLER (sa wikang Ingles). 2021-09-13. Nakuha noong 2021-11-30.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "NATIONAL UNION OF STUDENTS OF THE PHILIPPINES". nusp.blogspot.com. Nakuha noong 2021-11-30.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Anak ng Bayan Youth Party". webcache.googleusercontent.com. Nakuha noong 20 Hunyo 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "APPENDIX: A History of the Philippine Political Protest | GOVPH". Official Gazette of the Republic of the Philippines (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2017-07-05. Nakuha noong 2021-11-30.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Chief Justice". {{cite web}}: |first= missing |last= (tulong)CS1 maint: url-status (link)
  6. Montiel, Cristina Jayme (2007). Living And Dying In Memory Of 11 Ateneo De Manila Martial Law Activists. Quezon City: Ateneo de Manila University Press.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Rodis, Rodel. "Remembering the First Quarter Storm". Philippine Daily Inquirer (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2018-11-27.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Feb 24, Justin Umali |; 2020. "A Timeline of the First Quarter Storm: Three Months That Shook the Nation". Esquiremag.ph. Nakuha noong 2021-11-30.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: numeric names: mga may-akda (link)
  9. Montiel, Cristina Jayme (2007). Living And Dying In Memory Of 11 Ateneo De Manila Martial Law Activists. Quezon City: Ateneo de Manila University Press.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. The National Union of Students of the Philippines. “NUSP: Edgar Jopson, Martyr of the People.” NUSP.Org (blog). September 21, 2012. http://nusp.org/edjop-curriculum/
  11. "A History of the Philippine Political Protest". Official Gazette of the Republic of the Philippines (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2017-07-05. Nakuha noong 2018-12-10.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. Montiel, Cristina Jayme (2007). Living And Dying In Memory Of 11 Ateneo De Manila Martial Law Activists. Quezon City: Ateneo de Manila University Press.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. Talitha Espiritu Passionate Revolutions: The Media and the Rise and Fall of the Marcos Regime Athens, OH: Ohio University Press, 2017.
  14. Daroy, Petronilo Bn. (1988). "On the Eve of Dictatorship and Revolution". Sa Javate -de Dios, Aurora; Daroy, Petronilo Bn.; Kalaw-Tirol, Lorna (mga pat.). Dictatorship and revolution : roots of people's power (ika-1st (na) edisyon). Metro Manila: Conspectus. ISBN 978-9919108014. OCLC 19609244.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. "A History of the Philippine Political Protest". Official Gazette of the Republic of the Philippines (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Hulyo 5, 2017. Nakuha noong Disyembre 10, 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. "NUSP sets sail for LAYAG National Congress for student councils". RAPPLER (sa wikang Ingles). 2021-09-13. Nakuha noong 2021-11-30.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. "ILONGGO ACTIVISTS ELECTED AS PARTYLIST NOMINEES". September 28, 2021. Inarkibo mula sa orihinal noong Nobiyembre 30, 2021. Nakuha noong Disyembre 1, 2021. {{cite web}}: Check date values in: |archive-date= (tulong)