Talumpati sa Kalagayan ng Bansa
Ang Talumpati sa Kalagayan ng Bansa[1] (Ingles: State of the Nation Address, pinapaikli bilang SONA) ay taunang kaganapan sa Republika ng Pilipinas, na kung saan inuulat ng Pangulo ng Pilipinas ang kalagayan ng bansa, karaniwang sa pagbukas muli ng pinagsamang sesyon ng Kongreso (ang Kapulungan ng mga Kinatawan at Senado). Tungkulin ito ng Pangulo na nakasaad sa Artikulo VII, Seksiyon 23 ng Saligang Batas ng 1987. Ipinapahayag ang talumpati bawat ikaapat na Lunes ng Hulyo sa Bulwagang Plenaryo ng Hugnayan ng Batasang Pambansa sa Batasan Hills, Lungsod Quezon, Kalkhang Maynila.
Dapat magtalumpati ang Pangulo sa Kongreso sa pagbubukas ng regular na sesyon nito. Maaaring humarap din siya rito kahit sa iba pang pagkakataon.
Ang SONA, na kadalasang ibinobrodkast, ay nagsisilbi bilang paraan upang ipagbigay-alam sa bansa tungkol sa kanyang kasalukuyang kalagayan sa ekonomiya, pulitika, at lipunan. Kaparaanan din ito para sa Pangulo upang ibuod ang mga nagawa at pinaplano ng kanyang pamahalaan kapwa para sa isang partikular na taon at hanggang katapusan ng kanyang panahon ng panunungkulan.
Seremonya ng Pangulo
[baguhin | baguhin ang wikitext]Kadalasang ipinapahayag ang Talumpati ng mga 16:00 PST (UTC+8). Bago ang itinakdang oras, pumapasok ang mga mambabatas sa Bulwagang Plenaryo, na sa mga nakaraang taon, nakasuot ang mga babaeng Kongresista at mga konsorte ng mga lalaking Kongresista ng mga pasadyang pananamit na kinasihan ng tradisyon, na sa mga ilang kaso, ay nagpapahiwatig ang kani-kanilang lehislatibong adyenda o kinikilingang ideolohiya.
Samantala dumarating ang Pangulo sa Hugnayan ng Batasang Pambansa ng ilang minuto bago ang simula ng pinagsamang sesyon, at pumapasok sa pangunahing gusali sa pamamagitan ng pasukan sa likod. Pagkatapos, malugod na tinatanggap ang Pangulo ng parangal bilang sundalo, at binabati ng Tagapagsalita ng Kapulungan, Pangulo ng Senado, at komite ng pagsasalubong, bago siya nagpapatuloy sa Tanggapan ng Pampanguluhang Tagapag-ugnay Pambatasan.
Pagkatapos, pumapasok ang Pangulo sa Bulwagang Plenaryo habang tinutugtog ang Pampanguluhang Awit. Ipinapakilala ng Punong Kalihim ang Pangulo, na lumalapit sa plataporma at pinapaupo. Saka nagtitipun-tipon ang Pangulo ng Senado at Tagapagsalita ng Kapulungan para sa pinagsamang sesyon at inaakay ng Koro ng Kapulungan ng mga Kinatawan ang kapulungang nakatayo sa pag-aawit ng Lupang Hinirang. Pagkatapos niyan, inaakay ng mga kinatawan ng mga iba't ibang relihiyosong grupo ang kapulungan sa isang panalanging ekumenikal.
Matapos iyon, ipinapakilala ng Tagapagsalita ang Pangulo sa wikang Filipino o Ingles sa mga salitang katulad sa mga sumusunod:
"[Mga kababaihan at kalalakihan], mga [mararangal na] miyembro ng Kongreso [ng Pilipinas], [Kaniyang Kamahalan], [Pangalan], [ang] Pangulo [ng (Republika ng) Pilipinas]."
Ang Talumpati, na maaaring tumagal mula sa isa hanggang sa iilang oras, ibinobrodkast sa telebisyon, radyo, at online streaming ng mga ahensya ng estado tulad ng Radio Television Malacañang Naka-arkibo 2019-08-14 sa Wayback Machine., pati rin ang mga pribadong organisasyon ng midya.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Feature: SONA and what it stands for". Philippine Information Agency. Nakuha noong 29 Hulyo 2008.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.