Sigwa ng Unang Kuwarto
Ang Sigwa ng Unang Sangkapat (Ingles: First Quarter Storm) ay panahon ng sibil na ligalig mula Enero hanggang Marso 1970 kung saan nagkaroon ng makakaliwa't-kanang demonstrasyon at protesta laban sa pamahalaan ng dating pangulong Ferdinand Marcos. Isa ito sa mga naging batayan ng pagdeklara ng batas-militar noong 1972.[1]
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nagsimula ang sigwa noong Enero 1970 nang salubungin si Pangulong Ferdinand Marcos ng mga demonstrasyon ng mga estudyante matapos ang kaniyang taunang talumpati sa Kongreso. Pinangunahan ang kilusan ng mga estudyanteng lider na mula Unibersidad ng Pilipinas na sinalamin ang mga kamakailang demonstrasyon ng mga estudyante sa iba't-ibang panig ng mundo bago ang 1970.[1] Subalit ang mga mahinay na demonstrasyon ay naging radikal sa pangunguna ni Jose Maria Sison na nagtatag ng Kabataang Makabayan at ni Bernabe Buscayno ng Bagong Hukbong Bayan. Nakisali rin ang mga manggagawa, nagprotesta sila laban sa katiwalian sa pamahalaan, pagbulusok ng ekonomiya bunsod ng mataas na presyo ng langis, at labis-labis na paggastos nang tumakbo para sa ikalawang termino si Marcos.[2] Ayon sa ilan, nilayon ng mga kaguluhan na pabagsakin ang pamahalaan at magkaroon ng suportang komunista at sosyalista mula sa hanay ng masa, mga estudyante at mga manggagawang nakilahok sa sigwa.[1]
Marahas na nagwakas ang sigwa nang gamitan na ng mga pulis ng tear gas at sandata ang mga demonstrador. Sinubukang naman gumanti ng mga paatras na estudyante at hinagisan ang mga pulis ng mga baon nilang pillbox at Molotov na bomba. Ang ilang makupad umatras ay nabugbog ng mga pulis at nahampas ng puwitan ng mga riple. Umabot ang sigwa hanggang Divisoria at distrito ng Tondo. Matapos ang nabigong pagproprotesta, ang ilang nakaligtas sa mga radikal na estudyante na karamihan ay mula sa Unibersidad ng Pilipinas, Liceo ng Pilipinas, Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas at Pamantasan ng Silangan ay naging Marxista, nagbitbit ng armas at naging gerilya sa kalungsuran.[1]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 1.2 1.3 Joaquin, Nick (1990). Manila,My Manila. Manila: Vera-Reyes, Inc.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Mijares, Primitivo (1975). The Conjugal Dictatorship (sa wikang Ingles). San Francisco: Union Square Publications.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Panlabas na kawil
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Activists to reclaim Mendiola on January 26 (sa Ingles)
- First Quarter Storm commemorated Naka-arkibo 2011-05-22 sa Wayback Machine. (sa Ingles)