Pumunta sa nilalaman

Barometro

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Sukat ng presyon ng hangin)
Mga lumang barometro mula sa Musée des Arts et Métiers, Paris

Ang barometro ay isang siyentipikong aparato na sumusukat ng presyon ng hangin. Naimbento ito ng Italyanong siyentipikong si Evangelista Torricelli noong 1643. Natuklasan ni Torricelli na napipilit ng presyon ng hangin na umakyat sa loob ng isang tubong salamin ang asoge hanggang sa maabot ang isang partikular na taas. Itong taas na ito ay ang sukat ng presyon ng hangin. Nagbabagu-bago sa araw-araw ang taas na ito dahil sa bahagyang pagbabagu-bago rin ng presyon ng hangin.[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Firth, Lesley (Patnugot Panlahat) atbp. (1985). "Who Invented the Barometer?". Who Were They? The Simon & Schuster Color Illustrated Question & Answer Book. Little Simon Book, Simon & Schuster, Inc., Lungsod ng Bagong York, ISBN 0671604767.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 45.

Teknolohiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Teknolohiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.