Pumunta sa nilalaman

Soufflé

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Suple)
Soufflé
Soufflé au fromage o supleng keso
UriDe-itlog
LugarPransiya
Pangunahing SangkapPula at puti ng itlog

Ang soufflé o suple ay isang putahe ng inihurnong itlog na nagmula sa Pransiya noong unang bahagi ng ika-18 siglo. Pinagsasama sa iba pang mga sangkap, maaari itong ihain bilang malinamnam na ulam o matamis na panghimagas. Ang salitang soufflé ay ang nagdaang partisipyo ng souffler, isang pandiwa sa Pranses, na ang ibig sabihin ay humiphip, huminga o magpapintog.[1][2][3]

Ipinapalagay na si Vincent La Chapelle, isang Pranses na maestrong kusinero, ang unang nagbanggit ng soufflé noong unang bahagi ng ikalabingwalong siglo.[1] Karaniwang natutunton ang paglinang at pagsikat ng suple sa Pransesang kusinera Marie-Antoine Carême noong unang bahagi ng ikalabinsiyam na siglo.[4][5]

Sangkap at paghahanda

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Tipikal na inihahanda ang mga suple mula sa dalawang pangunahing sangkap:

  1. isang pinalasang crème pâtissière (kastard),[6] sarsang krema o besamela,[6] o purée[2][6] bilang saligan
  2. mga puti ng itlog na binati hanggang may malambot na tuktok[2]

Saligan ang nagpapalasa, at responsable ang puti ng itlog sa pagkaumbok ng putahe.[1][2] Kabilang sa mga pagkaing sinasahog para mabigyan ng lasa ang saligan ang mga yerba, keso at gulay[1] para sa mga supleng malinamnam; at halaya,[7] prutas,[8] beri,[9] tsokolate,[10] saging[11] at limon[12] para sa mga supleng panghimagas.

Karaniwang inihuhurno ang suple sa ramekin o suplehan: ang mga ito ay makintab, bilog at porselanang lalagyan na may ilalim na patag at walang kintab, mga gilid na patayo o halos patayo at inukit na gilid sa labas. Maaaring pahiran ang ramekin, o iba pang lalagyang panghurno, ng kaunting mantikilya para hindi dumikit ang suple.[6] Minsan binubudburan din ang ramekin ng asukal, mumo, o kinayod na keso tulad ng parmesano bukod sa mantikilya; pinaniniwalaan ng ilang kusinero na nakatutulong ito sa pag-alsa ng suple.[6]

Kapag naihurno na, maalsa at buhaghag ang suple,[2] at karaniwan itong babagsak pagkatapos ng 5 o 10 minuto (kagaya ng umalsang masa). Maaari itong buhusan sa ibabaw ng sarsa, tulad ng matamis na sarsang panghimagas,[13][14][15] o ipares sa sorbetes.[16] Kapag naihain, maaaring butasan ang ibabaw ng suple gamit ang kubyertos upang maihati ito sa mga pirasong pang-indibidwal.[15]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 Peterson, J. (2012). Glorious French Food: A Fresh Approach to the Classics [Maluwalhating Pagkaing Pranses: Isang Makabagong Diskarte sa mga Klasiko] (sa wikang Ingles). Houghton Mifflin Harcourt. pp. 130–132. ISBN 978-0-544-18655-2.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 2.4 Taylor, Carol (Marso 1988). "How to Make a Soufflé" [Paano Gumawa ng Suple]. Mother Earth News (sa wikang Ingles). Nakuha noong 17 Agosto 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Soufflet". cnrtl.fr. Nakuha noong 18 Agosto 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Wells, Patricia (22 Pebrero 1978). "Perfect Souffles Don't Require Expert Skills" [Perpektong Souffle, Hindi Kailangan ng Eksperto]. The Eagle (sa wikang Ingles). p. 26 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Padron:Open access
  5. Mallet, Gina (2004). Last Chance to Eat: The Fate of Taste in a Fast Food World [Huling Pagkakataon na Kumain: Ang Kapalaran ng Lasa sa Mundo ng Pangmadaliang Pagkain] (sa wikang Ingles). W. W. Norton & Company. pp. 52–54. ISBN 9780393058413.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. 6.0 6.1 6.2 6.3 6.4 Cloake, Felicity (15 Setyembre 2011). "How to cook perfect cheese soufflé" [Paano gumawa ng perpektong supleng keso]. The Guardian (sa wikang Ingles). Nakuha noong 17 Agosto 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. McCoy, J. (2009). Healthy Meals for Less [Malusog na Pagkain na Mas Mura] (sa wikang Ingles). Baker Publishing Group. p. 231. ISBN 978-1-4412-1087-6.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Beard, J. (2015). The James Beard Cookbook [Ang Panlutong Aklat ni James Beard] (sa wikang Ingles). Open Road Media. p. 356. ISBN 978-1-5040-0449-7.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Brownlee, H.; Caruso, M. (2007). The Low-Carb Gourmet: A Cookbook for Hungry Dieters [Primerang Pagkain na Low-Carb: Isang Panlutong Aklat para sa Mga Gutom na Nagdidiyeta] (sa wikang Ingles). Random House Publishing Group. p. 73. ISBN 978-0-307-41721-3.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Rombauer, I.S.; Becker, M.R.; Becker, E.; Guarnaschelli, M. (1997). Joy of Cooking [Kasiyahan sa Pagluluto] (sa wikang Ingles). Scribner. p. 1033. ISBN 978-0-684-81870-2. Nakuha noong 17 Agosto 2015.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. Pellaprat, H.P.; Tower, J. (2012). The Great Book of French Cuisine [Ang Dakilang Aklat ng Lutuing Pranses] (sa wikang Ingles). Vendome Press. p. 1383. ISBN 978-0-86565-279-8.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. Zuckerman, K.; Rupp, T. (2009). The Sweet Life: Desserts from Chanterelle [Ang Matamis na Buhay: Mga Panghimagas mula sa Chanterelle] (sa wikang Ingles). Little, Brown. p. 170. ISBN 978-0-316-07033-1.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. Waldo, M. (1990). The Soufflé Cookbook [Ang Panlutong Aklat ng Suple] (sa wikang Ingles). Dover Publications. p. 225. ISBN 978-0-486-26416-5.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. "Shivi Ramoutar's coconut soufflé with rum sauce" [Supleng buko ni Shivi Ramoutar na may sarsang rum]. Metro (sa wikang Ingles). 1 Hulyo 2013. Nakuha noong 17 Agosto 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. 15.0 15.1 Child, J.; Bertholle, L.; Beck, S. (2011). Mastering the Art of French Cooking [Pagmamaestro ng Sining ng Lutong Pranses] (sa wikang Ingles). Knopf Doubleday Publishing Group. p. 331. ISBN 978-0-307-95817-4.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. "Orange and Grand Mariner Soufflé" [Supleng Kahel at Grand Mariner] (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 9 Marso 2019. Nakuha noong 15 Abril 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)