Suplemento sa paghuhubog ng katawan
Ang mga pandagdag o suplemento sa paghuhubog ng katawan (Ingles: mga bodybuilding supplement) ay tumutukoy sa mga sustansiyang kinakain o iniinom ng mga atleta o mga taong nagsasagawa ng pagsasanay sa pamamagitan ng mga bigat o iba pang mga gawaing pangkatawan o pisikal upang makatulong sa pagbubuo ng katawang malaman (may masel) at balingkinitan o "walang taba" o upang mawala ang taba mula sa katawan. Maaari ring gamitin ang mga pandagdag sa paghuhubog ng katawan upang mapainam ang pagganap sa palakasan o isports at upang mapainam ang panunumbalik sa normal na kalagayan ang katawan pagkaraan ng mga kaganapang pampalakasan o pagsasanay. Subalit nananatiling kontrobersiyal ang mga nakaamba o potensiyal na mga epekto ng mga ito.
Mga kawing panlabas
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Roosevelt, Max. When the Gym Isn’t Enough, pahina 1 at pahina 2, Fitness, artikulo mula sa nytimes.com hinggil sa paggamit ng mga suplemento sa paghuhubog ng katawan, 13 Enero 2010.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Pagkain at Palakasan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.