Supot
Ang isang súpot ay isang uri ng lalagyan na gawa sa manipis, nababanat, piraso ng plastik, hindi tahing tela, o telang plastik. Ginagamit ito para lagyan at dalhin ang mga produkto tulad ng pagkain, ani, pulbos, yelo, magasin, mga kimikal, at basura. Isang karaniwang anyo ito ng balot o pagbabalot.
Karamihan sa mga supot ay sinasarado ng init sa pinagdugtungan, habang may ilan ang kinabit ng mga pandikit o tinahi
Maraming mga bansa ang nagpapakilala ng batas sa pagtigil ng paggamit ng plastik na supot, dahil hindi lubusang nabubulok ang plastik, na nagdudulot ng walang katapusang polusyon ng plastik at epekto sa kapaligiran. Bawat taon, may mga 1 hanggang 5 trilyong supot ng plastik ang ginagamit at tinatapon sa buong mundo. Mula sa punto ng pagbili hanggang sa patutunguhan, may buhay lamang ang plastik ng 12 minuto. Tinatayang nasa 320 supot kada kapita ang ginamit noong 2014 sa Estados Unidos.[1]
Pag-empake
[baguhin | baguhin ang wikitext]Kadalasang gumagamit ng mas kaunting materyal ang mga supot na plastik kaysa mga kahon, karton, o garapon, kaya, kadalasang tinituring ito na "nabawasan o napababa ang pagbalot/pag-empake."[2] Depende sa paggawa, maaring iresiklo ang mga supot na plastik para gawin uling plastik. Maaring silang sunugin sa mga wastong pasilidad para sa pagpalit ng basura-sa-enerhiya. Matibay at hindi nakakapinsala ang mga ito sa sanitaryong landfill (o lupang imbakan ng basura).[3] Bagaman, kung tinapon ng hindi maayos, makakalikha ang mga supot na plastik ng di-kaaya-ayang kalat at nakakapinsala sa ilang uri ng wildfire (o sunog na madaling kumalat).[4][5] May mababang bilis ng pagreresiklo ang mga supot na plastik dahil sa kakulangan ng kakayahang humiwalay. Nagdudulot ang magkahalong materyal na pagresiklo ng kontaminasyon ng materyal. Bagaman, nagagamit muli ang mga supot na plastik bago itapon na ito sa bilis na 1.6 na beses.[1]
Panganib sa mga bata
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang maninipis, naaayong plastik na supot, lalo na ang supot para sa tuyong paglilinis, ay may potensyal na hadlangan ang paghinga kapag sinuot sa ulo. Dahil dito, may 25 bata sa Estados Unidos ang di-nakahinga bawat taon dahil sa mga plastik na supot, halos siyam-ikasampu (o 90%) sa mga ito ay mas mababa sa isang gulang. Nagdulot ito ng tinatakang boluntaryong babala sa ilang mga supot na nagsasabing nagdudulot ito ng panganib sa mga maliliit na bata.[6]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 Wagner, Travis P. (2017-12-01). "Reducing single-use plastic shopping bags in the USA". Waste Management (sa wikang Ingles). 70: 3–12. doi:10.1016/j.wasman.2017.09.003. ISSN 0956-053X. PMID 28935376.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Life Cycle Inventory of Packaging Options for Shipment of Retail Mail-Order Soft Goods" (PDF) (sa wikang Ingles). Abril 2004. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 17 Disyembre 2008. Nakuha noong 15 Disyembre 2008.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Lapidos, Juliet (27 Hunyo 2007). "Slate Explainer, 27 June 2007" (sa wikang Ingles). Slate.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 21 Hulyo 2010. Nakuha noong 7 Hulyo 2010.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Teresa Platt Commentary, Plastic Bags on Our Backs, May 2008" (sa wikang Ingles). teresaplatt.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 26 Abril 2012. Nakuha noong 7 Hulyo 2010.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Mieszkowski, Katharine (10 Agosto 2007). "Plastic bags are killing us". Salon.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 23 Abril 2013.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Children Still Suffocating with Plastic Bags". US Consumer Product Safety Commission (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 14 Hulyo 2010. Nakuha noong 7 Hulyo 2010.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
"Children Still Suffocating with Plastic Bags" (PDF). Consumer Product Safety Alert (sa wikang Ingles). U.S. Consumer Product Safety Commission. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 16 Agosto 2000.{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)