Pumunta sa nilalaman

Pangangasiwa sa daloy ng produkto at serbisyo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Supply chain management)

Ang pangangasiwa sa daloy ng produkto at serbisyo (sa Ingles: supply chain management) ay ang pag-iimbak at paghahatid ng mga hilaw na materyales, imbentori ng mga gawain, at ng mga produktong maaring ibenta mula sa kanyang pinagmulan na lugar, patungo sa lugar na kanyang paggagamitan. Ang mga magkakadikit o magka-kadugtong na network o channel at mga negosyong nagpapadala, tumatatanggap at nagproproseso ay kasama din sa panlaan ng mga produkto at serbisyo na kina-kailangan ng mga mamimili sa isang nakawing na panustos.

Binibigyang depenisyon ang pangangasiwa sa daloy ng produkto at serbisyo bilang “disenyo, pagpaplano, pagsasagawa, pag-pigil at pamamahala ng mga gawain ng daloy ng kalakal na may layunin ng paggawa ng netong halaga, paggawa ng kompetitibong imprastruktura, pagtataguyod ng sandaigdigang lohistika, pagbabalanse ng pangangailangan sa panustos, at pagsukat ng galing sa pandaigdigang antas.”

Ang pangangasiwa sa daloy ng produkto at serbisyo ay kadalasang ginagamit sa larangan ng pamamahala ng operasyon, lohistika, pagbili, impormasyong teknolohikal, at pinagtratrabahuhang magkaroon ng nagkakaisang pakikitungo.