Sharif ul-Hashim
Si Sharif ul-Hashim[1] (nagsimulang naghari noong 17 November 1405) ay ang pang-haring pangalan ni Sayyed walShareef Abubakar Abirin AlHashmi.[2] Isa siyang manggagalugad na Arabeng[1]-Muslim at ang tagapagtatag n Sultanato ng Sulu. Ginampanan niya ang parehong pampolitika at espirtuwal na pamumuno ng lupain, at nabigyan ng titulong Sultan, at siya din ang unang Sultan ng Sulu.
Sa panahon ng kanyang paghahari, ipinahayag niya ang unang kodigo ng mga batas na tinatawag na Diwan na batay sa Quran. Ipinakilala niya ang mga Islamikong pampolitikang institusyon at ang pagsasama-sama ng Islam bilang ang relihiyon ng estado.[2]
Pinagmulan at pansariling buhay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Napakaliit ang nalalamang impormasyon tungkol sa maagang buhay ni Sharif ul-Hashim. Ipinanganak sa Johore (sa kasalukuyang Malaysia), ang tumpak na pangalan niya ay nakilala bilang Sayyid Abu Bakr bin Abirin AlHashmi, habang ang kanyang pang-haring pangalan ay kilala bilang Paduka Mahasari Maulana al Sultan Sharif ul- Hashim,[3] o "Ang Guro (Paduka) Ang Kanyang Kamahalan (Mahasari), Tagapagtanggol (Maulana) at (al) Sultan (Sultan), Sharif (Sharif) ng (ul-) Hashim (Hashim)". [Ang bahaging Sharif ng Hashim ay tumutukoy sa kanyang pagiging maharlika bilang isang inapo ng angkang Hashim, isang angkan na naging kabahagi si Islamikong propetang Muhammad.] Kadalasang pinapaikli ang kanyang pangalan sa Sharif ul-Hashim.
Dinadala ng Abubakar bin Abirin ang mga titulong Sayyid (alternatibong binabaybay bilang Saiyid, Sayyed, Seyyed, Sayed, Seyed, Syed, Seyd) at Shareef, isang panggalang na ipinapahiwatig na siya ay isang tinanggap na inapo ng Islamikong propetang Muhammad sa pamamagitan ng parehong Imams Hassan at Hussain.[4] Alternatibo binaybay din ang pangalan niya bilang Sayyid walShareef Abu Bakr ibn Abirin AlHashmi. Siya ay naging isang Najeeb AlTarfayn Sayyid.
Sinasalarawan siya ng talaangkanan ni Sultan Sharif ul-Hashim bilang inapo ni Muhammad, sa pamamagitan ng maternong linya ng lahi, si Sayyed Zainul Abidin ng Hadhramaut, Yemen, na kabilang sa ikalabing-apat na salinlahi ni Hussain, ang apo ni Muhammad.[5]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 Sulu Genealogy hinango noong 23 Nobyembre 2010 (sa Ingles).
- ↑ 2.0 2.1 Sultan Sharif Ul-Hashim acknowledged among Filipino great men Naka-arkibo 2015-06-12 sa Wayback Machine. hinango noong 23 Nobyembre 2010 (sa Ingles)
- ↑ Scott, William H. (1994). Barangay:sixteenth-century Philippine culture and society (sa wikang Ingles). ADMU Press. ISBN 971-550-135-4.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Majul, Cesar Adlib (1981). "An Analysis of the "Genealogy of Sulu"". 22 (sa wikang Ingles). pp. 167–182. Nakuha noong 1 Abril 2018.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Genealogy of Sultan Sharif Ul-Hashim of Sulu Sultanate Naka-arkibo 2011-07-18 sa Wayback Machine. hinango noong on 23 Nobyembre 2010 (sa Ingles).