Pumunta sa nilalaman

Taeng-bituin

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Taeng-bituing na Willamette na natuklasan sa estado ng Estados Unidos na Oregon.

Ang isang taeng-bituin,[1] taeng-bato[1] o meteorite ay isang natural na solidong bagay, tulad ng kometa, asteroyd o bulalakaw na nagmumula sa panlabas na kalawakan na nakaligtas sa pagdaan nito sa atmospera upang maabot ang ibabaw ng isang planeta o buwan. Ang sukat ng isang taeng-bituin ay maaaring may saklaw na mula maliit hanggang sukdulang malaki. Ang karamihan ng mga taeng-bituin ay hango sa mga maliliit na mga bagay na astronomikal na tinatawag na mga bulalakaw ngunit ang mga ito ay maaari ring nalilikha ng mga pagbangga ng mga asteroyd.

Kapag ang isang bulalakaw ay pumasok sa himpapawid, may ilang mga sanhi tulad ng priksiyon, presyon at mga interaksiyong kimikal kasama ang pang-himpapawid na gas ang nagdudulot ng pag-init nito at maglabas ng init ang lakas na iyon. Pagkatapos, nagiging bulalakaw at bumubuo ng isang bolang apoy. Tinatawag ng mga astronomo ang mga napakaliwanag na mga bulalakaw bilang bolide. Iba't iba ang sukat ng mga taeng-bituin. Para sa mga heologo, ang isang bolide ay isang taeng-bituin na may kalakihan na maaring lumikha ng isang banggang may bunganga o impact crater.[2]

Sa pangkalahatan, ang isang taeng-bituin sa ibabaw ng anumang katawang pangkalawakan ay isang likas na bagay na nagmula sa iba pang lugar sa kalawakan. Ang mga taeng-bituin ay natagpuan sa buwan at planetang Marte. Ang mga taeng-bituing nakuha pagkatapos naobserbahan habang ito ay dumadaan sa atmospera o bumangga sa mundo. Tinatawag ang pagkuha na ito na mga bagsak o fall ngunit kung hindi ito naobserbahan at nakuha, tinatawag itong mga hanap o find. Noong Agosto 2018, may tinatayang mga 1,412 na napagmasdang pagbagsak na may mga specimen o muwestra sa mga koleksiyon ng mundo.[3] Salungat dito, may higit sa 59,200 na mahusay na nadokumentong mga natagpuang taeng-bituin.[4]

Ang mga taeng-bituin ay tradisyonal na hinahati sa tatlong mga malalawak na kategorya: ang mga mabatong taeng-bituin ay mga bato na pangunahing binubuo ng mga mineral na silikata o silicate; ang mga bakal na taeng-bituin ay malaking binubuo ng metalikong bakal-nickel; at ang mabatong-bakal na mga taeng-bituin na naglalaman ng malalaking mga halaga ng parehong metaliko at mabatong materyal. Ang mga modernong iskemang klasipikasyon ay naghahati ng mga taeng-bituin sa mga pangkat ayon sa istraktura nito, kemikal at istopikong komposisyon nito at mineralohiya.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 Lo, Ricky (Abril 4, 2005). "How Carlo J. created Panday". The Philippine Star. Nakuha noong Pebrero 6, 2019. {{cite news}}: Italic or bold markup not allowed in: |newspaper= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Editors (1 Abril 1998). "Introduction: What is a Bolide?". Woodshole.er.usgs.gov (sa wikang Ingles). US Geological Survey, Woods Hole Field Center. Nakuha noong 16 Setyembre 2011. {{cite web}}: |last= has generic name (tulong); Cite has empty unknown parameter: |dead-url= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Meteoritical Bulletin Database. Lpi.usra.edu. Hinango noong 27 Agosto 2018 (sa Ingles).
  4. Meteoritical Bulletin Database. Lpi.usra.edu (1 Enero 2011). Hinango noong 27 Agosto 2018.