Pumunta sa nilalaman

Tagagamit:AJP426/Dangwa Tranco

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang Dangwa Transportation Company (o mas kilala bilang Dangwa Tranco), ay isang kompanya ng bus sa Pilipinas na bumabaybay sa Benguet at Lalawigang Bulubundukin.

Dahil walang puhunan, tinulungan din ni Wright si Bado na mabili ang limang karag-karag na kotse ni Emilio Milia, may-ari ng isang garahe sa Trinidad. Mabilis na naisaayos ni Bado ang mga kotse. Wala naman siyáng pambili ng gasolina. Isa pang kaibigan, si G. Equies, ang nagpahiram ng P10 kay Bado. Hindi nagtagal, ang mga bulok na kotse ay nakumbert sa mga dyipni ni Bado sa rutang Trinidad-Lungsod Baguio. Noong 1928, tatlo sa mga ito ang popular na sasakyang pampasahero sa Mountain Province, bago pa mauso ang dyip mula sa sasakyan ng Amerikanong GI pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Nagtayô pa ng kantina si Bado para sa mga drayber. Umunlad ang negosyo ni Bado at naging Dangwa Transportation Company. Bago makadigma, may 173 bus ito na pampasahero at panghakot ng kargamento. Marami ang bumibiyaheng Maynila-Baguio. May pinakamalaki ring poltri si Bado sa Trinidad. Sa panahon ng digma, lumahok sa kilusang gerilya si Bado at nagkaranggong koronel. Ngunit malaki ang nasira sa kaniyang negosyo. Muling niyang itinayô ang kompanya ng transportasyon sa tulong ng mga kaibigan.

Transportasyon Ang lathalaing ito na tungkol sa Transportasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.