Tagagamit:Akosiabelle
First Love (A Little Thing Called Love) Crazy Little Thing Called Love | |
---|---|
Ang First Love (A Little Thing Called Love) (Thai: สิ่งเล็กเล็ก ที่เรียกว่า..รัก) (Sing leklek Tee reak wa... Rak), kilala rin sa pamagat na Crazy Little Thing Called Love (sa ibang bansa sa Asya), ay isang pelikulang tungkol sa pag-ibig na may halong katatawanan at drama na itinatampok sina Mario Maurer at Pimchanok Luevisadpaibul. Ito ay nasa ilalim ng direksyon at panunulat nina Puttipong Pormsaka Na-Sakonnakorn at Wasin Pokpong.
Balangkas
[baguhin | baguhin ang wikitext]Umiikot ang istorya sa isang ordinaryo't maitim na mag-aaral na dilag na nagngangalang Nam (Baifern Pimchanok Luevisadpaibul) na lihim na nagmamahal sa isang binatang nasa ika-sampung baitang at nagngangalang Shone (Mario Maurer). Si Shone, isang bagong mag-aaral, ay sinasabing basagulero't mahilig sa pagkuha ng mga litrato. Naging madali ang kanyang pagsikat sa paaralan dahil sa kanyang taglay na kakisigan at angking galing sa football. Subalit siya'y tumatangging lumahok sa pangkat ng football ng kanilang paaralan at kadalasang tinutukso ng ibang mag-aaral dahil sa kabiguan ng kanyang amang maipasok ang penalty kick na siyang naging dahilan ng pagkatalo ng kanilang probinsya sa isang national football cup. Sa kabila nito, hindi nabago ang katotohanang marami sa mga kababaihan sa kanilang paaralan ang nahuhumaling sa kanya, kabilang na si Nam.
Alam ni Nam na mayroon lamang siyang kakarampot na tsansang mapansin ni Shone dahil sa kanyang pisikal na kaanyuan, ngunit hindi siya ganoon kadaling sumuko. Sa tulong ng kanyang malalapit na kaibigan, ginagawa ni Nam ang lahat ng kanyang makakaya upang maging mas maganda at manguna sa klase, sa pag-asang darating ang araw na magkakagusto rin sa kanya si Shone.
Sa paglipas ng dalawang taon sa paaralan, kanyang binago ang kanyang pisikal na kaanyuan, naging mas aktibo sa extra-curricular activities (sa tulong na rin ng kanyang dominante ngunit kakatwang gurong si Binibining Inn (Sudarat Budtporm)), at nanguna sa klase na siya namang naging dahilan upang marami ang magpahayag ng kanilang interes kay Nam, kabilang na riyan ang kaibigang matalik ni Shone na si Top. Sa pagtatapos ng isa na namang taon sa paaralan, sa araw ng bigayan ng mga grado, ibinunyag ni Nam kay Shone kung gaano niya ito kamahal. Subalit, nang makita ni Nam ang isang sulat sa damit ni Shone na nagsasaad na si Shone at Pin, isang babae mula sa klase ni Shone na minsang nagtanggol kay Nam mula sa mga mapang-asar na mag-aaral, ay nasa isang relasyon, siya'y nabigo't luhaang sinabing hangad niya ang kaligayahan ng dalawa.
Sa kalaunan ng araw na iyon, ibinalita kay Shone ng kanyang ama na siya'y natanggap upang maglaro kasama ang Bangkok Glass soccer team, ngunit kinakailangan niyang lumisan para magsanay kinabukasan. Bago tumungo sa lugar na pagdarausan ng kanilang pagsasanay, siya'y nag-iwan ng isang librong naglalaman ng mga larawan ni Nam sa harap ng pintuan ng bahay nila Nam, nagpapakitang siya'y lihim na umiibig kay Nma mula pa noong siya'y isang mag-aaral na nasa M.1 pa lamang. Si Nam, kahalintulad ni Shone, ay tutungo sa Estados Unidos bilang parte ng kasunduan nila ng kanyang ama sa kanyang pangunguna sa klase.
Pagkalipas ng siyam na taon, si Nam ay isa ng tanyag na fashion designer sa New York at ngayon ay nagbabalik sa Thailand. Siya'y inanyayahan upang makapanayam sa isang palabas sa telebisyon kung saan siy'ay tinanong ng host tungkol sa kanyang buhay at inspirasyon. Sinabi niyang siya'y humanga't naging inspirado dahil sa isang lalaki noong siya'y nasa mataas na paaralan. Matapos iyon, si Shone, ngayo'y isa ng retiradong manlalaro ng soccer at mahusay na mangunguha ng litrato, ay isa rin sa kakapanayamin sa palabas at umaming ganoon din ang kanyang nararamdaman para kay Nam at siya'y "may hinihintay magbalik mula sa Estados Unidos".
Mga Tauhan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pangunahing Tauhan
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Mario Maurer bilang Shone
- Baifern Pimchanok Luevisadpaibul bilang Nam
Iba pang mga Tauhan
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Sudarat Budtporm bilang Teacher Inn
- Peerawat Herapath bilang Teacher Phol
- Pijitra Siriwerapan bilang Teacher Orn
- Acharanat Ariyaritwikol bilang Top
- Kachamat Pormsaka Na-Sakonnakorn bilang Pin
- Yanika Thongprayoon bilang Faye
Mga Pagpapalabas
[baguhin | baguhin ang wikitext]Internasyonal
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pilipinas
Ipinalabas sa ABS-CBN noong Hunyo 5, 2011 at ginawang Tagalog. Ito ay muling ipinalabas matapos ang dalawang linggo dahil sa mga manonood.
Tsina
Ipinalabas ang pelikula sa Shanghai
Timog Korea
Japan
Vietnam
Lokal
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa pagpapalabas noong kaarawan ng Reyna ng Thailand/Araw ng mga Ina na isang holiday noong ika-12 hanggang ika-15 ng Agosto, ang Crazy Little Thing Called Love (o First Love) ay pumangatlo sunod ng kakatwang pelikulang Luangphee Teng 3 at Toy Story 3, ngunit pumangalawa sa ikalawang puwesto noong sumunod na linggo. Sa huling pagtala, First Love ay kumita ng mga $2.6 million (70+ million baht), mas mataas sa inaasahan.
Soundtracks
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Someday
- A Little Thing Called Love (inawit ni: Wan Thanakrit)
- I'll Be Good Enough
- Love
- Pom Barap
Mga Reaksyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nakakuha ang pelikula ng magandang impresyon at mga positibong reaksyon mula sa mga manonood, sa kabila ng pagsasapelikula nito ng hindi gumagastos ng ganoon kalaki. Sa Thailand, pumangatlo ang pelikula mula sa kanyang kinita sa pagpapalabas sa halos isang daang sinehan sa Thailand, at umakyat sa pangalawang puwesto noong sumunod na linggo sunod ng Kuan Mun Ho. Ang dalawang iba pang pelikulang kasabay ipinalabas ng First Love ay bumaba sa ikatlo't ika-apat na puwesto (kasama ang Toy Story 3). Ang pelikula'y nanatiling pangatlo noong mga sumunod na linggo at nanatili sa top 5 ng anim na sunud-sunod na linggo. Ang pelikula ay ipinalabas sa mga sinehan ng halos sampung linggo (hanggang Oktubre 2010)-naging daan upang ito'y mapabilang sa mga pinakamatagal na ipinalabas na mga pelikula sa Thailand. Sa kabuuan, nakakuha ang pelikula ng $2,659,443, at naging ikawalo sa mga pelikulang may pinakamalaking kita (tinalo nito ang Prince of Persia, The Chronicles of Narnia, Inception, Step Up 3-D, Alice in Wonderland, Tron Legacy), at ikalawa sa pinakamalaking kumitang pelikula ng 2011 na mula sa Thailand.
Sa umpisa ng 2011, ang mga kopya ng pelikula ay makikita na sa Internet. Maraming bansa ang nagnais na makakuha ng permiso upang ipalabas ito, na siyang nakapukaw sa interes ng mga manonood.
Sa Pilipinas, nakagawa ng malaking marka ang pelikula sa mga manonood nang ito'y gawing Tagalog at ipalabas sa telebisyon noong Hunyo 5, 2011 sa ABS-CBN, kung saan ito'y nakaani ng matataas na ratings.[1] Naging mainit na usapan rin ang pelikula sa mga social media sites.
Mga Parangal at Pagkilala
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Top Awards 2010 - Best Movie of the Year, First Love (napanalunan)
- Top Awards 2010 - Best Film Actor, First Love Mario Maurer (napanalunan)
- Top Awards 2010 - Best Film Rising Star Female for First Love Pimchanok Luevisadpaibul (napanalunan)
- MThai Awards 2011 - Star Couple for 2011, First Love, Mario Maurer and Pimchanok Luevisadpaibul(napanalunan)
- Asian Film Awards 2010 - Best Supporting Actor, Mario Maurer (nominado)
- Starpics Thai Films Awards 2010 - Best Actor, Mario Maurer (napanalunan)
- Bangkok Critics Assembly 2010 - Best Actor, Mario Maurer (nominado)
- Star Entertainment Awards 2010 - Best Actor, Mario Maurer (nominado)
- Seventeen Choice - Hottie Male, Mario Maurer (napanalunan)
- Top Awards 2008 - Film Rising Star, Mario Maurer (napanalunan)
Karugtong
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mayroong mga kumakalat na usap-usapan na ang pelikulang ito'y magkakaroon ng karugtong na pinamagatang First Love: The Sequel 9 Years Gone. Ito ay kinumpirma ng direktor ngunit ito ay nasa proseso pa lamang ng pagpaplano at wala pang opisyal na petsa kung kailan ito ipapalabas. Isa pang bali-balita na isa pang pelikula, First Love: The Proposal, ay binabanghay na at susunod sa mga pangyayari matapos ang First Love: The Sequel 9 Years Gone. Mayroon ding mga nagsasabing maaaring hindi na sina Mario Maurer and Fern Pimchanok Leuwisedpaiboon ang gaganap bilang mga pangunahing tauhan.