Tagagamit:Bluemask/Pamagat ng artikulo (lugar)
Ito ay burador lamang at sasailalim pa sa malalaking pagbabago. |
Ito ay magsisilbing karagdagan ng Tagalog Wikipedia sa Wikipedia:Naming conventions (geographic names) ng English Wikipedia. |
Sa pagpili ng pamagat ng mga artikulo tungkol sa mga lugar, ang susundin ay pagtutumbas at hindi pagsasalin lamang.
Seksyon 1
[baguhin | baguhin ang wikitext]Tingnan kung ano ang ginagamit na pagtutumbas ng mga babasahin o broadcast (mga sanggunian) sa wikang Tagalog (Filipino). Kung ang pinagpiliiang pamagat ay hindi nagamit sa kahit na isang sanggunian, huwag itong gamitin.
“ | Wikipedia does not publish original thought: all material in Wikipedia must be attributable to a reliable, published source. Articles may not contain any new analysis or synthesis of published material that serves to advance a position not clearly advanced by the sources themselves. | ” |
— en:Wikipedia:No original research |
Seksyon 2
[baguhin | baguhin ang wikitext]{{quotation|Para sa mga lugar sa Pilipinas—lalu na sa mga lugar sa Timog Katagalugan, Gitnang Luzon, at Kalakhang Maynila—gamitin ang pangalang pinili ng mga pamahalaan ng mga lugar na ito sa Wikang Tagalog (Filipino). Makikita ang mga ito sa kanilang opisyal na papeles at selyo.}}
Halimbawa: ''[[Cavite]]'' vs ''[[Kabite]]''
:Nasa opisyal na selyo ng Cavite ang "Sagisag ng Lalawigan ng Kabite" kaya "'''Kabite'''" ang pamagat ng artikulo ng lalawigan.
Seksyon 3
[baguhin | baguhin ang wikitext]Gamitin bilang pamagat ang anyong ginagamit sa karamihan ng mga sanggunian. Sundin ito sa kondisyong hindi taliwas sa Seksyon 4, 5, 6, at 7.
Seksyon 4
[baguhin | baguhin ang wikitext]Gamitin bilang pamagat ang pagtutumbas na inilathala ng isang
diksiyonarotalasalitaan (word list) sa kondisyong ginamit rin ang anyong ito sa iba pang sangguninang hindi diksyonaryo. Sundin ito sa kondisyong hindi taliwas sa Seksyon 5, 6, at 7.
Seksyon 5
[baguhin | baguhin ang wikitext]Kung ang isang pinagpiliiang pamagat ay maaring ituring na maling baybay (wrong spelling) ng katumbas sa Ingles, piliin ang katumbas na Ingles. Sundin ito sa kondisyong hindi taliwas sa Seksyon 6 at 7.
Seksyon 6
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sundin na pamagat ang anyong ginagamit ng pamahalaan ng Pilipinas para sa lugar na iyon.
Seksyon 7
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sundin na pamagat ang anyong ipinahayag ng lugar na iyon bilang pangalan ng kanilang lugar. Makikita ito sa pangalan na ginagamit ng United Nations.
Ilagay sa usapan ang inyong komento, reaksyon, o mungkahi. |