Usapang tagagamit:Bluemask/Pamagat ng artikulo (lugar)
Itsura
Pag-iiwas sa diksiyonaryo?
[baguhin ang wikitext]Maganda ang patakaran, ngunit mahigpit akong tumututol sa pagbabalewala sa mga diksiyonaryo bilang mga may-saysay na sanggunian para sa pangalan ng mga lugar. Naiintindihan ko na mahalaga ang papel ng ibang mga sanggunian dito para maayusan na natin ang isyung ito, pero hindi ako naniniwala na binibigyan natin ng katarungan ang wika kapag halos lahat ng midya ngayon ay talamak sa paggamit ng Ingles sa pangalan ng mga lugar. Dapat binabalanse ng patakaran ang magkabilang panig nang ganito:
- Kapag may anyo sa diksiyonaryo at ang alternatibo ay ang pangalan sa Ingles, dapat nasa Tagalog ito, at tumuturo ang Ingles sa pangalan sa Tagalog. Dapat gawin lang ito kung may anyo sa diksiyonaryo, pero hindi karaniwang ginagamit.
- Kapag walang anyo sa diksiyonaryo at karaniwang ginagamit ang Ingles, gamitin ang Ingles, maliban na sa mga bahaging maaaring isalin sa Tagalog (halimbawa, island -> pulo, archipelago -> kapuluan, republic -> republika, atbp.)
Maaari pa akong magdagdag ng mga ibang mungkahi tungkol dito. --Sky Harbor (usapan) 03:53, 6 Marso 2013 (UTC)
- Ito ay para sa pamagat lamang ng mga artikulo tungkol sa lugar katulad ng kontinente, bansa, rehiyon, lungsod, bayan at nayon na pangalang pantangi (proper nouns). Hindi ito para sa iba pang paksa at hindi rin para sa kabuuan ng artikulo.
- Kung mapapansin, lahat ng pangalan ng mga lugar sa labas ng rehiyong Tagalog ay dumaan sa pamamagitan ng Kastila at Ingles.
- Ang nais ko lang sanang iwasan ay gamitin bilang pamagat ang mungkahi ng diksyonaryo na hindi man lang ginamit ng iba.
- Magdarangdag ako ng paliwag at halimbawa (test cases) sa susunod.
- Para sa ibang mungkahi, gawa ka ng seksyon dito para mapag-usapan. --bluemask (makipag-usap) 04:23, 6 Marso 2013 (UTC)
- Oo nga, lahat ng pangalan ng mga lugar sa labas ng Pilipinas ay hango sa Espanyol o Ingles, pero kung tutuusin, ang karaniwang gamit ngayon ay Ingles lamang, nang walang pakialam kung mayroon ngang anyong matatagpuan sa Tagalog, luma man o bago. Isa ito sa mga malaking kakulangan ng Gabay sa Ortograpiya ng Wikang Filipino, kung saan tinatrato nito ang mga pangngalang pantangi (tulad ng mga pangalan ng lugar) bilang mga hiram na salita na dapat hindi binabago ang anyo nito sa Tagalog, kahit kung mayroon itong anyo sa Tagalog na, laban sa karaniwang kaalaman, hindi pala nating alam.
- Kung tutuusin din, hango sa Espanyol ang nakararami sa mga pangalan ng mga lugar na nakasaad sa mga diksiyonaryo at ibang mga panitikan sa Tagalog, kaya hindi ko naiintindihan dito ang pangangailangang iwasan ang pagtitingin sa diksiyonaryo bilang isang mapagkakatiwalaang sanggunian para sa ganitong larangan. Pumapasok dito ang karaniwang kaisipan na "walang salita para sa iyan sa Tagalog", na hindi naman totoo: oo, hindi nila ginagamit, pero ano ang ibig sabihin nito? Hindi ba nila ginagamit ito dahil itinakwil nila ito? O hindi ba nila ginagamit ito dahil hindi nila alam ito? Mas malakas para sa akin ang pangalawa kaysa sa una, at maaari namang matuto ang sambayanang Pilipino sa kung ano nga ba ang pangalan ng bansang ito sa Tagalog, kaysa sa aasa na lang sila nang aasa sa Ingles para mapaliwanag nila ang nais nilang mapaliwanagan. --Sky Harbor (usapan) 06:47, 6 Marso 2013 (UTC)
- Mungkahi ko'y paikliin ang punto ng bawa't isa, malibang kung hingin ang paliwanag. Malawak ang usaping ito.
- Paggamit ng Kabite o Dabaw, ito'y ginamit noong panahong sumusunod lamang tayo sa ABaKaDa. Nasa sagisag ng Cavite City, Lungsod ng Cavite. Tandaan ang dati-rati'y Lungsod ng Kalookan ang ibinalik sa pagiging Makasaysayang Lungsod ng Caloocan matapos manghimasok ang NHCP.
- Tukuyin ang Northern Samar bilang Hilagang Samar atbp., ang Nueva Ecija ba ay dapat Bagong Ecija? o ang La Union ay Ang Pagsasanib? ang Laguna ay Lawa? Bakit ang Ingles ay kailangang Tagalugin ngunit anong immunity mayroon ang Espanyol bakit di ito Tinatagalog (dahil ba'y sadyang di na tayo bihasa sa Espanyol)? Nanghimasok din ang dating NHI noong 1995 nang binalak na tukuyin ng sangguniang panlalawigan ng Camarines Norte ang kanilang lalawigan bilang Hilagang Kamarines.
- Pangalan ng mga lugar ayon sa Bibliyang Tagalog/Filipino, ang mga lumang bersiyon ay tumutukoy sa Cyprus, bilang Tsipre atbp., ngunit bagong bersiyon ay Cyprus na ito (wala na tayo sa panahon ng ABaKaDa).
- Paggamit ng nasa diksiyonaryo, kung ito rin ang gamit ng mga lathalain (kailangan manaig ang higit na nakararaming lahalain). Dahil kung gagagmitin ang diksiyonaryo na walang kaakibat na gamit, ano ang mangyayari kung bukas o sa makalawa may dalubwika na maglabas ng bagong diksiyonaryo na komprehensibo ang mga pagsalin sa mga lugar, kailangan bang magbago na naman ng pamantayan? Di ko ikagugulat kung isang araw may magmungkahi na ang Puerto Rico ay Mayamang Pantalan dahil may tumukoy sa Ivory Coast bilang Baybaying Garing.
- Kabuuan: Wala sa isa o pangkat ng dalubwika ang makakapagpasya kung paano tukuyin ang isang bagay o lugar, kung di-ito kakagatin ng mga nagsasalita ng wika. Noong 1920s-30s pinagtawanan ang mga pinilit na isa-Tagalog na mga Ingles na salita, ngunit ang ilan ay nanatili na gaya ng pinilakang-tabing para sa silver screen. Ito'y isang halimbawa na ang minungkahi ng diksiyonaryo ay kinagat ng mananalita ng wika at ginamit, ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon ay nangyari, kaya kailangang may sapat na kaakibat na gamit ang mga hahanguin sa diksiyonaryo. Walang kaso ng sui generis sa wika, ang minungkahi ng GAUF ay sadyang di kinagat. -- Namayan 04:06, 8 Marso 2013 (UTC)
- Hindi dapat tayo magpuno sa kakulangan ng ginagawa ng KWF, dahil magmumukha tayong nag-orihinal na pananaliksik. -- Namayan 04:18, 8 Marso 2013 (UTC)
- Mungkahi ko'y paikliin ang punto ng bawa't isa, malibang kung hingin ang paliwanag. Malawak ang usaping ito.
- Kung tutuusin din, hango sa Espanyol ang nakararami sa mga pangalan ng mga lugar na nakasaad sa mga diksiyonaryo at ibang mga panitikan sa Tagalog, kaya hindi ko naiintindihan dito ang pangangailangang iwasan ang pagtitingin sa diksiyonaryo bilang isang mapagkakatiwalaang sanggunian para sa ganitong larangan. Pumapasok dito ang karaniwang kaisipan na "walang salita para sa iyan sa Tagalog", na hindi naman totoo: oo, hindi nila ginagamit, pero ano ang ibig sabihin nito? Hindi ba nila ginagamit ito dahil itinakwil nila ito? O hindi ba nila ginagamit ito dahil hindi nila alam ito? Mas malakas para sa akin ang pangalawa kaysa sa una, at maaari namang matuto ang sambayanang Pilipino sa kung ano nga ba ang pangalan ng bansang ito sa Tagalog, kaysa sa aasa na lang sila nang aasa sa Ingles para mapaliwanag nila ang nais nilang mapaliwanagan. --Sky Harbor (usapan) 06:47, 6 Marso 2013 (UTC)
- Magandang araw po. Opinyon ko lang po. Bakit hindi tayo magkaroon ng pormal na panawagan sa KWF ukol sa suliraning ito upang hindi magmukhang nag-orihinal na nananaliksik tayo? At, para magkaroon ng mga pamantayan ukol sa iba't ibang suliranin. Sa tingin ko naman po, maaari tayong dumulog sa KWF dahil isa naman tayong organisasyon na nagpapayabong sa Wikang Tagalog/Wikang Filipino. --雅博直井(会話) 04:06, 10 Marso 2013 (UTC)