Pumunta sa nilalaman

Tagagamit:Kkiske95/Digmaang Boshin

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Mapa ng mga labanan sa Digmaang Boshin (1868–69). Nagsanib-puwersa ang mga dominyo ng Satsuma, Chōshū, at Tosa (pula) upang talunin ang mga hukbo ng Kasugunan sa Toba-Fushimi, at tuluyan nitong nasakop ang kabuuan ng Hapon hanggang sa huling labanan sa pulo ng Hokkaidō sa hilaga.

Ang Digmaang Boshin (戊辰戦争 Boshin Sensō, "Digmaan sa Taon ng Yang na Dragon ng Lupa"), [1] na kilala rin bilang ang Himagsikang Hapones, ay isang digmaang sibil na naganap sa Hapon mula 1868 hanggang 1869 sa pagitan ng mga hukbo ng namumunong Kasugunang Tokugawa at ng mga nagnanais maibalik ang kapangyarihan ng Korte Imperyal.

Higit kumulang na 120,000 katao ang sumabak sa labanan, at 3,500 sa mga ito ay namatay.[2] Sa pagtatapos ng digmaan, isinantabi ng paksyong imperyal ang kanilang layuning paalisin ang mga banyaga mula sa Hapon at itinuloy ang modernisasyon ng bansa na may bagong layunin na muling mapagkasunduan ang mga Kasunduang Di-patas (Unequal Treaties). Bunga ng pamimilit ni Saigo Takamori, isang mataas na pinuno ng paksyong imperyal, binigyang pardona ang mga loyalistang Tokugawa, at maraming mga dating pinuno ng kasugunan ang nabigyan ng mga matataas na posisyon sa ilalim ng bagong pamahalaan.

Saksi ang digmaang Boshin sa mataas na antas ng modernisasyon na natamo ng bansang Hapon nang makisabay ito sa mga industriyalisado na bansang banyaga sa antas ng kaunlaran, habang hindi sumasang-ayon sa ipinatupad ng mga banyaga na malayang kalakalan na siyang makasisira sa ekonomiya ng banda, ang malawak na pakikialam ng mga bansang Kanluranin, lalo na ang Britanya at Pransya, sa pulitika nito, at ang magulong panunumbalik ng kapangyarihang imperyal. Sa kalaunan, binigyan ng idealistikong presentasyon ang digmaang ito ng mga Hapon at ilan pang kinikilala ang Panunumbalik ng Meiji bilang isang "mapayapang himagsikan", sa kabila ng bilang ng mga nasawi.

  1. Boshin (戊辰) (戊辰?) is the designation for the fifth year of a sexagenary cycle in traditional East Asian calendars. 戊辰 can also be read as "tsuchinoe-tatsu" in Japanese, literally "Elder Brother of Earth-Dragon".
  2. Estimate in Hagiwara, p. 50.