Pumunta sa nilalaman

Kumpisal

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Tagapagpaamin)
Isang taong nakaluhod at nangungumpisal habang nakaupo at nakikinig ang isang pari.

Sa pagtuturo ng Simbahang Romano Katoliko, ang Sakramento ng Kumpisal (minsang tinatawag na Kumpesyon, Rekonsilasyon, Penitensiya, o Pagsisisi) ay ang paraang ibinigay ni Kristo sa Simbahan para sa kapatawaran ng mga kasalanan ng bawat indibidwal na taong nabinyagang miyembro ng Simbahan. Matatandaang hindi na kailangan i-kumpisal ang mga kasalanan ng isang tao na sinagawa bago siya mabinyagan dahil sapat na ang Binyag para sa pagkabura ng mga ito.

Noong 1215, ginawang rekisito para sa mga Romano Katoliko ang mangumpisal nang kaliitliitang isang beses bawat taon[1]. Ito ayon sa mga desisyon ng ika-4 na Konsel ng Laterano, at ito ay naging bahagi na ng Alituntunin ng Batas-Kanonigo.

Sa Simbahang Katoliko

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ayon sa Konsilyo ng Trent, ang pinaunang ebidensiya para sa Sakramento ay matatagpuan sa Ebanghelyo ni San Juan (20: 22-23)[2]. Kasama rin sa mga inililistang patunay para sa Sakramento ay ang Ebanghelyo ni San Mateo (9:2-8) at ang Pangalawang Liham sa mga Korintyano (5:17-20).

Sa tradisyon ng mga Romano Katoliko, ikinukumpisal ang mga kasalanang mortal upang ipanibago ang kanilang relasyon sa Diyos, at upang matanggap ang kabuuang grasya at pagliligtas. Sa kanilang debosyon maaaring ikumpisal din ang mga kasalanang mababaw, lalo na kapag walang ikinamit na kasalanang mortal ang penitente. Ang intensiyon ng Sakramento ay ang paghilom ng kaluluwa, kasama ng muling pag-kamit ng grasya ng Diyos na nawala dahil sa kasalanan.

Mangagawad ng sakramento

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Maraming dantaon na ang nagdaan mula noong huling nagbago ang Porma ng Sakramento, ito ay nanggaling sa isang panahon kung saan ang kumpesyon ay pam-publiko. Ang katauhan ng pari ay isang kinatawan ng Awa ni Kristo – ang kaniyang mga aksiyon ay ginagawa In Persona Christi (Latin, Sa Panahuhan ng Kristo).

Naniniwala ang mga Katoliko na walang pari, bilang isang indibidwal na tao, kahit na gaano mang kalaki ang kaniyang kabanalan o kaalaman, ang may kakayahang magpatawad ng mga kasalanan. Ito ay kapangyarihan lamang ng Diyos; ngunit ipinatutupad ng Diyos ang lakas na ito sa pamamagitan ng Pagpaparing Katoliko [3]. Sa pamamagitan ng Sakramentong ito, paniwala ng mga Katoliko na epektibong ipinangangasiwa ng bawat balidong inordinang pari at obispo na may Hurisdiksiyong Eklesyastikal para mag-agsolba ng mga penitente[4].

Kadalasan ng pagkumpisal

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa mga Romano Katoliko, kinakailangan ang mangumpisal isang beses sa bawat taon[1], ngunit rekimendado ang mangumpisal kadalas-dalasan. Tradisyonal ang mangumpisal sa panahon ng Adbiyento at Kwaresma, pati na rin bilang parte ng preparasyon para sa Kumpil at Kasal.

Ang madalas na kumpisal ay isa sa mga pokus ng mga Santo Papa.

Sa Simbahang Oryental (Ortodoksiya at Katolikong Oriental)

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa Ortodoksiyang Oriental (at pati na rin sa mga Simbahang Katolikong Oriental), ang Hiwaga (Sakramento) ng Kumpesyon at Pagsisisi ay may malaking pokus sa kaunlaran ng sarili kung ikumpara ito sa padadalisay ng kalooban. Ang mga kasalanan ay mga pagkakamaling dapat itama, at hindi mantas sa kaluluwa.

Sa mga Simbahang Oriental, may naka-atas na Gabay Pang-spiritwal ang bawat Kristyano. Madalas ito ay ang local na pari sa kaniyang parokya, ngunit pwede rin itong piliin ng bawat tao. Ang Gabay ay maaaring lalaki o babae na may espesyal na permiso mula sa Obispo upang duminig ng mga kumpisal.

Selyo ng kumpisal

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Napagkakatiwalaan ang mga pari at konpesor sa pangungumpisal. Hindi nila maaaring sabihin sa kahit kanino ang mga detalye ng mga aksiyon ng penitente, kahit na may banta sa buhay nila o sinuman.

Sa mga pangyayaring nasasakol ang batas (iyon ay, kung mag ilegal na ginawa ang penitente na ikinumpisa sa konpesor gamit ang Sakramento), maaring irekomenda ng konpesor ang pag-ako sa mga gawain sa pamamagitan ng paglapit sa mga awtoridad.

Sa Simbahang Romano Katoliko, sinumang pari ang lumabag sa Selyong[5] ito ay agad-agadang i-e-ekskomunika mula sa Simbahan, isang mabagsik na kaparusahan na naka-reserba para sa Santa Sede[6].

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]