Pumunta sa nilalaman

Tampere University of Technology

Mga koordinado: 61°26′58″N 23°51′36″E / 61.4494°N 23.86°E / 61.4494; 23.86
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang kampus.

Ang Tampere University of Technology (TUT) (Pinlandes: Tampereen teknillinen yliopisto (TTY)) ay ang pangalawang pinakamalaking unibersidad sa enhinyeriya sa Finland. Ang unibersidad ay matatagpuan sa Hervanta, isang suburbyo ng Tampere.

Ang mandato ng unibersidad ay pananaliksik at pagbibigay ng pinakamataas na edukasyon sa mga larangan nito. Ang pananaliksik, na isinasagawa sa pamamagitan ng humigit-kumulang 1,800 kawani at guro, karamihan ay nakatutok sa aplikadong agham at madalas ay may malapit na relasyon sa iba't-ibang mga kumpanya (tulad ng Nokia). Matatagpuan sa tabi ng kampus ang Technology Centre Hermia, kabilang ang isang malaking pasilidad sa pananaliksik ng Nokia. Ang TUT ay isa sa dalawang unibersidad ng Finland na pinapatakbo bilang isang pundasyon. Malapit sa 50% ng badyet nito ay galing sa panlabas na pagpopondo.[1]

Ang unibersidad ay nakatakdang sumanib sa Unibersidad ng Tampere at Tampere University of Applied Sciences sa 2019 upang bumuo ng isang bagong unibersidad.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]

61°26′58″N 23°51′36″E / 61.4494°N 23.86°E / 61.4494; 23.86 Edukasyon Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.