Tanggapan ng Pangkalahatang Kalupunan ng Makaharing Hukbong Katihang Hapones
Ang Tanggapan ng Pangkalahatang Kalupunan ng Makaharing Hukbong Katihang Hapones (参謀本部 Sanbō Honbu), na tinatawag ding Pangkalahatang Kalupunang Hukbong Katihan, ay isa sa dalawang pangunahing sangay na may katungkulang pangasiwaan ang Makaharing Hukbong Katihang Hapones.
Gampanin
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Kagawaran ng Hukbong Katihan (陸軍省 Rikugunshō) ay itinatag noong Abril 1872, kasabay ang Kagawaran ng Hukbong Pandagat, upang palitan ang Kagawaran sa Ugnayang Panghukbo (Hyōbushō) ng sinaunang pamahalaang Meiji. Sa simula, ang Kagawaran ng Hukbong Katihan ay kapwang may katungkulan sa pangangasiwa at pagpapatakbo ng Makaharing Hukbong Katihang Hapones; ngunit mula noong Disyembre 1878, ginampanan na ng Tanggapan ng Pangkalahatang Kalupunan ng Makaharing Hukbong Katihan ang lahat ng pagpapatakbo sa Hukbong Katihan, kung kaya't ang Kagawaran ng Hukbong Katihan ay may pangasiwaang katungkulan na lamang. Kaya naman ang Pangkalahatang Kalupunan ng Makaharing Hukbong Katihan ay may pananagutan sa paghahanda ng mga panukalang pandigma; sa pandigmang pagsasanay at paggawa ng mga sandata; pamalayang pandigma; panuto sa mga paraang pandigma ng mga pulutong; paglulunsad ng mga pulutong; at ang pagtitipon ng mga patakaran sa paglilingkod sa larangang panghukbo, kasaysayang panghukbo, at kartograpiya.
Ang Punong Pangkalahatang Kalupunan ng Hukbong Katihan ay mataas na kawani ng Makaharing Hukbong Katihang Hapones, at kasama ng Tagapangasiwa sa Digmaan, Tagapangasiwa ng Hukbong Pandagat, at ng Punong Pangkalahatang Kalupunan ng Hubong Pandagat, ay tinatamasa ng mga ito ang tuwirang pahintulot sa Baginda. Sa panahon ng digmaan, ang Pangkalahatang Kalupunan ng Makaharing Hukbong Katihan ay magiging isa sa mga sangay ng hukbong katihan ng Makaharing Pangkalahatang Pununghimpilan, isang natatanging kalupunan sa ilalam ng pamamalakad ng baginda na itinatag upang tumulong sa pagsasaayos ng pangkalahatang kautusan.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Matapos ang pagbagsak ng shogunatong Tokugawa noong 1867 at ang "panunumbalik" ng tuwirang pamamahalang makahari, sinikap ng mga pinuno ng bagong pamahalaang Meiji na bawasan ang kapanganiban ng Hapon sa Kanluraning pagkamakabaginda sa pamamagitan ng mahusay na paggaya sa pamamaraang aghimuanin, pamamahala, panlipunan, at panghukbo ng mga pangunahing bansa sa Europa. Sa simula at sa ilalaim ng pamamalakad ni Ōmura Masujirō at ng kanyang bagong katatalagang Kagawaran sa Ugnayang Panghukbo (Hyōbu-shō), naging huwaran ng hukbuning Hapones ang Pransya . Ngunit ang kahanga-hangang pagtatagumpay ng Prusya at ng iba pang mga kasapi sa Kalagumang Hilagang Aleman sa Digmaang Pranses-Pruso noong 1870/71, nahikayat ang mga untipunuang Meiji ang kahigitan ng huwarang pandigmang Pruso. At noong Pebrero 1872, pinanukala nina Yamagata Aritomo at Oyama Iwao na baguhin ang huwaran ng hukbuning Hapones at itulad ito sa mga Pruso. Sa paghihikayat ni Katsura Taro noong Disyembre 1878, na siya ring nanilbihan bilang sugong panghukbo sa Prusya, tuluyang tinaguyod ng pamahalaang Meiji ang pamamaraang pangkalahatang kalupunang Pruso/Aleman (Großer Generalstab) na kung saan ang hukbunin at mamamayan ay magkahiwalay na lupon ng pamahalaan. Sa pamamagitan nito, ang hukbunin ay nakahihigit sa kapangyarihan ng mga panig banwahin, at tuwirang tapat sa baginda sa halip sa Punong Tagapangasiwa na maaaring subuking agawin ang kapangyarihan ng baginda.
Ang gawaing pangasiwaan at pagpapatakbo ng hukbong katihan ay nahahati sa dalawang sangay. Ang kababalitatag na Kagawaran ng Digmaan ay ang sangay na nangangasiwa, tumutustos, at nagpapakilos ng hukbong katihan, at isang hiwalay na Pangkalahatang Kalupunang Hukbong Katihan naman ay ang sangay na may pananangutan sa pagkathang patigayunin at gawaing pag-uutos. Ang Punong Pangkalahatang Kalupunang Hukbong Katihan, na may tuwirang pahintulot sa baginda ay maaaring kumilos hiwalay sa pamahalaang pangmamamayan. Ang lubos ng pagsasarili ng hukbunin sa panunuri ng mamamayan ay isinabatas sa saligang-batas ng Meiji noong 1889 kung saan isinakatuparan na ang Hukbong Katihan at Hukbong Pandagat ay tuwirang nasa ilalim ng pamumuno ng baginda at hindi sa mamamayan o sa mga kalihim.
Si Yamagata ang naging unang pinuno ng Pangkalahatang Kalupunan ng Hukbong Katihan noong 1878. Dahil sa kahibuan ni Yamagata, naging higit na makapangyarihan ang Pinuno ng Pangkalahatang Kalupunan ng Hukbong Katihan kaysa sa Tagapangasiwa ng Digmaan. Bukod pa rito, isang kautusang makahari (Batas sa Mga Tagapangasiwang Hukbuhin na maging Kawaning may Kasalukuyang Katungkulan (軍部大臣現役武官制 Gumbu daijin gen'eki bukan sei)) ang nag-aatas na dalawa sa mga tagapangasiwang panlingkod ay mahihirang mula sa mga heneral o laksamanang tenyente heneral o sa pangalawang laksamana na nasa talaan ng may kasalukuyang katungkulan. Sa pamamagitan ng pag-atas sa nanunungkulang Tagapangasiwa ng Digmaan na magbitiw o sa pag-atas sa mga heneral na tanggihan ang anumang paghirang bilang Tagapangasiwa ng Digmaan, ang Pinuno ng Pangkalahatang Kalupunan ng Hukbong Katihan ay maaaring sapilitang pagbitawin ang mga gabinete o maiwasan ang pagbuo ng isang bagong gabinete.
Sa labingpitong mga kawani na nanilbihan bilang Pinuno ng Pangkalahatang Kalupunan ng Hukbong Katihan mula 1879 hanggang 1945, tatlo ay mga kasapi ng Pamilyang Marangal (Lakang Arisugawa Taruhito, Lakang Komatsu Akihito, at Lakang Kan'in Kotohito) at nagtamo ng mataas na karangalan dahil sa kanilang kaugnayan sa Baginda.
Binuwag ng maykapangyarihan sa Pananakop ng mga Amerikano ang Pangkalahatang Kalupunan ng Makaharing Hukbong Katihan noong Setyembre 1945.
Kaayusan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Dumaan sa maraming pagbabago ang Katatagan ng Tanggapan ng Pangkalahatang Kalupunan ng Hukbong Katihan. Bago magsimula ang Digmaang Pasipiko, ito ay nahahati sa apat na sangay sa pagpapakilos nito at mga iba pang kaakibat na lipon:
Pinuno ng Pangkalahatang Kalupunan ng Hukbong Katihan (heneral o Mariskal De-kampo)
Pangalawang Pinuno ng Pangkalahatang Kalupunan ng Hukbong Katihan (tenyente heneral)
- Pangkalahatang Ugnayan (kawanihan, palatuusan, panggagamot, balaking pagpapakilos)[1]
- G-1 (Pamamahala)
- Sangay sa Patigayon at Pamamaraang Panghukbo
- Sangay sa Panunuri ng Katihan
- G-2 (Pamalayan)
- Sangay sa Rusya
- Sangay sa Europa at Hilagang Amerika
- Sangay sa Tsina
- Iba pang mga sangay
- G-3 (Pasakayan at Pahatiran)
- G-4 (Pangkasaysayan at Mapa) [2]
- G-5 (Pangunguta) [mula Enero 1889 hanggang Disyembre 1908]
- Dalubhasaan ng Pangkalahatang Kalupunan
Pinuno ng Pangkalahatang Kalupunan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Tala: Ang nakikitang hanay ay ang hanay kung kailan huling nahirang ang mga pinuno at hindi ang hanay kung kailan ang mga pinuno ay nanilbihan bilang Pinuno ng Pangkalahatang Kalupunan ng Hukbong Katihan. Halimbawa, ang hanay ng Mariskal De-kampo ay noong 1872/73 lamang at mula 1898 patuloy.
№ | Pinuno ng Pangkalahatang Kalupunan | Hinirang mula | Hinirang hanggang | Tagal sa pagkahirang | |
---|---|---|---|---|---|
1 | Kondeng Yamagata Aritomo (1838–1922) | Mariskal De-kampo24 Disyembre 1878 | 4 Setyembre 1882 | 3 taon, 254 araw | |
2 | Ōyama Iwao (1842–1916) | Mariskal De-kampo4 Setyembre 1882 | 13 Pebrero 1884 | 1 taon, 162 araw | |
3 | Markwis Yamagata Aritomo (1838–1922) | Mariskal De-kampo13 Pebrero 1884 | 22 Disyembre 1885 | 1 taon, 312 araw | |
4 | Lakang Arisugawa Taruhito (1835–1895) | Heneral22 Disyembre 1885 | 14 Mayo 1888 | 2 taon, 144 araw | |
5 | Ozawa Takeo (1844–1926) | Tenyente Heneral14 Mayo 1888 | 9 Marso 1889 | 301 araw | |
6 | Lakang Arisugawa Taruhito (1835–1895) | Heneal9 Marso 1889 | 15 Enero 1895 † | 5 taon, 318 araw | |
7 | Lakang Komatsu Akihito (1846–1903) | Mariskal De-kampo26 Enero 1895 | 20 Enero 1898 | 2 taon, 359 araw | |
8 | Kawakami Soroku (1848–1899) | Heneral20 Enero 1898 | 11 Mayo 1899 † | 1 taon, 111 araw | |
9 | Lakang Ōyama Iwao (1842–1916) | Mariskal De-kampo16 Mayo 1899 | 20 Hunyo 1904 | 5 taon, 35 araw | |
10 | Prince Yamagata Aritomo (1838–1922) | Mariskal De-kampo20 Hunyo 1904 | 20 Disyembre 1905 | 1 taon, 183 araw | |
11 | Prince Ōyama Iwao (1842–1916) | Mariskal De-kampo20 Disyembre 1905 | 11 Abril 1906 | 112 araw | |
12 | Kodama Gentarō (1852–1906) | Heneral11 Abril 1906 | 23 Hulyo 1906 † | 103 araw | |
13 | Barong Oku Yasukata (1847–1930) | Mariskal De-kampo30 Hulyo 1906 | 20 Enero 1912 | 5 taon, 174 araw | |
14 | Hasegawa Yoshimichi (1850–1924) | Mariskal De-kampo20 Enero 1912 | 17 Disyembre 1915 | 3 taon, 331 araw | |
15 | Uehara Yūsaku (1856–1933) | Mariskal De-kampo17 Disyembre 1915 | 17 Marso 1923 | 7 taon, 90 araw | |
16 | Kawai Misao (1864–1941) | Heneral17 Marso 1923 | 2 Marso 1926 | 2 taon, 350 araw | |
17 | Suzuki Soroku (1865–1940) | Heneral2 Marso 1926 | 19 Pebrero 1930 | 3 taon, 354 araw | |
18 | Kanaya Hanzo (1873–1933) | Heneral19 Pebrero 1930 | 23 Disyembre 1931 | 1 taon, 307 araw | |
19 | Lakang Kan'in Kotohito (1865–1945) | Mariskal De-kampo23 Disyembre 1931 | 3 Oktubre 1940 | 8 taon, 285 araw | |
20 | Hajime Sugiyama (1880–1945) | Mariskal De-kampo3 Oktubre 1940 | 21 Pebrero 1944 | 3 taon, 141 araw | |
21 | Hideki Tojo (1884–1948) | Heneral21 Pebrero 1944 | 18 Hulyo 1944 | 148 araw | |
22 | Yoshijirō Umezu (1882–1949) | Heneral18 Hulyo 1944 | Setyembre 1945 | 1 taon, 45 araw |
- ↑ Linikha matapos noong 16 Enero 1899. May pananagutan sa pangkalahatang ugnayan, ugnayang kawanihan, palatuusan, kaayusang pandigma at balaking pagpapakilos. Binuwag matapos noong 15 Oktubre 1943 at ang mga pananagutan ay inilipat sa SAngay ng Pangkalahatang Ugnayan sa ilalim ng Pangalawang Pinuno ng Pangkalahatang Kalupunan.
- ↑ Katungkulan sa kartograpiya, paksain sa mga kasaysayang panghukbo, pagsasalinwika at sinupan. Binuwag noong 15 Oktubre 1943 at ang katungkulan ay ilinipat sa Ikalawang Kawanihan