Taong Nebraska
Ang Taong Nebraska ay isang pangalang ginamit ng mga mamamahayag sa radyo, telebisyon, at pahayagan para sa Hesperopithecus haroldcookii, isang putatibo o itinuturing na uri ng bakulaw. May ibig sabihing "bakulaw ng kanluraning mundo" ang Hesperopithecus at itinuring itong isang unang mas mataas na primata ng Hilagang Amerika. Bagaman hindi isang sinasadyang panlilinlang,[kailangan ng sanggunian] napatunayang mali ang klasipikasyon nito.
Orihinal na nilarawan ito ni Henry Fairfield Osborn noong 1922 batay sa isang ngiping natagpuan sa Nebraska, Estados Unidos ng rantsero o hasendero at heolohistang si Harold Cook noong 1917. Isang larawan ng H. haroldcookii ang iginuhit ng artista ng sining na si Amedee Forestier, na ibinatay ang ilustrasyon mula sa mga proporsyon o sukat ng "Pithecanthropus" (kasalukuyang Homo erectus), ng Taong Java (o Taong-Bakulaw ng Java), para sa Illustrated London News. Hindi nasiyahan si Osborn sa larawang iginuhit, na tinawag niya bilang "isang bunga ng kaisipan na walang halagang pang-agham, at walang kaduda-dudang hindi tumpak".[1]
Napatunayan ng karagdagan pang pagsisiyasat sa pook na pinagkatagpuan noong 1925 ang nagpatunay na mali ang pagkakakilala sa ngipin. May iba pang mga bahagi ng kalansay na natagpuan. Ayon sa mga bagong tuklas na pirasong ito, hindi pag-aari ng isang tao o maging ng isang bakulaw ang ngipin, sa halip ay pag-aari ng hindi na umiiral na sari ng Peccary na tinatawag na Prosthennops at intras ang pagkakakilala rito bilang isang bakulaw mula sa diyaryong Science noong 1927.[2]
Bagaman hindi nakatamo ng panlahatang pagtanggap sa pamayanang makaagham ang identidad o katauhan ng H. haroldcookii, at bagaman tinanggal ang mga uri isang dekada pagkaraang matuklasan ito, ipinakalat ng mga kreasyonista o mga "manlilikha" ang episodyong ito bilang isang halimbawa ng mga kamaliang pang-agham na sinasabi nilang nakasisira sa kredibilidad kung paano nililikha o iniimbento ang mga panukala o teorya ng paleontolohiya at ebolusyon ng hominidyo, at kung paanong sinusuri ng mga magkakasama sa larangan o tinatanggap bilang kaalamang pangnakararami o panglahat ang isang kabatiran o impormasyon.
Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]Talababa
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Salin mula sa Ingles: "a figment of the imagination of no scientific value, and undoubtedly inaccurate."
- ↑ Gregory, W.K. (1927). "Hesperopithecus apparently not an ape nor a man". Science. 66: 579–81. doi:10.1126/science.66.1720.579. PMID 17810385.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Talaaklatan
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Gould S.J. (1991): An essay on a pig roast. Sa Bully for brontosaurus. (pp. 432–47). New York: W.W.Norton ISBN 0-393-30857-X
- Wolf J. at Mellett J.S. (1985) The role of "Nebraska man" in the creation-evolution debate[patay na link]. Creation/Evolution 16:31-43.
- Brian Regal. Henry Fairfield Osborn: Race and the Search for the Origins of Man (Aldershot, UK: Ashgate, 2002).