Tarsan and Baby Jane
Sina Tarsan and Baby Jane ay mga Filipinong mag-ama na unang sumikat sa kanilang rendisyon ng awiting Pintasan noong 1978. Sila ay nakisabay sa uso noong mga novelty tulad nina Yoyoy Villame, Max Surban, Reycard Duet at Fred Panopio. Inawit din ng mag-ama ang "Babay Na sa Daddy" na ang musika ay kuha ang tempo sa awit ni Connie Francis, "Pretty Little Baby".
Sila ay nagsaplaka ng ilang album na ang pamagat ay "Kwelang-Kwela" sa ilalim ng Plaka Pilipino Records kung saan ang tahanan ng mga awiting novelty. Habang sila ay kumakanta ay nakagagawa rin sila ng mga pelikula na pawang komedya. Ang ilan sa kanilang mga kanta ay "Paskong Bukol", "Ang Mabait na Bata", at "Umiiiwas ang Pag-ibig".
Ang mag-ama ay nagsimula lumabas sa "Seeing Stars with Joe Quirino" sa IBC Channel-13 tuwing Linggo. Ang listang si Baby Jane kinakitahan ng galing sa pag-awit at pagpapatawa. Sa katunayan ay may version siya ng "Pananagutan" na madalas kinakanta sa misa ng mga Katoliko.
Si Baby Jane ay lumabas din sa pelikua at maging sa telibisyon. Siya ay kasama sa cast ng "Enter Superteks" noong 1979 at sa "Ngalan ng Ama" ng Seiko films noong 1983 bilang kalaro ni Jaypee de Guzman. Pero di malilimtan ang kanyang paggganap sa "Joey and Son" na pinangunguhan nina Joey de Leon at Ian Veneracion kasama Sylvia la Torre noong 1983. Ginampanan niya ang papel ni "Bubbles" ang nakakatuwang kalaro at kapitbahay ni Ian Veneracion.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.