Tatlong Alituntunin ng Bayan
Itsura
Ang mga Tatlong Alituntunin ng Bayan (Tsino: 三民主義; Sān Mín Zhǔyì) ay isang pampulitikang aral na inilikha ni Sun Yat-sen upang patatagin ang Tsina bilang malayang, masaganang, at malakas na bayan.
Ang mga alituntunin na ito ay ang pagkamakabayan (民族主義; Mínzú Zhǔyì), ang demokrasya (民權主義; Mínquán Zhǔyì), at ang kapakanang pampubliko (民生主義, Mínshēng Zhǔyì).