Tatsulok ni Floyd
Ang tatsulok ni Floyd ay isang hugis-tatsulok na talahanayan ng mga natural na bilang, na ginagamit sa edukasyong pang-agham na kompyuter. Ito ay pinangalanan mula kay Robert Floyd . Ito ay nabubuo sa pamamagitan ng pagpuno ng mga hilera ng tatsulok gamit ang mga magkakasunod na mga bilang o numero. Nagsisimula ito sa bilang "1" sa tuktok na nasa kaliwang sulok:
1 | ||||
2 | 3 | |||
4 | 5 | 6 | ||
7 | 8 | 9 | 10 | |
11 | 12 | 13 | 14 | 15 |
Ang suliranin sa pagbuo ng isang programang pangkompyuter upang makabuo sa tatsulok na ito ay madalas na ginagamit bilang isang ehersisyo o halimbawa para sa pagsisimula ng mga baguhang programador ng kompyuter, na sumasaklaw sa mga konsepto ng pagbuo ng teksto at mga simpleng konstruksyon ng kodigo para sa pagpapaulit-ulit.[1][2][3][4]
Anyo
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Ang mga bilang sa kaliwang gilid ng tatsulok ay katumbas ng at ang mga bilang naman sa kahabaan ng kanang gilid ay ang mga bilang na patatsulok. Ang ika-n na hilera ay katumbas ng n(n2 + 1)/2, ang konstante ng isang n × n sa mahiwagang parisukat (sequence A006003 in OEIS).
- Ang paglalagom ng mga kabuuan ng mga hilera ng tatsulok ni Floyd ay nagpapakita ng pagdoble ng mga patatsulok na bilang, mga bilang na patatsulok na mayroong isang indeks na patatsulok din.[5]
1 = 1 = T(T(1))
1 = 6 = T(T(2))
2 + 3
1
2 + 3 = 21 = T(T(3))
4 + 5 + 6
- Ang bawat numero sa tatsulok ay mas maliit kaysa sa bilang na nasa ibaba nito na makikita sa pamamagitan ng indeks nito.
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Keller, Arthur M. (1982), A first course in computer programming using PASCAL, McGraw-Hill, p. 39
- ↑ Peters, James F. (1986), Pascal with program design, Holt, Rinehart and Winston, pp. 137, 154
- ↑ Arora, Ashok; Bansal, Shefali (2005), Unix and C Programming, Firewall Media, p. 387, ISBN 9788170087618
- ↑ Xavier, C. (2007), C Language And Numerical Methods, New Age International, p. 155, ISBN 9788122411744
- ↑ Foster, Tony (2015), Doubly Triangular Numbers OEIS A002817