Teks
Ang teks ay isang baraha na karaniwang ginagamit ng mga bata mula sa Pilipinas bilang laro. Kinukulekta ang mga maliliit na barahang ito ng mga bata sapagkat mayroon itong mga iginuhit na mga larawang pang-komiks na may mga lobo o ulap ng diyalogo, panandang nagsasalita ang mga karakter na nakalarawan sa barahang teks. Nilalaro ito sa pamamagitan ng paghagis o pag-itsa ng ilang mga baraha sa ere hanggang sa bumagsak sa lupa. Naaangkin ng panalong manlalaro ang baraha ng kalaban ayon sa kung paano lumpagpak ang barahan sa lupa. Ilan sa mga terminong ginagamit sa laro ang mga sumusunod: Tsub, tsa, tagilid at akeyn. Tsub ang tawag sa barahang nakadapa, tsa naman ang nakatihaya o litaw ang mukhang may guhit na larawan, at tagilid kung hindi matukoy o alanganin kung nakatihaya nga o nakadapa ito. Sumisigaw ng Akeyn! (mula sa salitang akin) ang nanalo.[1]
Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Panaligan, Jojo P. "Rocksteddy, Sandwich for parody and Pinoy sense of humor", Entertainment, Manila Bulletin online, MB.com.ph, 20 Pebrero 2006, nakuha noong: Abril 10, 2008
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.