Pumunta sa nilalaman

Teokrasya

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Teokrasiya)

Ang teokrasya ay isang anyo ng organisasyon o pamahalaan kung saan ang opisyal na patakaran ay umaayon sa doktrina o teolohiya ng isang partikular na sekta o relihiyon. Ang mga kapangyarihan o autoridad nito ay kinabibilangan ng Supreme Leader of Iran, Dalai Lama, papa, pari o mga pangkat gaya ng Taliban. Ito ay maaari ring tumukoy sa sinumang mga opisyal na nagpahayag na hinirang sila ng Diyos upang maging pinuno. Maaari rin itong katawagan para sa nasyon o bansang nasa ilalim ng sistemang teokrasya. Tinatawag na teokrato o teokratiko ang pinuno sa sistemang teokrasya o tawag din para sa taong naniniwala sa teokrasya.[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Gaboy, Luciano L. Theocracy, teokrasya - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.

TaoPamahalaanPananampalataya Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao, Pamahalaan at Pananampalataya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.