Pumunta sa nilalaman

Mito ni Hesus

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Teoriyang mito si Hesus)

Ang Teoriyang mito si Hesus, Teoriyang mito si Kristo(Ingles: Christ myth theory, Jesus mythicism, Jesus myth theory o nonexistence hypothesis) ay isang ideya na si Hesus na sinasabing tagapagtatag ng relihiyong Kristiyanismo ay hindi isang historikal na indibidwal ngunit isang piksiyonal o mitolohikal na karakter na nilikha ng sinaunang pamayanang Kristiyano.[1][2][3][4] Ang ilang mga tagapagtaguyod ng teoriyang ito ay nangatwirang ang mga pangyayari o kasabihang inuugnay kay Hesus sa Bagong Tipan ay maaaring hinugot mula sa isa o maraming mga indibidwal na aktuwal na umiral ngunit wala sa mga ito sa anumang kahulugan ang tagapagtatag ng Kristiyanismo.[5]

Ayon sa skolar ng Bagong Tipan na si Robert Price, ang teoriyang ito ay batay sa tatlong mga haligi:

  • Walang banggit ng isang gumagawa ng milagrong Hesus sa mga sekular na pinagkukunan.
  • Ang mga sulat ni Pablo na mas nauna sa apat na kanonikal na ebanghelyo ay hindi nagbibigay ng ebidensiya ng isang kamakailang historikal na Hesus.
  • Ang kuwento ni Hesus ay nagpapakita ng malakas na mga pagkakatugma sa mga relihiyon sa Gitnang Silangan tungkol sa mga diyos na nabuhay at namatay na sumisimbolo sa muling pagkapanganak ng indibidwal bilang ritwal ng pagpapatuloy. Kabilang sa mga ito sina Baal, Osiris, Attis, Adonis, at Dumuzi/Tammuz na ayon kay Price ay nagpatuloy sa mga panahong Hellenistiko at Romano at kaya ay umimpluwensiya sa sinaunang Kristiyanismo. Ayon kay Price, sinubukan ng mga apolohista ng Kristiyanismo na paliitin ang mga pagkakatugmang ito.[6] Ayon sa Propesor ng mga Pag-aaral ng Bibliya at Kristiyano sa Chapman University na si Marvin Meyer, ang pagkakatugma sa pagitan ng Mitraismo at Kristiyanismo ay sapat na malapit upang gumawa sa mga apolohistang Kristiyano na hindi magkamayaw na umimbento ng malikhaing mga paliwanag na teolohikal upang ipaliwanag ang mga pagkakapareho.[7] Si Mithras ay sinasabing ipinanganak noong Disyembre 25, ipinanganak ng isang birhen, nagmilagro, may 12 mga disipulo at muling nabuhay pagkatapos ng tatlong araw ng kamatayan.[8] Ayon sa larawan ng reliko sa catacomb sa Roma, ang sanggol na si Mithra ay nakaupo sa kandong ng kanyang inang birhen samantalang ang mga Persianong mago (magi) ay nakaluhod na naghahandog ng mga regalo sa kanya.[9] Si Mithras ay tinawag ring Pastol, Anak ng Diyos, Tagapagligtas, Mesiyas, Ang Katotohanan, Ang Daan at Liwanag.[10] Ayon sa apolohistang Kristiyanong si Justin Martyr: "Kaya rin ang masamang mga demonyo sa paggaya ay nagpasa na ang parehong bagay ay dapat gawin sa mga Misteryo ni Mithras. Sapagkat ang tinapay at baso ng tubig na iyon ay inilatag sa harapan ng inisiyado na may ilang mga talumpati na maaring alam ninyo o matututunan."[11] Isinaad ng apolohistang Kristiyanong si Tertullian na bilang pauna sa seremonya ng inisiasyong Mitraiko, ang inisiyado ay binibigyan ng isang ritwal na pagligo at sa huli ng seremonya ay tumatanggap ng isang marka sa noo. Inilarawan ni Tertullian na ang mga ritwal na ito ay isang pandarayang pang-diyablo ng bautismo at krismayon ng mga Kristiyano.[12] Isinaad ni Hopfe na ang mga sangguniang Kristiyano para sa katunggaling relihiyong Mitraismo ay labis na negatibo dahil itinuturing ito ng mga Kristiyano na isang panggagaya ng diyablo sa kanilang relihiyon.[13][14]

Walang arkeolohikal na ebidensiya na nagpapatunay na umiral si Hesus sa mundo. Ang tanging "pinagkunang biograpiya" ni Hesus at tinatanggap ng mga Kristiyano na "tamang" salaysay ng buhay ni Hesus ay mula lamang sa apat kanonikal na Ebanghelyo ng Bagong Tipan na Mateo, Marcos, Lucas at Juan. Ang mga ito ay hindi maituturing na mga "walang kinikilingang" mga salaysay ng buhay ni Hesus dahil ang layunin ng mga aklat na ito ay mang-akay sa relihiyong Kristiyanismo (Juan 20:30). Bukod dito, ang mga salaysay na may "pagmimilagro" at mga ekstradordinaryong mga salaysay gaya ng pagkabuhay ng mga patay at pag-ahon nito sa mga libingan (Mateo 27:51-53) ay hindi itinuturing ng mga historyan na kapani-paniwala. Ang mga ibang skolar ay nagsasabing ang mga apat na kanonikal na ebanghelyo ay hindi isinulat ng mga "saksi" (eyewitness) dahil ang mga ito ay naglalaman ng mga maling heograpiya ng Palestina (o Israel) gayundin ng mga maling paglalarawan ng mga kustombre ng mga Hudyo noong unang siglo CE.[15][16][17][18] Bukod dito, sinasabi din ng mga skolar na ang mga kanonikal na ebanghelyo na Mateo, Marcos, Lucas Juan ay naglalaman ng mga magkakasalungat na mga salaysay.[19][20] Ayon din sa mga iskolar, ang Mateo at Lucas ay kumopya lamang sa Marcos at sa isang hindi na umiiral na dokumentong tinatawag na "Dokumentong Q". Walang kontemporaryong (nabuhay noong panahon ni Hesus o nakasaksing pagano kay Hesus) salaysay mula sa mga "hindi" Kristiyanong may-akda ang umiiral. Ang mga hindi-Krisityanong salaysay sa buhay ni Hesus ay isinulat pagkatapos ng ilang mga dekada pagkatapos ng sinasabing "kamatayan ni Hesus" (ca. 30–33 CE). Halimbawa, ang Hudyong historyan na si Josephus ay sumulat ng ilang linya tungkol kay Hesus ngunit si Josephus ay hindi kakontemporaryo o nabuhay sa panahon ni Hesus at maaaaring narinig (hearsay) lamang ni Josephus ang mga salaysay na ito dahil hindi niya ito "mismong" nasaksikhan.

Biograpiya ni Hesus ayon sa Bagong Tipan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang karaniwang petsa na ibinibigay ng mga skolar sa kapanganakan ni Hesus ay sa pagitan ng 7 at 2 BCE. Ito ay batay sa Ebanghelyo ni Mateo at Ebanghelyo ni Lucas na nagsasaad na si Hesus ay inipinangak na isang Hudyo noong panahon ni Herodes na namatay noong Marso 4, BCE.[21] Gayunpaman, ito sinasalungat sa Ebanghelyo ni Lucas na nagsasaad na si Hesus ay ipinanganak sa panahon ng Censo ni Quirinius (Lucas 2:1-7) na ayon sa Hudyong historyan na si Josephus ay naging gobernador ng Syria noong 6–7 CE. Ang talatang ito sa Lucas ay matagal nang itinuturing ng mga skolar ng Bibliya na problematiko dahil inilalagay nito ang kapanganakan ni Hesus sa panahon ng censo noong 6/7 CE samantalang ayon sa Mateo ay ipinanganak si Hesus pagkatapos ng paghahari ni Herodes na namatay noong 4 BCE o mga siyam na taon bago ang censo ni Quirinius.[22] Sa karagdagan, walang mga sangguniang historikal na nagbabanggit ng kinontrol ng Romanong pandaigdigang censo na sumasakop sa buong populasyon. Ang censo ni Augustus ay sumasakop lamang sa mga mamamayang Romano[23] at hindi pagsasanay sa mga censong Romano na atasan ang mga tao na bumalik sa bayan ng kanilang mga ninuno.[24] Dahil sa kamaliang ito sa Lucas, ang mga skolar ay nagbigay konklusyon na ang may akda ng Lucas ay mas umuukol sa paglikha ng simbolikong salaysay kesa sa isang historikal na salaysay,[25] at walang kamalayan o walang pakielam sa kahirapang kronolohikal na ito. Ang Lucas ay nag-uugnay rin ng kapanganakan ni Hesus kay Juan Bautista na pinaniniwalaang nabuhay mga sampung taon bago ang paghahari ni Herodes.[26] Ang parehong may-akda ng Lucas ay nag-ugnay ng censo ni Augustus kay Theudas sa Mga Gawa ng mga Apostol na naganap noong 46 CE ayon kay Josephus. Ang kamatayan ni Hesus ay karaniwang inilalagay noong 30–36 CE sa pamumuno ni Poncio Pilato na gobernador ng Judea mula 26 hanggang 36 CE.[27] Ayon sa skolar na si L. Michael White, si Hesus ay hindi sumulat ng anumang mga kasulatan o ang sinumang may personal na kaalaman sa kanya. Walang ebidensiyang arkeolohikal para sa kanyang pag-iral. Walang mga salaysay na kakontemporaryo o nabuhay sa parehong panahon ni Hesus at walang mga salaysay ng saksi (eyewitnesses) o anumang direktang rekord ang umiiral. Ang lahat ng mga salaysay tungkol sa buhay ni Hesus ay nagmula sa mga pinagkunan gaya ng nasa Bagong Tipan na isinulat pagkatapos ng mga dekada o siglo pagkatapos ng sinasabing panahon ni Hesus. Gayunpaman, ang ilan ay naniniwala na maaaring ang mga ito ay naglalaman ng mas naunang mga pinagkunan o mga tradisyong mula sa salita ng bibig. Ang pinakaunang mga kasulatan na umiiral tungkol sa buhay ni Hesus ang mga sulat ni Pablo na isinulat mga 20–30 taon pagkatapos ng pinaniniwalaang kamatayan ni Hesus. Ayon kay White, si Pablo ay hindi kasama ni Hesus o nag-angkin na nakita si Hesus bago ang kamatayan nito.[28]

Ikinatwiran ng retiradong propesor ng teolohiya sa University of Copenhagen na si Thomas L. Thompson sa kanyang aklat na The Messiah Myth (2005) na si Hesus sa mga ebanghelyo ay hindi umiral at ang mga kuwento tungkol sa kanya ay isang kombinasyon ng mga mitong ng Malapit na Silangan tungkol sa paghahari at pagka-diyos. Ikinatwiran ni Thompson na naunawaan ito ng mga mambabasa ng mga ebanghelyo at ang mga kuwentong ito ay hindi nilayon bilang isang kasaysayan.[29]

Ikinatwiran ng manunulat na si Earl Doherty (B.A. in Ancient History and Classical Languages) sa kanyang mga aklat na The Jesus Puzzle (2005) at Jesus: Neither God Nor Man—The Case for a Mythical Jesus (2009) na si Hesus ay nagmula bilang isang mitong hinango sa Gitnang Platonismo na may ilang impluwensiya mula sa Mistisismong Hudyo at ang paniniwala sa isang historikal na Hesus ay lumitaw lamang sa mga pamayanang Kristiyano noong ika-2 siglo CE. Ayon kay Doherty, wala sa mga pangunahing apolohistang Kristiyano bago ang taong 180 CE maliban kina Justin Martyr at Aristides ng Athens ay nagbilang ng isang salaysay ng isang historikal na Hesus sa kanilang mga pagtatanggol sa Kristiyanismo. Bagkus, ang sinaunang mga may akdang Kristiyano ay naglarawan ng isang kilusang Kristiyano na nakasalig sa isang pilosopiyang Platoniko at Hudaismong Hellenistiko na nangangaral sa isang monoteistikong diyos na Hudyo na kanyang tinawag na "uring-logos na anak na lalake". Ikinatwiran rin ni Doherty na sina Theophilus ng Antioch (c. 163–182 CE), Athenagoras ng Athens (c. 133–190 CE), Tatian ang Assyrian (c. 120–180 CE), at Marcus Minucius Felix (na sumulat noong mga 150–270 CE) ay hindi nagbigay ng anumang indikasyon na sila ay naniwala sa isang historikal na pigurang ipinako sa krus at muling nabuhay at ang panglang Hesus ay hindi lumilitaw sa anuman sa mga ito.[30]

Muling binuhay ni Acharya S ( B.A. in Classics) ang simulang ika-19 siglong mga teoriya nina Godfrey Higgins at Robert Taylor at nagsaad na ang mga kanonikal na ebanghelyo ay kumakatawan sa isang gitna hanggang huli nang ika-2 siglong likhang gumamit ng mga kasulatang propetiko ng Lumang Tipan bilang mga konsepto at ang Kristiyanismo ay kaya inimbento upang makipagtunggali sa ibang mga sikat na relihiyon sa panahong ito.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Ehrman 2012, pp. 12–13.
  2. Price 2011, pp. 17, 421.
  3. Wells 2007, p. 446.
  4. Van Voorst 2000, p. 6.
  5. Price, Robert M. "Of Myth and Men" Naka-arkibo 2012-12-08 sa Wayback Machine., Free Inquiry magazine, Volume 20, Number 1, accessed 2 Agosto 2010.
  6. Price, Robert M. "Jesus at the Vanishing Point" in James K. Beilby & Paul Rhodes Eddy (eds.) The Historical Jesus: Five Views. InterVarsity, 2009. See p. 55 for his argument that it is quite likely Jesus did not exist. See pp. 62–64, 75 for the three pillars.
  7. Meyer, Marvin (2006). "The Mithras Liturgy". The historical Jesus in context. New Jersey: Princeton University Press. p. 179. ISBN 0-691-00991-0. Nakuha noong 2011-01-20. ...As a Mithraic text, the Mithras Liturgy is of value for the study of early Christianity, which in general resembles Mithraism in a number of respects—enough to make Christian apologists scramble to invent creative theological explanations to account for the similarities... {{cite book}}: Unknown parameter |editors= ignored (|editor= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. http://books.google.ca/books?id=AAm5KmzNMnYC&pg=PA139
  9. http://books.google.ca/books?id=rey19p_ycHUC&pg=PA133
  10. http://freethoughtpedia.com/wiki/Jesus_and_Mithra
  11. Francis Legge (1950). Forerunners and rivals of Christianity: being studies in religious history from 330 B.C. to 330 A.D. Nakuha noong 12 Abril 2011. Wherefore also the evil demons in mimicry have handed down that the same thing should be done in the Mysteries of Mithras. For that bread and a cup of water are in these mysteries set before the initiate with certain speeches you either know or can learn.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. Louis Bouyer. The Christian Mystery. pp. 70–. Nakuha noong 28 Mayo 2011.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. Hopfe, Lewis M.; Richardson, Henry Neil (Setyembre 1994). "Archaeological Indications on the Origins of Roman Mithraism". Sa Lewis M. Hopfe (pat.). Uncovering ancient stones: essays in memory of H. Neil Richardson. Eisenbrauns. pp. 147–. ISBN 978-0-931464-73-7. Nakuha noong 19 Marso 2011. ... The Christian's view of this rival religion is extremely negative, because they regarded it as a demonic mockery of their own faith.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. Gordon, Richard. "FAQ". Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-07-24. Nakuha noong 2011-03-22. In general, in studying Mithras, and the other Greco-oriental mystery cults, it is good practice to steer clear of all information provided by Christian writers: they are not 'sources', they are violent apologists, and one does best not to believe a word they say, however tempting it is to supplement our ignorance with such stuff.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. Lee Martin Mc Donald and Stanley E. Porter, Early Christianity and its Sacred Literature, (Nov 2000, Hendrickson Publishers, Inc.), p. 286
  16. Nineham, Saint Mark (Westminster John Knox Press, 1978), pp. 294-295
  17. Raymond E. Brown, S.S., An Introduction To The New Testament, The Anchor Bible Reference Library (Doubleday, 1997) pp. 159-160
  18. The Acts of Jesus: What Did Jesus Really Do?, Robert Funk, p79
  19. NT contradictions
  20. Jesus, Interrupted: Revealing the Hidden Contradictions in the Bible (And Why We Don't Know About Them). Bart Ehrman, HarperCollins, USA. 2009. ISBN 0-06-117393-2.
  21. White, L. Michael. From Jesus to Christianity. HarperCollins, 2004, pp. 12–13.
  22. e.g. R. E. Brown, The Birth of the Messiah (New York: Doubleday), p. 547.
  23. Emil Schürer (revised by Geza Vermes, Fergus Millar and Matthew Black), The History of the Jewish People in the Age of Jesus Christ, Continuum International, 1973, Volume I page 401.
  24. James Douglas Grant Dunn, Jesus Remembered, p. 344; E. P. Sanders, The Historical Figure of Jesus, Penguin, 1993, p86
  25. Marcus J. Borg, Meeting Jesus Again for the First Time: The Historical Jesus and the Heart of Contemporary Faith, (HarperCollins, 1993), page 24.
  26. Luke 1:5–36
  27. White 2004, pp. 4, 104.
  28. White 2004, pp. 3–4.
  29. Thompson, Thomas L. "The Messiah myth: the Near Eastern roots of Jesus and David", Basic Books, 2005, back cover.
  30. Doherty, Earl. "The Jesus Puzzle", Journal of Higher Criticism, volume 4, issue 2, 1997.

Mga panlabas na kawing

[baguhin | baguhin ang wikitext]