Terrance Toliver

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search


Si Terrance Toliver ay isang Amerikanong manlalaro ng football para sa posisyon ng wide receiver. Siya ay madalas na ikinukumpara kay Roy Williams (isang magaling na wide reciever na kilala sa tawag na "The Legend") dahil sa kanyang husay at talento sa paglalaro ng football. Si Terrance Toliver ay may taas na 6 talamapakan at 5 pulgada habang tumitimbang naman ng 185 pounds. Sa kabila ng knayng pambihirang laki, si Terrance Toliver ay may kakaibang bilis, husay sa paghawak ng bola, at magaling na pagcontrol sa katawan at balanse. Bukod dito siya ay may kakayahan din upang maging magaling na safety/outside linebacker. Mataas din ang kanyang talon na kadalasan niyang ginagamit upang sumalo ng bola at umiwas sa mga tackle ng kalaban. Si Terrence Toliver ngaun ay maituturing na isa sa mga hinahangaang football player sa Kolehiyo.



Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.