Pumunta sa nilalaman

Pananakit ng bayag

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Testicular pain)
Pananakit ng bayag
MedlinePlus003160

Ang pananakit ng bayag (Ingles: scrotal pain) at ang pananakit ng bayag (Ingles: testicular pain) ay isang kalagayan at sintomas kung kailan namamaga, nananakit at kumikirot ang bayag at itlog ng bayag ng isang lalaking tao. Ang naaapektuhan ng pananakit na ito ay maaaring maramdaman sa kanan o kaliwang bayag o itlog ng bayag. Ang katayuang ito ay maaaring maging isang sintomas ng iba pang kalagayan. Maaari itong ikunsulta sa doctor upang maagapan ang sakit na ito.[1]

Ang pananakit ng bayag o ng itlog ng bayag ay maaaring maging dahil sa impeksiyon: katulad ng impeksiyon sa daanan ng ihi at sakit na naipapasa sa pakikipagtalik (halimbawa na ang dahil sa gonorrhea at sa chlamydia). Nagiging sanhi din pananakit ng bayag o ng itlog ng bayag ang pagiging naiipit o napupulupot ang ugat na nasa bayag, na nakikilala sa Ingles bilang testicular torsion at varicocoele. Maaari ring magdulot ng mga pananakit na ganito ang luslo o hernia. Maaari ring maging sanhi ng pagkirot ng bayag at ng itlog ng bayag ang pananakit ng kalamnan o masel at pagkakaipit ng mga bahaging ito. Maaari ring sumakit ang bayag at itlog ng bayag pagkatapos pagdaka ng pakikipagtalik at pagsasalsal (masturbasyon); ang ganitong kalagay ng pananakit ng bayag o ng itlog ng bayag ay tinatawag na blue balls sa Ingles, na may literal na kahulugang "bughaw na mga bayag" (nangasul na bayag).[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]