The Flying House

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
The Flying House
トンデラハウスの大冒険
(Tondera Hausu no Daibōken)
GenreKristiyanong animasyon
Telebisyong Anime
DirektorMasakazu Higuchi at Mineo Fuji
StudyoTatsunoko Productions
IstasyonTV Tokyo
Orihinal na Pagpapalabas5 Abril 198228 Marso 1983
Kabanata52
Ang Portada ng Anime at Manga

Ang The Flying House, kilala din sa bansang Hapon bilang Tondera Hausu no Daibōken (トンデラハウスの大冒険, Adventures of the Flying House), ay isang serye ng anime na may 52 kabanata na ginawa ng Tatsunoko Productions at umere sa pagitan ng Abril 1982 at Marso 1983 sa TV Tokyo,[1] at ipinapamahagi ng Christian Broadcasting Network sa Estados Unidos. Noong 2010, ginawa ng Christian Broadcasting Network na makuha at makita online ang 52 kabanata.[2] Sa Pilipinas, muli itong pinalabas at umere sa GMA Network noong 1992 at sa ABS-CBN noong 2015.

Tungkol ang serye sa paglalakbay sa panahon sa pamamagitan ng isang makina o time machine na isang bahay na lumilipad. Naglalakbay ang mga bida ng serye sa kaganapan sa Bagong Tipan ng Biblia mula sa kapanganakan ni Juan Bautista hanggang sa pagbangon ni Apostol Pablo.

Mga gumanap[baguhin | baguhin ang batayan]

Kabilang sa mga pangunahing gumanap sa serye sina (nasa panaklong ang mga nagboses sa wikang Ingles):[3]

  • Justin Casey / Gen Adachi - ginampanan ni Satomi Majima (Billie Lou Watt sa wikang Ingles); matalik na kaibigan ni Corky at Angie
  • Angela "Angie" Roberts' / Kanna Natsuyama - ginampanan ni Sanae Takagi (Sonia Owens sa wikang Ingles); nakakatandang kapatid ni Corky at matalik na kaibigan ni Justin.
  • Corbin "Corky" Roberts / Tsukubo Natsuyama - ginampanan ni Runa Akiyama (Helena Van Koert sa wikang Ingles); nakakabatang kapatid ni Angie at matalik na kaibigan ni Justin.
  • Professor Humphrey Bumble / Dr. Tokio Taimu - ginampanan ni Yoshito Yasuhara (Hal Studer sa wikang Ingles) – ang imbentor ng Flying House.
  • S.I.R. (Solar Ion Robot) / Kandenchin - ginampanan ni Kyōko Tongū (Ray Owens sa wikang Ingles) - matalik na kaibigan nina Justin, Angie, at Corky at katulong na robot ni Professor Bumble.
  • Jesus Christ - ginampanan ni Jun Hazumi (Ray Owens sa wikang Ingles)
  • Paul the Apostle - (ginampanan ni Hal Studer sa wikang Ingles).
  • The Flying House / Tondera Hausu

Tingnan din[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. "ja:トンデラハウスの大冒険" (sa Hapones). Tatsunoko Productions. Nakuha noong 13 Disyembre 2010.
  2. "The Flying House" (sa Ingles). Christian Broadcasting Network. Nakuha noong 18 Pebrero 2011.
  3. Time kyôshitsu: Tondera house no dai bôken, IMDb (sa Hapon at Ingles)