Pumunta sa nilalaman

The Host (nobela)

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang nobelang The Host ay sinulat ng Amerikanong manunulat na si Stephenie Meyer. Ipinapakilala ng nobela ang isang dayuhang lipi, tinatawag na mga kaluluwa (souls), na sumakop sa Mundo. Inilalarawan sa libro ang pakikipagsapalaran ng isang kaluluwa nang ang utak ng taong kanyang sinakop ay manlaban at tumangging maglaho. Unang inilabas ang 750,000 paunang limbag ng The Host noong ika-6 ng Mayo, 2008. Gayunman, isang pandaigdig na salin ng nobela ang nauna nang inilabas noong ika-2 ng Abril, 2008 sa mga bansang United Kingdom, Irlanda, Indonesya, Pilipinas, Australia at Hong Kong ng pang-UK na sangay ng palimbagan. Naisalin na ito sa wikang Dutch, Swedish, Aleman, Portuges, Italyano, Kastila at maging Hebreo. Ang prologo at ika-apat na kabanata ng libro ay maaaring mabasa sa opisyal na websayt ni Meyer.

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.