The Plain Truth
Ang The Plain Truth, nangangahulugang "ang wagas na katotohanan" o "ang payak na katotohan", ay isang magasin mula sa Estados Unidos na inilunsad ni Herbert W. Armstrong, na tagapagtatag din ng mga programang pangradyo at pantelebisyong Radio Church of God (na naging Worldwide Church of God paglaon), ng Ambassador College at ng The World Tomorrow. Sa kasalukuyan, inilalathala ang The Plain Truth ng Plain Truth Ministries na pinamumunuan ni Greg Albrecht at walang kaugnayan sa mga pangangaral na Armstongismo o Armstrongista at sa Worldwide Church of God. Sinadyang panatilihin ng Plain Truth Ministries ang orihinal na pangalan ng magasin dahil kumakatawan ito sa pagkilala ng kasaysayan nito at ng repormang pangdoktrina nito. Tumutuon ang bagong magasing The Plain Truth pagsusuri ng legalismong panrelihiyon.
Mga kawing panlabas
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Plain Truth Ministries, ptm.org
Ang lathalaing ito na tungkol sa Magasin, Panitikan at Kristiyanismo ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.