Thinking Out Loud

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
"Thinking Out Loud"
Sensilyo ni Ed Sheeran
mula sa album na x
Inilabas24 Setyembre 2014 (2014-09-24)
Pormato
HeneroBlue-eyed soul[1][2][3][4]
Haba4:41
Tatak
  • Asylum Records
  • Atlantic Records
(Mga) manunulat
ProdyuserJake Gosling
Ed Sheeran singles chronology
"Don't"
(2014)
"Thinking Out Loud"
(2014)
"All About It"
(2014)

Ang "Thinking Out Loud" ay isang awitin ng mang-aawit at kompositor na si Ed Sheeran at ni Amy Wadge. Itinatampok dito ang produksiyon mula sa madalas nitong katulungan sa musika (collaborator) na si Jake Gosling. Ang awitin ay inilabas bilan isang digital download na "instant grat" sa Tindahan ng iTunes noong 18 Hunyo 2014 upang magsilbi bilang itinataguyod na isahang awit mula sa kanyang ikalawang studio album na x (2014). Ang padron (pattern) ng kanta ay hinalaw sa patok na awitin ni Marvin Gaye na "Let's Get It On".

Pumasok ang awitin sa Talaan ng mga Isahang Awit sa UK (UK Singles Chart) sa ika-26 na puwesto nang inilabas ang alubm,[5] at sa huli'y umakyat sa unang puwesto noong bandang unang bahagi ng Nobyembre 2014, na siyang nagbigay kay Ed Sheeran ng kanyang ikalawang numero unong isahang awit sa UK. Naging patok din ang "Thinking Out Loud" sa mga radyo sa Australya noong 14 Agosto 2014, kinalauna'y inilabas sa Amerika noong 24 Setyembre, at inilabas bilang ikatlong isahang awit ng x, ang ikalawang awit na nag-numero uno sa UK mula sa album.[6]

Naabot din ng awitin ang unang puwesto sa Irlanda, New Zealand, Denmark at sa Netherlands, at ito rin ang isahang awit ni Sheeran na nagtalâ ng pinakamataas na puwesto sa ngayon, na umabot sa ikalawang puwesto sa Billboard Hot 100. Hanggang Enero 2015, nakapagbenta na ito ng 1 milyong kopya sa Estados Unidos.[7]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. "Nicholas Jennings - Ed Sheeran X". 08 Ene 2015. Check date values in: |date= (tulong)
  2. "Irish Central - Ed Sheeran X". 08 Ene 2015. Check date values in: |date= (tulong)
  3. "Yahoo UK Celebrity - Ed Sheeran's second album 'X'". 08 Ene 2015. Check date values in: |date= (tulong)
  4. "Top 100 Songs Center - Ed Sheeran's 'Thinking Out Loud'". 08 Ene 2015. Check date values in: |date= (tulong)
  5. "Twitter / officialcharts: #ThinkingOutLoud is first of two new entries in the #Top40 for @edsheeran". Twitter. 29 Hun 2014.
  6. "Ed Sheeran "Thinking Out Loud" (Radio Edit / Single Premiere)". Ultimate Music. josepvinaixa. Hinango noong 2 Okt 2014.
  7. Grein, Paul (07 Ene 2015). "Mark Ronson, Bruno Mars Jump to #1 on Hot 100". Hinango noong 07 Ene 2015. Check date values in: |accessdate=, |date= (tulong)