Pumunta sa nilalaman

Aparteid

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
"Nakalaan para sa tanging paggamit ng mga miyembro ng white race group" sign sa English, Afrikaans, Zulu, sa isang beach sa Durban, 1989.

Ang Apartheid ay isang sistemang pangpolitika sa Timog Aprika, na ginamit noong ika-20 daantaon pangunahing sa pagitan ng dekada ng 1940 at ng dekada ng 1980. Ang apartheid ay ang patakaran ng segregasyon o paghihiwalay ng mga puting tao at taong itim o negro sa Timog Aprika. Sa pagbubukod na ito, nabibigyan ng kapangyarihan at pabor ang mga taong may puting balat kaysa mayroong itim na kulay ng balat.[1] Sa sistema, ang mga tao ng Timog Aprika ay hinati sa kanilang mga lahi. Bagaman ang mga taong itim ang nakararami sa bansa, ang isang bilang ng mga taong puti ang namuno sa kanila at humawak ng mga tanggapang pampolitika. May mga batas nagpanatili sa paghihiwalay ng mga lahi. Binuwag ang sistema sa Timog Aprika noong 1994. Ang huling pangulo ng rehimeng Apartheid ay si Frederik Willem de Klerk, at ang unang hindi-puting pangulo ay si Nelson Mandela. Kapwa sila ginawaran ng Gantimpalang Nobel na Pangkapayapaan dahil sa kanilang pagpupunyaging maalis ang Apartheid. Sa kasalukuyan, ang salitang apartheid ay paminsan-minsang ginagamit upang tumukoy sa mga katulad na sistema sa ibang mga bansa.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Gaboy, Luciano L. Apartheid - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.


PolitikaKasaysayanTimog Aprika Ang lathalaing ito na tungkol sa Politika, Kasaysayan at Timog Aprika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.