Pumunta sa nilalaman

Tinik sa Dibdib

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Tinik sa Dibdib
UriDrama, Romance
Pinangungunahan ni/ninaSunshine Dizon
at Marvin Agustin
Bansang pinagmulanPilipinas
WikaFilipino
Paggawa
LokasyonPilipinas
Oras ng pagpapalabas30 minuto
Pagsasahimpapawid
Orihinal na himpilanGMA Network
Picture format480i SDTV
Orihinal na pagsasapahimpapawid28 Setyembre 2009 (2009-09-28) –
22 Enero 2010 (2010-01-22)
Kronolohiya
Sumunod saKung Aagawin Mo Ang Lahat Sa Akin

Ang Tinik sa Dibdib ay isang Upcoming Drama Teleserye sa Sine Novela ng GMA Network pinangungunahan ni Sunshine Dizon at Marvin Agustin.[1]

Pangunahing Tauhan

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Artist Role Summary
Sunshine Dizon Lorna Lumaki si Lorna sa hirap, pero hindi ito naging hadlang sa kanya para magpursige sa buhay. Akala niya ay natagpuan na niya ang kaligtasan sa katauhan ni Lando—ngunit ito pala ang magdadala ng dagdag pasakit sa kanyang buhay.
Marvin Agustin Lando Ma-prinsipyong tao si Lando, ngunit ma-pride din at may pagka-chauvinist. Mahal niya si Lorna, pero mahina siya sa tawag ng laman kaya madali siyang matukso.

Iba Pang tauhan

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Artist Role Summary
Ara Mina Trixie Si Trixie ang unang nobya ni Lando na piniling pakasalan ang kanyang ama. Hindi nawala ang pagtingin niya kay Lando, kaya naman matindi ang selos na mararamdaman niya sa pagdating ni Lorna sa kanilang buhay.
Michelle Madrigal Moret / Corazon Corazon ang tunay na pangalan ni Moret, ngunit Moret na ang tinawag sa kanya dahil mukha siyang lukaret at hindi nagsasalita. Dahil sa isang madilim na lihim, pipilitin niya si Lorna na layuan at iwan ang pamilya niya.
Bembol Roco Tiburcio Si Tiburcio ang walang hiyang ama ni Lorna na magdudulot ng maraming tinik sa kanyang dibdib. Abusado at mapagsamantala, may kakasamahin nang ibang babae kahit nabubuhay pa ang asawa niya.
Daria Ramirez Candida Mahina ang loob ni Candida at hindi niya kayang labanan ang asawa. Imbis na makatulong sa anak, siya pa mismo ang magiging dahilan ng paghihirap nito sa buhay.
Rico Barrera Victor Isang binatang mayaman, magkakagusto si Victor kay Lorna; siya ang magiging takbuhan ng huli sa tuwing magkakaroon ito ng problema sa buhay.
Maybelline dela Cruz Choleng Si Choleng ang kaibigan ni Lorna na kasama na niya mula pagkabata.
Deborah Sun Mrs. Tupaz Matapobreng mayaman si Mrs. Tupaz, at hindi siya sang-ayon sa pagkakagusto ng anak niyang si Victor kay Lorna.
Jen Rosendahl Lucy Isang pokpok si Lucy; siya ang magiging kabit ni Tiburcio na magkakagusto rin kay Lando.
Miguel Tanfelix Boyito Si Boyito ang retarded na anak ni Trixie; ang bunga ng isang pagsasamang hindi nararapat.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]