Pumunta sa nilalaman

Titanis

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Titanis
Temporal na saklaw: Maaga hanggang Huling Piyoseno
Paglalarawan ng isang Titanis na may hipotetikong pakpak na may kuko
Katayuan ng pagpapanatili
Nangamatay na
Klasipikasyong pang-agham
Kaharian:
Kalapian:
Hati:
Orden:
Pamilya:
Sari:
Titanis

Brodkorb, 1963
Espesye:
T. walleri
Pangalang binomial
Titanis walleri
Brodkorb, 1963

Ang Titanis (etimolohiya: Titanis mula sa mitolohikong mga diyos na Titaniko ng Sinaunang Gresya na nauna sa Labindalawang Olimpiyano, bilang pahiwatig sa sukat ng ibon), ay isang sari ng napakalaking maninilang hindi nakalilipad na ibon. Ang T. walleri ang nagiisang kasapi sa sari ng Titanis, na pinangalanan bilang pagpaparangal sa kolektor ng holotipong si Benjamin I. Waller. Tinatayang namuhay ito noong mga 5 hanggang 2 milyong mga tao na ang nakalipas (Plioseno) sa Hilagang Amerika, may mga ebidensiya ng fossil o kusilbang na natagpuan sa Plorida at Tehas ng Estados Unidos. Mula sa nagkataong katibayan, iminungkahi na hindi pa nangamatay ang mga uri bago sumapit ang mga 15,000 mga taon na ang nakararaan,[1] subalit tinutuligsa ng mas tiyak na pagpepetsa nina McFadden at mga kasama ang ganyang isang nahuhuling petsa; lahat ng mga nalalamang kusilba ng Titanis ang tila mga may humigit-kumulang sa 2 milyong taon na ang nakalilipas.[2][3] Kabahagi ang Titanis ng pangkat ng mga dambuhalang ibong hindi nakalilipad na tinatawag na Phorusrhacidae, na binansagang "mga ibong halimaw" o mga "terror bird" sa Ingles, at kumakatawan sa pinakabatang mga uri ng linyahe o pinaglahian (pinagmulan ng lahi). Nagmula ang Phorusrhacidae sa Hilagang Amerika; tanging ang Titanis lamang ang nakikilalang kasapi ng sanga ng pangkat na lumipat palabas sa kontinenteng iyon noong panahong tinatawag na Dakilang Pagpapalitan ng Amerika.

Mayroon itong taas na 2.5 mga metro (8 talampakan 2 mga pulgada) at tumitimbang ng mga 150 kilogram (330 pound), subalit may malaking pagkakaiba-iba (marahil nagpapakita ng malakas na dimorpismong seksuwal)[4] Bagaman hindi natagpuan ang ulo nito, natitiyak na malaki ito, na may dambuhalang tila palakol na tuka, katulad ng mga kamag-anak nito. Maliliit ang mga pakpak nito at hindi maaaring gamitin sa paglipad. Nakalatag ang mga buto nito sa isang natatanging magkakaugpong na kayarian, na nagmumungkahing nakabubuka-buka ang mga daliri, at iminungkahing nagtatangan sa ilang uri ng may kukong "daliri", bagaman walang tuwirang katibayan para rito.[1] Sa pangkalahatan, napakakatulad nito sa Phorusrhacos at Devincenzia ng Timog Amerika, ang pinakamalapit nitong mga kamag-anak. Kaunti lamang ang nalalaman hinggil sa kayarian ng katawan nito, subalit tila hindi ito gaanong sakang kung ihahambing sa Devincenzia, na may pantay na malakas na panggitnang hinlalaki ng paa.[5] (Itinuturing na ngayon ang Onactornis bilang isang mababang kasingkahulugan (junior synonym) ng Devincenzia).

  1. 1.0 1.1 Baskin, J. A. (1995). "The giant flightless bird Titanis walleri (Aves: Phorusrhacidae) from the Pleistocene coastal plain of South Texas". Journal of Vertebrate Paleontology. 15 (4): 842–844. {{cite journal}}: Cite has empty unknown parameter: |month= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. McFadden, B.; Labs-Hochstein, J.; Hulbert, R. C., Jr.; Baskin, J. A. (2006). "Refined age of the late Neogene terror bird (Titanis) from Florida and Texas using rare earth elements" (PDF). Journal of Vertebrate Paleontology. 26 (3): 92A (Supplement). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2018-10-04. {{cite journal}}: Cite has empty unknown parameter: |month= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  3. McFadden, B.; Labs-Hochstein, J.; Hulbert, R.C., Jr.; Baskin, J.A. (2007). "Revised age of the late Neogene terror bird (Titanis) in North America during the Great American Interchange". Geology. 35 (2): 123–126. doi:10.1130/G23186A.1. {{cite journal}}: Cite has empty unknown parameter: |month= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  4. Alvarenga, H. M. F.; Höfling, E. (2003). "Systematic revision of the Phorusrhacidae (Aves: Ralliformes)". Papéis Avulsos de Zoologia. 43 (4): 55–91. {{cite journal}}: Cite has empty unknown parameter: |month= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Brodkorb, P. (1963). "A giant flightless bird from the Pleistocene of Florida" (PDF). Auk. 80 (2): 111–115. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2009-12-11. {{cite journal}}: Cite has empty unknown parameter: |month= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)