Tiyubibo
Ang tiyubibo[1] o tsubibo[2] (Ingles: carousel, carrousel, o merry-go-round) ay isang sasakyang pangkatuwaan at libangan na binubuo ng isang bilog at umiikot na kalatagan o plataporma at mga upuang pampasahero. Karaniwang yari ang mga upuan o sakayan sa anyo ng mga kahoy na mga kabayo o ibang pang mga hayop, na kadalasan ding kumikilos pababa at pataas bilang paggaya sa pagtakbo ng kabayo habang sinasaliwan ng tuluy-tuloy na musikang pang-sirkus. Karaniwang matatagpuan ito sa mga karnabal o kapag may peryahan tuwing kapistahang bayan.
Karaniwang may mga "kabayo" ang mga tiyubibo bagaman mayroon ding aso, pusa, kuneho, baboy, usa, at iba pa. Mayroon din namang may mga tiyubibong nilagyan lamang ng mga katulad ng pangkaraniwang mga upuan.[3]
Maaaring tawaging tiyubibo ang anumang mga umiikot na kalatagan. Sa isang palaruan ng mga bata, mayroong mga tiyubibong payak lamang at naitutulak ng mga naglalarong bata. Mayroong mga hawakan o tubo ang mga ito na mapangngungunyapitan ng mga bata habang naglalaro. Sa mga paliparan, mayroong mga umiikot na makina para mga bagahe, na karaniwang tinatawag na "tiyubibong pambagahe" o baggage carousel.[4]
Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ English, Leo James (1977). "Tiyubibo". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Rolerkoster, ginamit ang salitang tsubibo sa salin ni Susan Gerilya ng tulang Karnabal ni Jose Ma. Sison; mula sa sakong na (...) "Walang-humpay ang pag-ugong ng mga makina ng tsubibo, sasakyang pangkalawakan, rolerkoster, dumuduyang eroplano," (...)
- ↑ International Museum of Carousel Art. "A Brief History of the Carousel". Nakuha noong 24 Hulyo 2008.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Carousel, mula sa Merriam-Webster online