Tonkatsu
Lugar | Hapon |
---|---|
Rehiyon o bansa | Silangang Asya |
Pangunahing Sangkap | Tsuleta (lomo o tagiliran ng baboy), panko, mantika |
|
Ang tonkatsu (豚カツ, とんかつ or トンカツ, binibigkas na [toŋkatsɯ]; "tsuleta ng baboy") ay isang pagkaing Hapones na binubuo ng binread, pinritong tsuletang baboy. Kalakip dito ang pagbabalot ng mga hiwa ng baboy sa panko (migaha), at pagpiprito ng mga ito sa mantika. Lomo at tagiliran ang dalawang pangunahing hiwa na ginagamit nito. Saligan din ang tonkatsu ng mga ibang ulam katulad ng katsukarē at katsudon.
Etimolohiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Kombinasyon ang salitang tonkatsu ng salitang Sino-Hapones na ton (豚) na nangangahulugang "baboy", at katsu (カツ), isang pinaikling anyo ng katsuretsu (カツレツ), isang lumang transliterasyon ng salitang cutlet (tsuleta) sa wikang Ingles.[1]
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nagmula ang Tonkatsu sa Hapon noong Panahong Meiji noong dakong huli ng ika-19 na siglo, isang ulam na hango sa mga tsuletang karne ng mga Europeo. Karaniwang gawa sa baka ang Europeong katsuretsu (salitang hiram/gairaigo para sa tsuleta); nilikha ang bersiyong baboy noong 1899 sa isang restawran na naghahain ng mga istilong Europeo na pagkain, na pinangalanang Rengatei sa Tokyo, Hapon.[2][3][4] Isa itong uri ng yōshoku — mga bersiyong Hapones ng lutuing Europeo na nilikha noong dakong huli ng ika-19 na siglo at maagang bahagi ng ika-20 siglo — at tinawag itong katsuretsu o katsu lamang.[5]
Paghahanda at paghahain
[baguhin | baguhin ang wikitext]Alinman sa lomo (ヒレ hire) or tagiliran (ロース rōsu) ang maaaring gamitin; kadalasan ang karne ay inaasnan, pinapaminta, binabalot sa kaunting harina, sinasawsaw sa binating itlog, at pinapahiran ng panko (migaha) bago iprito.[6]
Pagkatapos, hinihiwa-hiwa ang tonkatsu at inihahain, karaniwan na may kasamang repolyo na ginutay-gutay.[6][7] Kadalasan, nilalagyan din ito ng makapal na kayumangging sarsa na tinatawag na sarsang tonkatsu[6] o kaya sōsu (sarsa), karashi (mustasa), at marahil isang hiwa ng limon. Karaniwang sinasabayan ito ng kanin, sinabawang miso at tsukemono at kinakain gamit ang tsapstiks. Maaari rin itong ihain kasama ng ponzu at ginadgad na daikon sa halip ng sarsang tonkatsu.[8]
Mga baryasyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa Nagoya at mga nakapaligid na lugar, isang espesyalidad ang miso katsu, tonkatsu na sinasabayan ng sarsang hatchō miso.[9]
Maaaring gumawa ng mga baryasyon ng tonkatsu sa pagpapalaman nito ng keso, dahon ng shiso, o iba pang sangkap, at pagkatapos ibalot sa migaha at iprito. Sa mga umiiwas sa kaloriya, pinapalaman minsan ang karne ng konnyaku.[kailangan ng sanggunian]
May mga ilang baryasyon ng tonkatsu na gumagamit ng panghalili sa baboy:
- Chikin katsu (チキンカツ, "kinatsung manok") o Tori katsu (鶏カツ): gumagamit ng manok sa halip ng baboy, madalas itong makita sa mga Hawaianong plate lunch.
- Menchi-katsu (メンチカツ) o minchi katsu (ミンチカツ): patty ng tinadtad na karne, na binread at pinrito.
- Hamu katsu (ハムカツ, "kinatsung hamon"): isang kahawig na ulam na gawa sa hamon, itinuturing itong mas murang alternatibo sa tonkatsu.
- Gyū katsu (牛カツ, "kinatsung baka") kilala rin bilang bīfu katsu: sikat sa rehiyon ng Kansai sa palibot ng Osaka at Kobe.
Sa pangkalahatan, furai ang tawag sa mga pagkaing binread at pinrito. Katsu (tsuleta) ang tawag sa mga furai na gawa sa karne ng mga mamal at ibon, kagaya ng baboy, baka, o manok. Kapag ibang sangkap ang ginamit, furai mismo ang tawag nito,[10] katulad ng aji-furai (pinritong horse mackerel) at ebi-furai (pinritong sugpo).
Ang tonkatsu at mga ibang furai ay hindi kailanman tinatawag na tempura. Hindi binebread ang tempura,[11] at hindi iyon itinuturing na klase ng furai.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Katsuretsu" カツレツ [tsuleta]. Nihon Kokugo Daijiten Concise edition, web version (精選版 日本国語大辞典) (sa wikang Hapones). Shogakukan. Nakuha noong 16 Agosto 2021 – sa pamamagitan ni/ng kotobank.jp.
"katsu" [... ang pinaikling anyo ng] tsuleta. (isinalin mula sa Ingles)
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 岡田, 哲. とんかつの誕生―明治洋食事始め (sa wikang Hapones). p. 166.
- ↑ 小菅, 桂子. にっぽん洋食物語大全 (sa wikang Hapones). p. 122.
- ↑ Kaneko, Amy (2007). Let's Cook Japanese Food!: Everyday Recipes for Home Cooking [Magluto Tayo ng Pagkaing Hapones!: Pang-araw-araw na Resipi Panlutong Bahay] (sa wikang Ingles). Chronicle Books. p. 101. ISBN 978-0-8118-4832-9.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Jennifer Ellen Robertson, pat. (2005). A companion to the anthropology of Japan [Isang kasama sa antropolohiya ng Hapon] (sa wikang Ingles). Wiley-Blackwell. p. 421. ISBN 0-631-22955-8.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 6.0 6.1 6.2 Tsuji, Shizuo; Fisher, M. F. K. (2007). Japanese Cooking: A Simple Art [Paglulutong Hapones: Isang Simpleng Sining] (sa wikang Ingles). Kodansha International. p. 240. ISBN 978-4-7700-3049-8.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Hosking, Richard (1995). A Dictionary of Japanese Food - Ingredients and Culture. Tuttle. p. {{{1}}}. ISBN 0-8048-2042-2.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Ono, Tadashi; Salat, Harris (2013). Japanese Soul Cooking: Ramen, Tonkatsu, Tempura, and More from the Streets and Kitchens of Tokyo and Beyond [Soul Cooking ng Hapon: Ramen, Tonkatsu, Tempura, at Higit Pa mula sa Mga Kalsada at Kusina ng Tokyo at Lampas pa Roon] (sa wikang Ingles). Potter/Ten Speed/Harmony/Rodale. ISBN 9781607743538. Nakuha noong 21 Hulyo 2020.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "名古屋国際センター | Nagoya International Center". Inarkibo mula sa orihinal noong 2019-06-10. Nakuha noong 2022-12-11.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Furai (ryouri)" フライ (料理) [Prito (pagluluto)]. Encyclopedia Nipponica (bersiyon sa web) (sa wikang Hapones). Shogakukan. Nakuha noong 16 Agosto 2021 – sa pamamagitan ni/ng kotobank.jp.
(magaspang na salin): Sa lutuing Kanluranin, ang ibig sabihin ng "pagprito" ay iprito o igisa sa mantika o taba. [...] Sa Hapon, tumutukoy ang "furai" sa mga pagkain na ibinabad sa harinang trigo, binating itlog, migaha at pinrito, [...]. Kung karne ang sangkap nito, tinatawag itong "chikin katsuretsu", "pōku katsuretsu (tonkatsu)" atbp., ayon sa pagkabanggit.[...]
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ No panko appears in definition of tempura: "Tempura" 天麩羅 テンプラ. Digital Daijisen (デジタル大辞泉) (sa wikang Hapones) (ika-constantly updated (na) edisyon). Shogakukan. Nakuha noong 2021-08-16 – sa pamamagitan ni/ng kotobank.jp.
(rough translation): 1.[...ingredients] dipped in batter made of wheat flour, egg and water, then fried in vegetable oil. Vegetable tempuras are sometimes distinguished and called "shōjin-age". [...]
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)