Pumunta sa nilalaman

Kasangkapan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Tool)

Ang kasangkapan o kagamitan ay mga bagay na ginagamit upang makatulong sa pagpapadali ng mga gawain. Umunlad ang mga kasangkapan sa pagdaan ng panahon. Dumating ang inobasyon o pagpapainam ng mga kasangkapan sa panahon ng mga kapanahunang katulad ng Panahon ng Bato at Panahon ng Tansong-Pula. Nagamit ang mas nagagamit na mga materyal at nalikha ang mas maiinam na mga kasangkapan. Naging makabagong mga kasangkapan ang mga nalikha at mga imbensiyong ito.

Ilan sa mga halimbawa ng mga kasangkapang kalimitang ginagamit sa kasalukuyan ang martilyo, wrench, lagari, at panghukay. Mga kasangkapan din ang mga kutsilyo at mga panulat tulad ng lapis at bolpen.

Kabilang sa ibang tawag sa kasangkapan ang instrumento, gamit, o antutay. Kasangkapan din ang makina at pagmaneho ng sasakyan. Sa ibang pakahulugan, ginagamit din ang salitang kasangkapan upang tukuyin ang isang taong ginagamit, taong sunudsunuran, kaya't parang tau-tauhan lamang o "robot".[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Gaboy, Luciano L. Tool - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.

Teknolohiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Teknolohiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.