Pumunta sa nilalaman

Touhou Project

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Touhou Project
GenreShoot'em up, Fighting
TagapamanihalaTeam Shanghai Alice (Dating ZUN Soft)
TagalathalaTeam Shanghai Alice (Dating Amusement Makers)
TagagawaZUN
Taga-komposeZUN
PlatformNEC PC-9801, Microsoft Windows, PlayStation 4
Unang LabasHighly Responsive to Prayers, Nobyembre 1996
Pinakabagong LabasViolet Detector, Agosto 2018

Ang Touhou Project (Hapones: 東方Project, Hepburn: Tōhō Purojekuto, lit. Eastern Project) kilala rin sa pinaikling tawag bilang Toho Project o Project Shrine Maiden, ay isang serye ng mga Hapon na larong bullet hell na barilan na ginawa ni Junya Ota na mas kilala sa palayaw na ZUN. Ginagamit ni ZUN ang pangalang Team Shanghai Alice bilang isang grupo ng isang tao na binubuo lamang niyang mag-isa. Siya lamang mismo ang gumagawa ng tugtog, ng graphics at ng pagpo-program sa mga larong ito.[1]

Ang istorya sa mga laro ng Touhou Project ay umiikot sa mga kakaiba at wirdong pangyayari sa pantasyang mundong Gensokyo, isang piksyonal na dimensiyon na pinamumuhayan ng mga tao at mga youkai, mga ibang nilalang. Bago ang mga laro sa istorya ay sinarahan ang Gensokyo ng isang mahikang harang o ang Great Hakurei Barrier mula sa panlabas na mundo (Outside World). Ang bida sa franchise ay ang Shintong paring babae o shrine maiden na nagngangalang Reimu Hakurei na nagpapanatili sa harang at nakikipaglaban sa mga magugulong yokai. Ang unang mga limang laro ay ginawa para sa Hapong NEC PC-9801 na mga kompyuter, ang bullet hell na barilan ay iginawa sa ikalawang laro: Story of Eastern Wonderland. Ang Embodiment of Scarlet Devil, na inilabas sa Agosto 2002 ang kauna-unahang laro sa Microsoft Windows, na mas nakilala at sumikat. Mayroon pang mga sequel na sumunod, kasama na angmga larong spin-off na iba ang paglalaro.

Ang serye ay nakapasok sa Mga Pandaigdigang Tala ng Guinness sa Oktubre 2010 bilang ang "most prolific fan-made shooter series".[2] Nakagawa din ng maraming media ang Touhou Project katulad ng mga fan book, tugtog at kanta, nobelang magaan, manga, at mga fanmade na anime.

Listahan ng mga Laro

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga unang limang laro na ginawa ni ZUN ay malalaro lamang sa PC-98 at hindi lahat ng larong ginawa ni ZUN ay danmaku. Ang unang laro, halimbawa na lamang, ang Highly Responsive to Prayers ay ala-Arkanoid imbis na danmaku. Sa mga larong Windows ay kadalasan kapag may desimal ang titulo ng laro ay papwedeng ito ay hindi danmaku o may gimik sa gameplay. Ang Immaterial and Missing Power, Scarlet Weather Rhapsody, Touhou Hisoutensoku, Hopeless Masquerade, Urban Legend in Limbo, Antinomy of Common Flowers ay mga fighting game o competitive fighting game imbis na mga danmaku. Ang Shoot the Bullet, Double Spoiler, Fairy Wars, Impossible Spell Card at Violet Detector ay mga danmaku na may mga gimik, ang Fairy Wars halimbawa ay nakafocus kay Cirno at tinawag na Vertical Danmaku Freezing Game. Ang Shoot the Bullet at Double Spoiler naman ay naka-focus kay Aya Shameimaru at tinawag na Vertical Danmaku Photography Shooting Game, kapareho ng Violet Detector bagamat si Sumireko Usami ang bida. Ang Impossible Spell Card ay bida si Seija Kijin at isang Puzzle Danmaku shooting Game. Iba ang gameplay sa mga larong ito kumpara sa mga pangunahing larong danmaku sa Touhou Project.


Mga Laro sa PC-98

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Touhou 01 - Highly Responsive to Prayers (東方靈異伝 Tōhō Reiiden, lit. "Strange Spirit Legend of the East")

Ang unang laro ng Touhou na inilabas noong Nobyembre 1996, hindi ito isang barilan tulad ng halos lahat ng laro sa franchise kundi isang laro mistulang Arkanoid. Si Reimu Hakurei ang bida at siya ay pumasok sa portal sa ibang mundo upang mahanap at maparusahan ang nagsira sa kanyang dambanang Shinto. Ang mga manlalaro ay may yin yang orb na may amulet para sirain ang mga blocks at natatapos ang lebel kapag nawala ang lahat ng block. Kapag naubos ang oras sa isang lebel ay uulan ng mga bala hanggang mabuhay ang gamit o mamatay ito. Ang mga boss ay kakalabanin sa pamamagitan ng pagtira ng orb sa kanila hanggang sila'y mamatay.

Touhou 02 - Story of Eastern Wonderland (東方封魔録 Tōhō Fūmaroku, lit. "Recorded Sealing of an Oriental Demon")

Ang ikalawang larong Touhou na inilabas noong Agosto 1997 sa Comiket 52, ang unang larong danmaku at kung saan lumitaw si Marisa Kirisame, ang ikalawang bida. Ang paring babaeng Shinto o shrine maiden na Reimu Hakurei ay bumalik mula sa pag-ensayo sa kabundukan nang makita niyang dumami ang mga multo at youkai sa Hakurei Shrine. Natuwa siya dahil ma-tetesting niya ang kanyang bagong skills mula training, kinuha niya ang mga yin yang orb at sumakay sa pagong na Genji para malaman kung sino ang mananakop. Kapareho ng Eastern Wonderland ang gameplay ng mga susunod na laro sa PC-98 series.

Touhou 03 - Phantasmagoria of Dim. Dream (東方夢時空 Tōhō Yumejikū, lit. "Oriental Dream Dimensions")

Two-player na barilan na versus, ito ang ikatlong laro na inilabas noong Disyembre 1997 sa Comiket 53. Nalaman ni Reimu Hakurei na may mga misteryosong nasira na sumulpot sa labas ng Hakurei Shrine. Nakipag-away siya sa mga tao na gusto ring makita ang mga ito dahil ang unang tao na makapunta sa loob ng mga nasira ay makakatanggap daw ng gantimpala.

Touhou 04 - Lotus Land Story (東方幻想郷 Tōhō Gensōkyō, lit. "Eastern Fantasy Land")

Ang ika-apat na laro ng serye na inilabas noong Agosto 1998 sa Comiket 54. Dito nagkaroon ng focus mode, na makikita sa lahat ng susunod na laro na pinapatagal ang paggalaw ng gamit para makaiwas sa mga bala. Pagkayari ng mga pangyayari sa mga nakaraang laro, ang Gensokyo ay mapayapa muli hanggang sumulpot na naman ang mga youkai sa Hakurei Shrine at may makapangyarihang nilalang na umusbong mula sa lawa sa kabundukan. Pumunta si Reimu Hakurei para makita at paalisin ang nanggugulo pero siya ay sasamahan ng isang dating kaaway. Ayon kay ZUN, 200 o 300 na mga kopya ng laro lamang ang nabenta sa panahon nito.[3] Ginamit ng laro ang pangalang "Gensokyo" pero hindi ito gagamitan bilang pangalan ng mundo hanggang sa The Embodiment of Scarlet Devil.

Touhou 05 - Mystic Square (東方怪綺談 Tōhō Kaikidan, lit. "Eastern Strange and Lovely Tales")

Ang ikalima at huling laro mula sa seryeng PC-98 na inilabas noong Disyembre 1998 sa Comiket 55. Sina Mima at Yuka, mga final boss ng The Story of Eastern Wonderland at Lotus Land Story ay bumalik bilang malalarong mga karakter rito. Palagi nalang sa mga larong Touhou na may kaguluhan na naman sa Gensokyo. Maraming mga demonyo ang lumabas mula sa isang kwebo galing sa bundok at para malaman ang pinagmulan nito ay pupuntahan ni Reimu Hakurei ang Makai para malutas ang lahat.

Mga Laro sa Windows

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Touhou 06 - The Embodiment of Scarlet Devil (東方紅魔郷 Tōhō Kōmakyō, lit. "Eastern Lands of the Scarlet Devil")

Opisyal na logo ng Touhou 06 - Embodiment of Scarlet Devil

Ang ika-anim na laro at ang una sa Windows. Mas maganda ito sa mga PC-98 sa graphics, pinalitan ang FM Synthesis na tugtugan ng synthesized PCM music (na may simplified MIDI bilang back-up) at ang unang laro na nagkaroon ng maraming fan sa labas ng Japan. Ang kwento, na nagyari sa 118th na panahon, ay naikwento sa mga usapan ng mga karakter sa laro na: ang mundo ng Gensokyo ay natakpan ng isang pulang hamog, at hindi na makita ng mga tao rito ang araw. Bilang ang paring babeng Shinto/shrine maiden na si Reimu Hakurei o ang mahikera na si Marisa Kirisame, aalamin ng manlalaro ang pinanggalingan ng pulang hamog, ang misteryosong babaeng nagngangalang Scarlet Devil.

Touhou 07 - Perfect Cherry Blossom (東方妖々夢 Tōhō Yōyōmu, lit. "Bewitching Eastern Dream")

Ang ika-pitong laro, ito ay kakaiba dahil ang pangalan nito sa Hapon at sa Ingles ay magkaiba ng ibig sabihin, ang ibig sabihin ng pangalan nito sa Hapon ay Bewitching Dream. Nang dumating ang buwan ng Mayo, naging mahaba ang tag-lamig at naghinala na ang mga nakatira rito. Bilang si Reimu, Marisa o ang katulong ng bampirang Remilia Scarlet na si Sakuya Izayoi, pupunta na naman ang manlalaro sa 119th na season para hanapin ang mga taong pinipigil ang pagdating ng tagsibol. Sa tradisyon ng mga larong Touhou ay makikita ulit ang mga dating karakter na bumalik bilang boss tulad ni Alice Margatroid.

Touhou 07.5 - Immaterial and Missing Power (東方萃夢想 Tōhō Suimusō, lit. "Gathering Dreams in the East")

Ang Immaterial and Missing Power ay ginawa kasama ang Twilight Frontier, at ito ang pang-7.5 na laro sa seryes. Kahit ito ay linabas pagkayari ng Imperishable Night ay ito ay naging 7.5 dahil ang mga pangyayari rito ay nangyari bago ang Imperishable Night. Ito ay isang 2D fighting game imbis na danmaku. Bagamat ginawa lang ng Team Shanghai Alice ang ibang mga tugtog at ang kwento, nalista pa rin ito bilang isa sa mga opisyal na gawa nito.

Ang mga malalarong mga karater rito ay ang mga karater na galing sa mga nakaraang laro tulad nina Reimu Hakurei, Marisa Kirisame, Alice Margatroid at Youmu Konpaku (mula Perfect Cherry Blossom), Sakuya Izayoi at Patchouli Knowledge (mula Embodiment of Scarlet Devil). May mga karakter na maa-unlock kapag natapos ng manlalaro ang story mode gamit ang mga karakter na pwede gamitin sa umpisa. May opisyal na patch na dinadagdag si Hong Meiling (mula Embodiment of Scarlet Devil) pero hindi siya pwede gamitin sa story mode.

Nagyari sa 119th season, ito ay tungkol sa Hyakki Yagyou na nagyayari kada tatlong araw.

Touhou 08 - Imperishable Night (東方永夜抄 Tōhō Eiyashō, lit. "Eternal Night Vignette from the East")

Ang ika-walong laro, inilabas sa Agosto 2004 sa Comiket 66. Masama ang focus ng kwento kumpara sa mga nakaraang laro. Ang taunang piyesta sa Gensokyo, ang Tsukimi ay isang araw na lamang pero may nagbago sa buwan at pinalitan ito ng pekeng buwan na hindi magiging bilog. Nagsama ang mga tao't youkai para imbestigahan ito bago matapos ang gabi.

Dito sa larong ito ay may teammate ang mga taong karakter ng hindi taong parter, kasama ni Reimu Hakurei si Yukari Yakumo, si Marisa Kirisame kay Alice Margatroid, at kasama ni Sakuya ang kanyang mistress na si Remilia Scarlet. Ang bagong team ay ang kalahating multong si Youmu Konpaku at ang buong multong si Yuyuko Saigyouji, mga boss na galing Perfect Cherry Blossom. Ang lahat ng mga karakter puwera na lang kay Remila ay nakita sa Perfect Cherry Blossom.

Touhou 09 - Phantasmagoria of Flower View (東方花映塚 Tōhō Kaeizuka, lit. "Oriental Flower Viewing Mound")

Ang ika-siyam na laro na inilabas noong Agosto 2005 sa Summer Comiket 68. Ang laro na ito ay isang versus shooter tulad ng Phantasmagoria of Dim. Dream at iba ang gameplay rito kumpara sa mga karamihan ng mga laro. Sinimulan sa 120th season, ang kwento ay tungkol sa pag-imbestiga ng mga karakter kung bakit namumulaklak ang mga bulaklak sa Gensokyo ng wala sa tamang panahon kaysa sa karaniwan, isang insidente na nagyayari kada 60 taon. Ang mga malalarong karakter ay sina Reimu, Marisa, Sakuya at dalawang karakter mula nakaraang laro pero madadagdagan ito kapag natatapos ng manlalaro ang istorya ng bawat karakter.

Touhou 09.5 - Shoot the Bullet (東方文花帖 Tōhō Bunkachō, lit. "Oriental Album of Words & Flowers")

Ang pang-9.5 na laro sa serye, linabas ito noong Disyembre 2005 sa Comiket 69. Ang laro na ito ay dapat na adaptasyon ng opisyal na fanbook na Bohemian Archive in Japanese Red. Ang manlalaro, ang tengu na tagapagbalita na si Aya Shameimaru ay kumukuha ng mga litrato ng mga boss para sa kanyang dyaryo para matapos ang mas mahirap na mga lebel. Ang laro ay kakaiba dahil walang mga bomba o pagbaril ang manlalaro, kundi ang kamera ang pang-atake at pang-depensa dahil tinatanggal nito ang mga bala sa iskrin. Ang pag-iskor ay base sa linalaman ng litrato, lokasyon ng boss, bilang ng mga bala at posisyon ni Aya. Kakaiba ang larong ito dahil hindi lumitaw si Reimu Hakurei bilang magagamit na karakter at hindi rin siya lumitaw bilang kalaban.

Touhou 10 - Mountain of Faith (東方風神録 Tōhō Fūjinroku, lit. "Eastern Wind God Chronicles")

Ang pang-sampung laro, inanunsyo ito noong Mayo 2007 at may demo na inilabas sa Reitaisai 4 noong 20 Mayo 2007. Ang buong laro ay inilabas sa unang araw ng Comiket 72 noong 17 Agosto 2007. Nakatanggap si Reimu ng utos na isarado ang Hakurei Shrine o ito ay masisira at ang diyosa ng Youkai Mountain ang kukuha rito. Bilang Reimu o Marisa ay aakyat ang manlalaro sa tuktok ng Youkai Mountain para makita ang diyosa sa gitna ng insidente at pigilin ang pananakop sa dambana.

Touhou 10.5 - Scarlet Weather Rhapsody (東方緋想天 Tōhō Hisōten, lit. "Eastern Skies of Scarlet Perceptions")

Ang ikalawang versus fighting game at ang pang-10.5 na laro,[4] na ginawang magkasama ng Team Shanghai Alice at ng Twilight Frontier. Linabas ito noong 25 Mayo 2008. Ang kwento sa laro ay tungkol sa kakaibang panahon sa Gensokyo at kailangang imbestigahan ito ng mga karakter. Ito ang unang laro kung saan nagamit ang card deck system at ang sistema ng nagbabagong panahon na makakaapekto sa gameplay sa gitna ng mga laban.

Touhou 11 - Subterranean Animism (東方地霊殿 Tōhō Chireiden, lit. "Eastern Palace of the Earth Spirits")

Ang pang-labingisang laro, inanunsyo ito noong 1 Mayo 2008[5]. Isang demo ang inilabas sa Reitaisai 5 kasama ang buong bersyon ng Scarlet Weather Rhapsody. Ang buong bersyon ay nailabas noong 16 Agosto 2008 sa Comiket 74. Isang misteryosong bukal na sumisingaw ang umusbong malapit sa Hakurei Shrine kung saan maraming mga masamang kaluluwa ang nanggaling mula sa ilalim ng lupa. Sina Reimu at Marisa ay pupunta sa kailaliman sa tulong ng tatlong youkai (Yukari Yakumo, Suika Ibuki o Aya Shameimaru para kay Reimu, Alice Margatroid, Patchouli Knowledge o Nitori Kawashiro para kay Marisa) at pigilin ang pinanggagalingan ng bukal bago pa maging huli ang lahat.

Touhou 12 - Undefined Fantastic Object (東方星蓮船 Tōhō Seirensen, lit. "Star-Lotus Ship of the East")

Ang ika-labingdalawang laro. Inanunsyo ito noong 26 Pebrero 2009[6]. Isang demo ang inilabas sa Reitaisai 6 noong 8 Marso 2009 at ang buong laro ay inilabas noong 15 Agosto 2009 sa Comiket 76. Dumating na ang tagsibol sa Gensokyo at isang mahikang barkong lumilipad ang lumitaw na sinasabing nagdadala nag magandang pangitain. Lalaruin ng manlalaro sina Reimu, Marisa o Sanae Kochiya na galing sa Mountain of Faith at mag-uunahan ang tatlong babae na makapasok sa barko. Ang hiwalay na bomb counter ay naibalik, ang sistema ng pag-iskor ay sinamahan ng mga "Undefined Fantastic Object" o UFO na lumilitaw bilang mistulang mga alieng UFO sa tatlong kulay (pula, bughaw, berde) at dapat kolektahin sa tig gugrupo-grupo ng tatlo para makakuha ng iba't ibang mga bonus.

Touhou 12.3 - Touhou Hisōtensoku (東方非想天則 〜 超弩級ギニョルの謎を追え Tōhō Hisōtensoku ~ Chōdokyū Ginyoru no Nazo wo Oe, lit. "Lacking Perception of the Rule of Heaven in the East ~ Chase the Enigma of the Superdreadnought Guignol")

Ang ikatlong fighting game at ang ika-12.3 na laro[7], na magkasamang ginawa ng Team Shanghai Alice at Twilight Frontier. Inanunsyo noong 23 Hulyo 2009 at inilabas sa Comiket 76 noong 15 Agosto 2009.[8] May mga bagong spell card sa laro at ang pagdagdag ng weather pati na rin ang pinagandang gameplay. Ang mga karakter mula Scarlet Weather Rhapsody ay malalaro kung naka-install ang larong iyon. Ang story mode kung saan malalaro sina Sanae Kochiya, Cirno at Hong Meiling ay umiikot sa isang anino ng higanteng nilalang, kung saan tinignan ito ng mga nakatira sa Gensokyo. Parehong umiikot sa imbestigasyon ng misteryosong nilalang at kung sino ang nagko-kontrol sa higante ang scenario nina Cirno at Sanae. Ang scenario ni Meiling ay tungkol sa pagkalaban sa isang wirdong nilalang sa panaginip na gustong sumira sa mundo. Ito lamang ang laro sa seryes na walang opisyal na Ingles na subtitles.

Touhou 12.5 - Double Spoiler (ダブルスポイラー 〜 東方文花帖 Daburu Supoiraa ~ Tōhō Bunkachō, lit. "Double Spoiler ~ Oriental Album of Words and Flowers")

Ang pang-12.5 na laro na inanunsyo ni ZUN noong 3 Marso 2010.[9] Ang laro ay nailabas noong 14 Marso 2010 sa Reitaisai 7. Ang laro ay naka-focus muli kay Aya Shameimaru at isang sequel sa Shoot the Bullet dahil ito ay may kaparehong istilo ng gameplay pero may mga bagong karakter at spell card, na kasama ang karakter sa Mountain of Faith at pagkatapos.

Touhou 12.8 - Fairy Wars (妖精大戦争 〜 東方三月精 Yōsei Daisensō ~ Tōhō Sangetsusei, lit. "Great Fairy Wars ~ Eastern Three Fairies")

Ang pang-12.8 na laro na inanunsyo ni ZUN noong 23 Hulyo 2010.[10] Ang laro ay ang pagpatuloy ng manga na Touhou Sangetsusei at nailabas sa Comiket 78 noong 14 Agosto 2010. Si Cirno ang bida ng laro at ang gameplay ay naka-focus sa pagyeyelo ng mga bala.

Touhou 13 - Ten Desires (東方神霊廟 Tōhō Shinre.ibyō, lit. "Eastern Divine Spirit Mausoleum")

Ang ika-labintatlong laro. Inanunsyo ito noong 28 Pebrero 2011[11] Isang demo ang ilalabas sana sa Reitaisai 8 sa 13 Marso 2011 ngunit naantala ito dala ng tsunami at lindol sa Japan noong 2011. Ang buong laro ay nailabas sa Comiket 80 noong 13 Agosto 2011. Sina Reimu, Marisa at Sanae ay malalaro muli dahil sila ay nasa huling pangunahing laro sa serye na Undefined Fantastic Object at sila ay sinamahan ni Youmu Kanpaku bilang playable character. Nakapansin sina Reimu at Marisa na mas marami ang mga banal na kaluluwa at inimbestigahan ito. Gustong makuha ni Sanae ang kapangyarihan ng mga banal na kaluluwa para sa mga diyosa ng Moriya Shrine, at gusto namang patayin ni Youmu Kanpaku ang mga multo na hindi niya kasama.

Touhou 13.5 - Hopeless Masquerade (東方心綺楼 Tōhō Shinkirō, lit. "Eastern Tower of Heart Fabric")

Ang pang-13.5 na laro at ang ikaapat na fighting game na ginawang magkasama ng Twilight Frontier at Team Shanghai Alice. Inanunsyo ito noong 5 Oktubre 2012. May ibang istilo ng 2D spirtes ang mayroon sa larong ito na ibang-iba sa mga nakaraang fighter game.[12] Isang demo ang inilabas sa Comiket 83 noong Disyembre 2012 at ang buong bersyon ng laro ay inilabas sa Reitaisai 10 noong 26 Mayo 2013. Sa larong ito ang mga residente ng Human Village ay nawalan na ng pag-asa at nagtiwala ang mga karakter sa relihiyon para mapadali ang mga isipan.

Touhou 14 - Double Dealing Character (東方輝針城 Tōhō Kishinjō, lit. "Eastern Castle of Radiant Needles")

Ang ika-labingapat na laro, na inanunsyo ni ZUN noong 11 Mayo 2013.[13] Isang demo ang inilabas sa Reitaisai 10 noong 26 Mayo 2013 at ang buong bersyon ay inilabas sa Comiket 84 noong 12 Agosto 2013. Sa 10 Agosto 2014, ang laro ay inilabas sa Playism, at ang Double Dealing Character ang naging kauna-unahang larong pwedeng i-download.[14] Noong 7 Mayo 2015, sa desisyon ng Playism ay naging available ang laro para ma-download sa labas ng Japan, at ito ang opisyal na paglabas ng Touhou Project sa labas ng Hapon.[15] Sina Reimu at Marisa ay malalaro muli at si Sakuya ay pwede ulit gamitin sa unang pagkakataon simula ng Phantasmagoria of Flower View. Ang istorya ay tungkol sa mga youkai na nangugulo sa buong Gensokyo at ang nagiging wirdo ang akto ng mga sandatang ginagamit ng tatlong gamit na karakter. Sila ay humaharap sa desisyon na kuhanin ang kanilang mga sandata at kalabanin ang youkai, o iwan ang mga kanilang armas.

Touhou 14.3 - Impossible Spell Card (弾幕アマノジャク Danmaku Amanojaku, lit. "Danmaku Amanojaku")

Ang pang-14.3 na laro, naanunsyo ito noong 12 Abril 2014 at nailabas sa Reitaisai 11 noong 11 Mayo 2014. Ang laro ay isang danmaku na ibang iba sa pang-karaniwang tipo at ang bida ay ang kalaban sa nakaraang laro, si Seija Kijin na gumagamit ng mga cheat item para maka-clear ng mga spell card. Isang kapagbigayan ang nakapatong sa ulo ni Seija, at maraming karater mula sa mga nakaraang laro ang gustong humuli sa kanya.

Touhou 14.5 - Urban Legend in Limbo (東方深秘録 Tōhō Shinpiroku, lit. "Deep Secret Record")

Ang pang-14.5 na laro, at ang ikalimang fighting game na ginawa ng Team Shanghai Alice at Twilight Frontier. Inanunsyo ni ZUN noong 16 Nobyembre 2014 sa Digital Game Expo 2014 at nailabas noong 10 Mayo 2015. Nailabas din para sa PlayStation 4 noong 8 Disyembre 2016 na may mga bagong features, kasama na ang pagsama kay Reisen Udongein Inaba bilang playable character. Ito ang kauna-unahang laro sa serye na mai-release sa isang gaming console. Halos magkamukha ng gameplay at istilo ang larong ito sa nakaraang Hopeless Masquerade.[16] Ang mga guhit ay ginawa ni Moe Harukawa, at naanunsyo ito kasama ng isang minigame na gawa ni ZUN na ang Danmaku Amanojaku Gold Rush.

Touhou 15 - Legacy of Lunatic Kingdom (東方紺珠伝 Tōhō Kanjuden, lit. "Eastern Legend of Ultramarine Orb")

Ang ika-labinlimang laro sa serye, na naanunsyo ni ZUN noong 22 Abril 2015. May apat na pwede gamitin sa laro: Reimu, Marisa, Sanae at Reisen. Inilabas ito noong 14 Agosto 2015.[17] Mayroong nanakop sa Lunar Capital, na naging sanhi kung bakit pumunta ang mga Lunarian sa Gensokyo upang haluhughugin ito. Hindi tulad ng mga nakaraang laro, mayroong dalawang Game Modes: Legacy Mode, na kapareho sa mga nakaraang laro, at Pointdevice Mode, isang mode kung saan tinanggal ang mga extra life at continue pero linagyan ng mga checkpoint. Kapag ka natamaan ang karakter ay uulit ang manlalaro sa umpisa ng chapter at sila ay mawawalan ng kaunting power.

Touhou 15.5 - Antinomy of Common Flowers (東方憑依華 Tōhō Hyōibana, lit. "Eastern Flowers of Possession")

Ang pang-15.5 na opisyal na laro, at ang ika-anim na fighting game na ginawa ng Team Shanghai Alice at Twilight Frontier. Naanunsyo ito noong 11 Disyembre 2016. Ang demo ay unang nailabas sa Reitaisai 14 noong 7 Mayo 2017 at ang ikalawa ay nailabas sa Autumn Reitaisai 4 noong 15 Oktubre 2017. Ang laro ay nailabas sa Steam noong 5 Enero 2018.[18]

Touhou 16 - Hidden Star in Four Seasons (東方天空璋 Tōhō Tenkūshō, lit. "Eastern Jade Scepter of the Skies")

Ang ika-labinganim na opisyal na laro, inanunsyo ni ZUN noong 20 Abril 2017. Isang demo ang inilabas noong 7 Mayo 2017 sa Reitaisai 14 at ang buong bersyon ay nailabas sa Comiket 92 noong 11 Agosto 2017. Noong 16 Nobyembre 2017, ang laro ay nailabas sa Steam at ito ang kauna-unahang paglabas ng Touhou sa Steam. Ang mga panahon ay wala sa tamang lagay sapagkat ang mga berdeng pastulan ay nakasama sa mga niyebe ng tag-lamig, mga puno ng taglagas at mga mainit na araw. Sina Reimu, Marisa, Cirno at Aya ay mag-iimbestiga sa dahilanan ng kabaliwan na ito. Ang laro ay may sub-season mechanic kung saan makokolekta ang mga season para makakuha ng mga boost sa pagbaril ng gamit, depende sa sub-season na pinili ng manlalaro. Pwede ring ilabas ang nakolektang season para mawala ang mga bala sa isang bahagi ng iskrin.

Touhou 16.5 - Violet Detector (秘封ナイトメアダイアリー Hifū Naitomea Daiarī, lit. "Hidden Seal Nightmare Diary")

Ang pang-16.5 na opisyal na laro, nailabas noong 10 Agosto 2018. Isang danmaku photography game na katulad ng Shoot the Bullet at Double Spoiler, pero si Sumireko Usami ang bida.

Ang Touhou Project ay gawa lamang ng isang tao na nagngangalang Junya Ota o mas kilala sa kanyang palayaw na ZUN. Siya ang gumawa ng lahat ng graphics, tugtog at programming para sa mga larong danmaku, pwera na lang sa mga portrait sa Fairy Wars na ginawa ni Makoto Hirasaka, at ang mga fighting games: Immaterial and Missing Power, Scarlet Weather Rhapsody, Touhou Hisōtensoku, Hopeless Masquerade, and Urban Legend in Limbo kung saan kasama gumawa ang Twilight Frontier.

Naisip gawin ni ZUN ang Touhou noong siya ay hayskul pa lamang, kung saan kaunti pa lang ang gumagawa ng mga laro na may mga shrine maiden. "It would be nice to make shrine maiden games", ang kanyang sinabi at iniisip niya ang musika na kasama sa laro. Siya ay nag-aral ng kolehiyo, sa pag-asang mag-kompose ng musika para sa mga fighting game dahil sikat sila sa oras na iyon dahil sa Street Fighter II. Pero, napag-isipan niya na para mailagay ang musika niya sa mga laro ay mas madaling gumawa ng sarili niyang mga laro para rito at kaya nagawa ang unang laro ng Touhou, Highly Responsive to Prayers, noong 1996. Ang unang laro ay praktis lamang sa pagpo-program. Naging danmaku na lamang ang Touhou sa ikalawang larong Story of Eastern Wonderland, dahil nauso ang mga shooting game dahil sa RayForce at panatiko si ZUN ng katulad na mga laro.[19] Sinabi ni ZUN na nabuo lamang ang direksiyon at ang tema ng Touhou sa ika-anim na laro at unang laro sa Windows, ang Embodiment of Scarlet Devil.[20]

Ayon sa pananaw sa Bohemian Archive in Japanese Red ay gumagamit si ZUN ng Visual Studio, Adobe Photoshop at Cubase para gumawa ng laro.[21]

Sa mga larong danmaku, ang bullet power ng manlalaro ay nadadagdagan ng diretso tuwing ang manlalaro ay nangongolekta ng mga power-up na binibigay ng mga kalaban hanggang sa dumating ito sa maximum. Pwede ring mangolekta ng mga "point" na icon para makakuha ng mga buhay, ang numero na kailangang kunin ay nadagdagan ng mas marami habang tumataas ang iskor ng manlalaro. Pwede ring gamitan ng "focus", na kadalasan ay ang shift key para bumagal ang gamit ng player, at sa ibang laro para makita ang hitbox at (baliktad ito sa ibang karakter) i-fofocus ang atake ng gamit para maging mas malakas ito. Ang graze na wala sa Mountain of Faith at Story of Eastern Wonderland ang nagsasabi kung gaano karami ang mga bala na nakapasok sa sprite ng karakter pero naiwasan ng hitbox at nagbibigay ng mas maraming iskor sa player.

Ang player ay maraming gumamit ng bomba na "spell card". Bagamat may limitado lamang na ipon nito, sa paggamit ng isa ay hindi tatalab ang mga bala sa gamit at magkakaroon ng malakas na atake na tatanggalin ang lahat ng bala ng kalaban sa iskrin. Kada karakter ay may dalawang card na magkaiba ang pangalan at patern. Pwedeng gumamit ng spell card ang player pagkayari tamaan ng bala (kilala bilang deathbomb) para hindi mamatay. Ang pagitan ng oras kung saan pwedeng mag-deathbomb ay player ay karaniwang nasa 0.3 segundo lamang. Ang mga boss ay may spell card rin, pero ang ibig sabihin ng salita para sa mga boss ay ang mahabang patern ng galawan at mga bala na tatagal hanggang mamatay ang boss o maubusan ng oras.

Kada isang laro mula sa pangunahing serye ng Perfect Cherry Blossom hanggang sa Ten Desires ay may mga karagdagang pagbabago na makakaapekto sa gameplay tulad ng pag-iskor o pagkuha ng mga buhay o bombs. Halimbawa, ang Perfect Cherry Blossom ay may "cherry points" na ginagamit sa pag-iskor, pero maari ring makabigay ng panandaliang harang sa bala (supernatural border). Ang Imperishable Night ay may mga "time points" na kailangan para makausad sa susunod na mga lebel at para malaman ng laro kung makikita ng player ang final spell ng boss sa normal o higher na difficulty. Sa Mountain of Faith ay may "faith" points, na dadagdagan ang iskor ng player na nakukuha sa pangongolekta ng mga point item at mga bonus sa pag-clear sa mga spell card ng hindi namamatay o hindi gumagamit ng spell card/bomba.

Kada laro ay may apat na difficulty level - Easy, Normal, Hard at Lunatic - na mas mahirap ang susunod sa bago nito. Alinmang difficulty ang piliin, mayroong anim na stage sa isang laro kung saan ang isa ay mas mahirap sa nakaraan nito. Ang mga larong bukod lang rito ay ang Story of Eastern Wonderland, at Embodiment of Scarlet Devil sa difficulty na easy, kung saan mayroon lamang itong limang lebel.

Bukod pa sa apat na difficulty ay mayroon ding extra stage na isang mahaba at mahirap na lebel kung saan ang mga player ay kailangang lampasan ang mga pinagsamang mga kalaban at isang mahabang boss fight (na may sampung spell card). Para makarating sa extra stage, kailangang matapos muna ang laro sa normal difficulty o mas mahirap pa na di gumagamit ng mga continue. Ang mga laro lamang na pwede marating ang Extra Stage gamit ang Easy Difficulty ay ang Story of Eastern Wonderland, Mystic Square, Perfect Cherry Blossom, Imperishable Night, Fairy Wars, Double Dealing Character, at ang Legacy of Lunatic Kingdom. Sa difficulty, masasabing ang Extra Stage ay katumbas ng Normal Difficulty o mas mahirap pa. Sa Perfect Cherry Blossom ay mayroon ding Phantasm Extra Stage kung saan ang mga kalaban na mahirap na nga sa Extra Stage ay mas pinahirap pa. Bagamat ang Phantasm Stage ay para lamang sa mga magagaling na player, ang difficulty nito ay katumbas sa kalagitnaan ng Hard at Lunatic. Ang Phantasm Stage ay maa-unlock lamang kapag tinapos ang Extra Stage at pag naka-capture ng 60 na spell card gamit ang anumang karakter o spell card type.

Ang istorya ng Touhou Project ay naka-sentro sa mga kakaibang penomenon na nagyayari sa mundo ng Gensokyo (幻想郷 Gensōkyō, literally Fantasy Village or Fantasy Land) na idinisenyo ni ZUN na may barangay ng tao na napaliligiran ng libib na kabundukan sa Japan. Orihinal itong itinawag na "a remote separated land of a human village in an eastern country." Bago magyari ang istorya ng Touhou Project ay may mga nakatirang nilalang na youkai at mga tao sa lugar na ito. Pagkayari may mawala na mga tao sa Gensokyo ay natakot nang puntahan ng mga tao ang lugar na ito bagamat may mga tumirang iba dito upang magpuksa ng mga youkai. Nang lumaon ang oras ay nagkaroon din ng hiwalay na kabihasnan ang mga tao at dumami at nag-aalala ang mga youkai kung papaano mapanatili ang balanse sa gitna ng tao at youkai. Kaya, limangdaang taon bago ang pangyayari ng Embodiment of Scarlet Devil, ang youkai na Yukari Yakumo ay gumawa ng hangganan ng pangitain at materyal na sinang-ayunan ng youkai at naprotektahan ang balanse. Ito ang tinawag na "Yōkai Expansion Project" at ginawang isang mundong hiwalay ang Gensokyo na tumatawag sa mga humihinang youkai ng panlabas na mundo. Ang mga bagay na nawala na sa panlabas na mundo, tulad ng mga namatay na hayop, mga bagay na hindi ginagamit, at arkitektura ay naging marami sa Gensokyo. Dahil ang Gensokyo ay isang lupain sa Hapon na nababalot ng harang, modernong Hapon ang nasa labas ng harang na ito.

Dahil sa harang ay hindi na mapapasok ang Gensokyo mula sa panlabas na mundo, at ang mga Gensokyo ay hindi na makakalis. Hindi mapapatunayan ang Gensokyo mula sa panlabas na mundo, at hindi rin makikita ang panlabas na mundo mula sa Gensokyo. Dahil rito, ang liblib na mga tao sa Gensokyo ay nakagawa ng sarili nilang sibilisasiyon na iba sa panlabas na mundo. Kahit man nahahati ng harang ay kadikit parin nito ang mundo sa labas, at hindi isang alternatibong dimensiyon. Walang mga dagat sa Gensokyo, dahil ito ay napapaligiran ng lupa at mga bundok. Sa Gensokyo ay kaunti lamang ang mga tao at maraming uri ng youkai. Ang mga ibang uri ay mga mahikera, mga hayop, mga nagbabagong-anyo, mga bampira, borei, tengu, sirena, kappa at youkai. Meron ding mga grupo na pwede maging youkai tulad ng mga diwata (fairy), kaluluwa at espiritu, yurei, onryo, mga poltergeist o multong nanggagalaw ng bagay, mga hermitanyo, oni at mga diyos at diyosa.

Sa kasalukuyang Gensokyo, na ipinapakita sa lahat ng laro sa Touhou simula ng EoSD, ay iba sa panlabas na mundo kung saan ang mga penomenon na hindi sinusuportahan ng sayantipikong ebidensya ay hindi pinaniniwalaan dahil sa mga pagbabago sa lipunang dala ng Pagpapanumbalik ng Meiji, ang mahika at ang ispiritwal ang namamayani. Ang pasukan lamang sa Gensokyo papunta sa panlabas na mundo ay ang Hakurei Shrine sa dulo ng Gensokyo. Ang mga batas ng baraha ng mahika (spell card rules) ay ginawa rin para mapanatili ang relasyon sa gitna ng youkai at tao na kailangan para mapanatili ang pag-iral ng buhay sa Gensokyo. Ang "Malaking Harang ng Hakurei/Great Hakurei Barrier" na pinapanatili ng Miko ng Hakurei ay ginawa maraming dekada na bago ang mga pangyayari ng EoSD, na sinabing isang "harang ng common sense" at isang malakas ng harang ng tamang pag-iisip na hindi mapapasukan ng mga youkai. Ang mga youkai ay noong una ay di sang-ayon sa paggawa nito, ngunit kalaunan ay naintindihan nila ang kahalagahan nito.

Sa Gensokyo, ay may mga nagyayaring mga pangyayaring tinatawag na mga "insidente" paminsan-minsan. Ang isang insidente ay isang pangyayari na nakaka-apekto sa buong Gensokyo at ang sanhi nito ay di natitinag sa panahong ito'y kasalukuyang nagyayari.[22] Ang Touhou Project ay kadalasang naka-focus sa mga insidente sa mga kwento nito, ngunit may mga laro tulad ng Mountain of Faith na tungkol sa mga pangyayaring hindi insidente.

Kadalasan ang mga insidente ay dahil sa isang magulong kagustuhan ng youkai o naisipan lang, at kadalasan ay si Reimu Hakurei ang mag-iimbestiga nito upang mahanap at mahuli ang pasimuno. Kadalasan ang paring babae ng pananampalatayang Shinto sa dambana, ang shrine maiden ng dambanang Hakurei ang nag-reresolba ng mga insidente pero may mga kase sa sina Marisa Kirisame o ang mga iba tulad nina Sanae Kochiya o Sakuya Izayoi ang nag-reresolba sa mga insidente.[22] Kapag may malalang insidente ang nagyari, ang mga kaluluwa at ang mga diwata (fairy) ay naaapektuhan din ng sitwasiyon ng insidente at ang pasimuno ay nakararanas ng dagdag sa kapangyarihan sa panahon ng insidente, kaya may mga kaso kung saan natatalo si Reimu ng isang fairy lamang (hindi ito si Cirno)[23]. Nasabi rin na minsan ay pumupunta rin ang mga tao mula sa Barangay ng Tao o Human Village para imbestigahan ang mga insidente.[24]

Maraming mga karakter sa Touhou Project. Sa mga 27 na laro, panitikan at mga music CD na nagawa, halos 180+ ang mga karakter sa kasalukuyan. Sina Reimu Hakurei at Marisa Kirisame ang itinuturing na mga bida o protagonist ng buong serye, dahil sila ang palaging nalalaro sa mga laro, si Reimu Hakurei na playable character mula Highly Responsive to Prayers, at si Marisa Kirisame mula Story of Eastern Wonderland sa mga laro sa PC-98. Ang mga ibang tauhan naman ay mga katuwang na tauhan (supporting character), mga boss o mga ekstra. Samantala, sa mga pagbabagong nagawa ni ZUN ay hindi na nakita muli ang mga iba pang karakter, tulad ng karamihan ng mga karakter mula PC-98 (Si Alice Margatroid ay ang halimbawa ng nakita muli), at mga karakter na gagamitin sana pero di nagamit tulad ni Rin Satsuki.

Ang disenyo ng mga karakter sa Touhou Project ay karaniwang bishōjo o loli. Halos lahat ng karakter na ipinangalan at mga pangunahin ay mga babae, kakaunti lang ang mga lalaking malaki ang papel tulad nina Rinnosuke Morichika at Unzan. Karamihan ng mga karakter ay nakatira sa Gensokyo, na pinamumugaran ng mga youkai at tao, sina Maribel Hearn, Renko Usami at Sumireko Usami lamang ang mga karakter na malinaw na sinasabing galing sa panlabas na mundo.

Ang pinakamadalas na papel na ginagampanan ng isang karakter ay ang pagiging boss, at mayroon silang mga titulo at theme song na kasama, halimbawa ay ang U.N Owen Was Her ni Flandre Scarlet. Ang mga midboss, samantala ay kadalasang walang sariling theme. Bagamat mayroon paring mga midboss na sumikat kahit hindi malinaw na binigyan ng istorya o ibang pagkakataon, pangalan tulad nina Daiyousei, Koakuma at Momiji Inubashiri.

Mayroon ding mga sariling abilidad ang mga karakter, at halos lahat ng mga karakter na canon mula Windows ay may halos isang abilidad na matatawag na "kayang ~ (~~程度の能力)", na nagpapakita ng kanilang kalakasan, kapangyarihan at kapabilidad.

Ang pangunahing tauhan ng karamihan ng mga laro ay ang dalawang Reimu Hakurei at Marisa Kirisame ngunit may mga laro na hindi sila ang bida: Si Aya Shameimaru ang tengung journalist ang bida ng Shoot the Bullet at Double Spoiler, at pwede ring gamitin si Hatate Himekaidou sa Double Spoiler, si Cirno ang bida sa Fairy Wars, si Seija Kijin ang bida sa Impossible Spell Card, at si Sumireko Usami ang bida sa Violet Spoiler.

Opisyal na Midya

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Kinocosplay ng cosplayer na ito si Reimu Hakurei, ang bidang shrine maiden sa Touhou Project. Naging impluwensiyal ang epekto ng Touhou Project sa popular na kultura at otaku subculture sa bansang Hapon.

Listahan ng Panitikan sa Touhou Project

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Touhou Bougetsuhou = Silent Sinner in Blue, Cage in Lunatic Runagate, Inaba of the Moon and Inaba of the Earth
  • Touhou Bunka (Bunbunmaru News) (Mga dyaryong inilathala sa pananaw ng tengung journalist na si Aya Shameimaru) - Bohemian Archive in Japanese Red, Alternative Facts in Eastern Utopia
  • Touhou Gumon (Gensokyo Chronicle) (Panitikang nailathala sa pananaw ng talaarawan mula sa Human Village na si Hieda no Akyuu) - Perfect Memento in Strict Sense, Symposium of Post-mysticism
  • Touhou Ibarakasen - Wild and Horned Hermit
  • Touhou Kourindou (Sa pananaw ng Kourindo na tindahan ng lalaking Rinnosuke Morichika) - Curiosities of Lotus Asia
  • Touhou Sangetsusei - Eastern and Little Nature Deity, Strange and Bright Nature Deity, Oriental Sacred Place, Visionary Fairies in Shrine
  • Touhou Suzunaan - Forbidden Scrollery
  • Danmaku Works - The Grimoire of Marisa
  • Magasin - Strange Creators of Outer World
  • Mga Iba Pa - Seasonal Dream Vision

Bohemian Archive in Japanese Red (東方文花帖 Tōhō Bunkachō, lit. "Oriental Album of Words and Flowers") - Ito ang opisyal na fanbook ng Touhou. Kasama rito ay mga artikulong pang-dyaryong isinulat ni Aya Shameimaru, panayam kay ZUN at mga dōjinshi. May CD sa likod, mga bagong music track ni ZUN, demo ng Phantasmagoria of Flower View, at wallpaper.

Seasonal Dream Vision (東方紫香花 Tōhō Shikōbana, lit. "Eastern Purple Scented Flowers") - Koleksiyon ng doujinshing nailathala ng Comic Toranoana. Kasama rin ay mga maiikling kwento at mga CD ni ZUN.

Perfect Memento in Strict Sense (東方求聞史紀 Tōhō Gumonshiki, lit. "Desired Oral Histories of the East") - Gabay sa mga iba't ibang uri ng Youkai ng Gensokyo. Nailabas sa Disyembre 2006 at nailathala ng Ichijinsha. Kasaysayan at talaarawan na isinulat ni Hieda no Akyuu sa 121st season.

Grimoire of Marisa (グリモワール オブ マリサ Gurimowaru obu Marisa) - Libro na kuwaderno ni Marisa Kirisame na nakasulat ang mga magagandang spell card na kanyang nasaksihan. Sinulat ni ZUN at ginuhitan ni Takeshi Moriki at ni Genji Asai. Nailathala noong Hulyo 2009.

Symposium of Post-mysticism (東方求聞口授 Tōhō Gumon Kuju, lit "Desired Oral Teachings of the East") - Sinulat ni ZUN at ginuhitan nina Masakichi, Tokiame, Azuma Aya, Masatoki Asakura and Kitsune at nailabas noong 27 Abril 2012. May impormasyon tungol sa lahat ng karakter mula Mountain of Faith hanggang Ten Desires, at may kasamang mga artikulo mula sa mga dyaryong Bunbunmaru Newspaper at Kakashi Spirit News na nagpapaliwanag sa mundo ng Gensokyo.

Alternative Facts in Eastern Utopia (東方文果真報 Tōhō Bunka Shinhō) - Opisyal na libro na nailathala noong 30 Marso 2017. Isang tabloid magasin na gawa ng tengung Aya Shameimaru pero kanyang itinigil at hindi na niya nagawa. May mga artikulo, panayam at komersiyal na katulad ng Bohemian Archive in Japanese Red pero mas magulo at makalat.

Touhou Sangetsusei (東方三月精) - apat na parte na serye ng manga na sinulat ni ZUN at ginuhitan nina Nemu Matsukura at Makoto Hirasaka. Naka-focus ang komiks sa Three Fairies of Light, sina Star Sapphire, Luna Child at Sunny Milk. Binubuo ito ng apat na parte sa kasalukuyan:

  • Touhou Sangetsusei~ Eastern and Little Nature Deity (東方三月精 ~ Eastern and Little Nature Deity) - Ang unang entrada, na nailathala sa MediaMix Game Magazine[25] mula Mayo 2005 hanggang Mayo 2006 at isinulat ni ZUN at ginuhitan ni Nemu Matsukura. Kasama dito ang isang maikling kwento na Fairy of the Moon na inilabas noong 2007.
  • Touhou Sangetsusei ~ Strange and Bright Nature Deity (東方三月精 ~ Strange and Bright Nature Deity) - Ikalawang entrada sa MediaMix Game Magazine mula Mayo 2006 hanggang Enero 2009, isinulat ni ZUN at ginuhitan ni Makoto Hirasaka.
  • Touhou Sangetsusei  ~ Oriental Sacred Place (東方三月精 ~ Oriental Sacred Place) - Ikatlong entrada na nailathala sa Comp Ace noong Mayo 2009 at isinulat muli ni ZUN at ginuhitan ni Makoto Hirasaka.
  • Touhou Sangetsusei  ~ Visionary Fairies in Shrine (東方三月精 ~ Visionary Fairies in Shrine) - Nailathala ng Kadokawa Shoten sa Comp Ace, inisulat ni ZUN at ginuhitan ni Makoto Hirasaka at kasalukuyang ginagawa.

Touhou Bougetsushou (東方儚月抄) - Tungkol sa kwento ng mga Lunarian na may kinalaman sa Imperishable Night. Ito ay binubuo ng isang manga, nobela at yonkoma na inilathala sa tatlong Ichijinsha na magasin.

  • Touhou Bougetsushou~ Silent Sinner in Blue (東方儚月抄 ~ Silent Sinner in Blue) - Isang manga na ginuhitan ni Aki★Eda at isinulat ni ZUN, at nailathala sa magasing Comic Rex noong Hunyo 2007 hanggang Abril 2009.
  • Touhou Bougetsushou~ Cage in Lunatic Runagate (東方儚月抄 ~ Cage in Lunatic Runagate) - Serye ng mga maiikling kuwenta bilang novella, isinulat ni ZUN, ginuhitan ni TOKIAME at nailathala sa magasing Chara☆Mel noong 25 Disyembre 2009.
  • Touhou Bougetsushou~ Inaba of the Moon and Inaba of the Earth (東方儚月抄 ~ 月のイナバと地上の因幡) - Serye ng mga comedic na 4koma strip na ginuhit ni Toshihira Arata at nailathala sa Manga 4koma Kings Palette. Si ZUN ay na-credit lamang para sa "setting and character design" at hindi para sa "scenario". Nailabas noong Hunyo 2007 hanggang Disyembre 2012.[26][27]

Touhou Ibarakasen ~ Wild and Horned Hermit (東方茨歌仙 ~ Wild and Horned Hermit) - Tungkol kay Kasen Ibaraki, babaeng misteryoso na may koneksiyon sa kilalang cast. Nailathala sa Ichijinsha noong 24 Hulyo 2010, isinulat ni ZUN at ginuhitan ni Aya Azuma.

Touhou Suzunaan ~ Forbidden Scrollery (東方鈴奈庵 ~ Forbidden Scrollery) - Tungkol kay Kosuzu Motoori na nakatira sa aklatang tinatawag na Suzunaan at ang kwento ay tungkol sa kanyang misteryosong abilidad na malaman ang linguaheng nakasulat sa anumang libro at ang kanyang koleksiyon ng mga delikado, misteryoso at mahikal na aklat. Nailathala sa Kadokawa sa Comp Ace[28] noong 26 Oktubre 2012 hanggang 26 Hulyo 2017, isinulat ni ZUN at iginuhitan ni Moe Harukawa.

Touhou  ~ Strange Creators of Outer World (東方外來韋編 Strange Creators of Outer World) - Ang kauna-unahang opisyal na Touhou magasin na nailathala noong Septembre 30, 2015 at kasalukuyang inilalabas. Inilathala ng Dengeki Moeoh sa ilalim ng Kadokawa, isinulat ni ZUN at ginuhitan nina Masakichi at Genji Asai.[29]

Touhou ~ Curiosities of Lotus Asia (東方香霖堂 ~ Curiosities of Lotus Asia) - Serye ng mga kwento na kasama sa canon na nailabas mula 2004 hanggang 2007 at nagpatuloy noong 2015. Isinulat sa pananaw ng lalaking Rinnosuke Morichika na nagmamay-ari ng tindahang Kourindou, isinulat ni ZUN at ginuhitan ni Genji Asai.

Mga Music CD ni ZUN

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nag-release ng siyam na music album si ZUN, mga edisyon ng lumang musikang na-rearrange, ang mga iba'y galing pa sa PC-98 era at mga bago't orihinal na mga kanta. Kada CD ay meron ding bonus na istorya na isinulat ni ZUN mismo. Ang mga album na ito ay:

  • Hourai Doll ~ Dolls in Pseudo Paradise (蓬莱人形 ~ Dolls in Pseudo Paradise Hourai Ningyou ~ Dolls in Pseudo Paradise)
  • Night Trip to Rendaino ~ Ghostly Field Club (蓮台野夜行 ~ Ghostly Field Club Rendaino Yakou ~ Ghostly Field Club)
  • Changing Dreams in the Age of Science ~ Changeability of Strange Dream (夢違科学世紀 ~ Changeability of Strange Dream Yumetagae Kagaku Seiki ~ Changeability of Strange Dream)
  • East-West Tokaido ~ Retrospective 53 minutes (卯酉東海道 ~ Retrospective 53 minutes Bouyu Toukaidou ~ Retrospective 53 minutes)
  • Celestial Wizardry ~ Magical Astronomy (大空魔術 ~ Magical Astronomy Oozora Majutsu ~ Magical Astronomy)
  • Unknown Flower, Mesmerizing Journey (未知の花 魅知の旅 Michi no Hana, Michi no Tabi)
  • Ruins of Torifune ~ Trojan Green Asteroid (鳥船遺跡 ~ Trojan Green Asteroid Torifune Iseki ~ Trojan Green Asteroid)
  • Izanagi Object ~ Neo-traditionalism of Japan. (伊弉諾物質 ~ Neo-Traditionalism of Japan. Izanagi Busshitsu ~ Neo-traditionalism of Japan.)
  • Swallowstone Natural History ~ Dr. Latency's Freak Report (燕石博物誌 ~ Dr. Latency's Freak Report Enseki Hakubutsushi ~ Dr. Latency's Freak Report)
  • Old Testament Tavern ~ Dateless Bar "Old Adam" (旧約酒場 ~ Dateless Bar "Old Adam". Kyuuyaku Sakaba ~ Dateless Bar "Old Adam")

May kahalong kuwento ang mga Music CD na ito. Puwera na lang sa Dolls in Pseudo Paradise, ang lahat ng Music CD na ito ay tungkol kila Maribel Hearn at Renko Usami na dalawang babae mula sa panlabas na mundo (Outside World) sa Kyoto, Japan na nag-aaral sa isang unibersidad. Ang mga istoryang nakahalo sa mga Music CD ang nagdedetalye ng kanilang mga adbentura bilang ang dalawang miyembro ng Secret Sealing Club sa kanilang paghahanap sa Gensokyo. Ang Dolls in Pseudo Paradise ay tungkol sa walong magnanakaw na napunta sa Gensokyo at isa-isang namatay. Isang popular na fan theory ay ang sinasabing magandang blonde na babae na kasama ng mga magnanakaw ay si Alice Margatroid.

Ang Yougakudan no Rekishi ~ Akyu's Untouched Score ay koleksiyon ng opisyal na tugtugan ng Team Shanghai Alice. Nailabas ito noong 2006 hanggang 2007 at binubuo ng limang CD.

Tugtog sa mga Laro

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Naging sikat at popular ang ilan sa mga tugtog o soundtrack na ginamit sa mga laro ng Touhou ni ZUN. Ayon sa 2018 Touhou Project Popularity Vote[30] ay nangunguna sa popularidad ang mga tugtog mula Embodiment of Scarlet Devil tulad ng Septette of the Dead Princess, U.N Owen Was Her at Pure Furies ~ Whereabouts of the Heart, Hartmann's Youkai Girl at Bloom Nobly, Ink-Black Cherry Blossom ~ Border of Life.

Isang grapo na kinukumpara ang bilang ng mga doujin circle sa Comiket 85 (Disyembre 2013)[31]

Maraming nagawang doujin works ang fandom ng Touhou, at naging kilala ang fandom ng Touhou Project na sikat o kontrobersiyal sa paggawa ng maraming mga fan works. Nagustuhan at natuwa si ZUN sa maraming gawang mga doujin na likha, kagaya ng mga dōjinshi, dojin na tugtugan at kanta, doujin na anime, at mga larong doujin, at hinikayat pa ni ZUN ang paggawa ng mas maraming gawang mga doujin sa pamamagitan ng pagpatong ng maluwag at kaunting restriksiyon sa paggamit ng kanyang mga gawa o paggawa ng mga derivative works.[1]

Isang gawa ng komedya na gawa ng doujin ay ang Touhou M-1 Grand Prix na serye ng CD/DVD na inilalabas ng R-note kung saan gumagawa ng mga manzai ang mga karakter mula Touhou. Isa itong mock manzai tournament kung saan nagiging huwes at host rin ang ilang mga karakter. Labintatlo ang nagawang mga serye ng Grand Prix at ang pinakabagong labas - ang 13th Touhou M-1 Grand Prix ay inilabas sa Comiket 95.

Marami ding mga doujin na manga at mga fancomic tulad ng gawa nina Zounose, Morino Hon, Colonel Aki, Alison, Karaagetarou, at iba pa. Isang sikat na fan video comic din ang Osana Reimu.

Marami ding mga doujin circle na gumawa ng fan remix ng mga musika at vocal cover na kanta ng mga soundtrack sa laro tulad ng FELT, Yuuhei Satelite, SOUND HOLIC, Shibayan Records, TAMUSIC, Crest, Yonder Voice at iba pa.

Bagamat wala pang opisyal na anime na nagagawa para sa Touhou Project ay marami nang magagandang fan anime ang magawa.

Fantasy Kaleidoscope ~The Memories of Phantasm~ (幻想万華鏡~The Memories of Phantasm~ Gensou Mangekyou ~The Memories of Phantasm~) - ay isang fan anime na ginawa ng grupong Manpuku Jinja[32] na may labindalawang episodyo sa kasalukuyan. Ang unang episodyo ~The Spring Snow Incident~ ay linabas noong 12 Agosto 2011 sa Comiket 80 at ang pinakabagong labas ay ang Episode 12 na nailabas ngayong Enero 2019. Nagamit ang kantang 色は匂へど 散りぬるを // Iro wa Nioedo, Chirinuru wo, remix ng Gensokyo the Gods Loved ng MoF Stage 3 para sa opening na ginawa ng doujin circle na Yuuhei Satelite at kinanta ni senya.

Musou Kakyou: A Summer Day's Dream (夢想夏郷 A Summer Day's Dream, "Fantasy Summer Land") - fan anime na ginawa ng MAIKAZE[33]. May tatlong episodyo, ang una ay nailabas noong Comiket 75 noong 29 Disyembre 2008 at ang ikatlo ay nailabas noong 13 Agosto 2016. Nakilala ito sa pagkuha ng mga propesyonal na seiyuu.

Anime Tenchou x Touhou Project (アニメ店長x東方Project) - Collaboration ng Anime Tenchou at Touhou na naipakita sa 2010 Animate Ichioshi Bishojo Anime Matsuri.[34]

The Sealed Esoteric History (秘封活動記録 ~ Hifuu Katsudou Kiroku/Hifuu Club Activity Record) - Fan anime na may dalawang episodyo na gawa ng Kyoto Fantasy Troupe[35]. Tungkol ito kina Maribel Hearn at Renko Usami, ang dalawang babae na mula Secret Sealing Club mula Kyoto, Japan na binoses nina Eri Kitamura at Kana Hanazawa. Ang unang episodyo ay nailabas noong 29 Disyembre 2015 at ang ikalawa ay noong 11 Agosto 2017. Ang doujin circle na Yonder Voice ang gumawa ng kantang pang-ending at pang-opening tulad ng 決別の旅 (Farewell Tour) at Hoshizora no Hanataba.

Touhou Hakureisou (東方博霊荘) - Ginawa ni niikyouzou.

Meteors of Triple Dimension (幽幻天仪盘 ~ meteors of triple dimension) - Ginawa ng ForeverShrine

Comiket at Reitaisai, Mga Konbensiyon at Pagkikita

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Comiket ay isang dojinshi fair na nagaganap sa Japan na dinadaos dalawang beses kada taon. Isa itong popular na venue para magbenta ng mga doujin ng Touhou Project ngunit nauungusan na ng mga ibang franchise ang mga doujin circle sa Touhou Project dahil parati'y ang Touhou ang nangunguna rito.[36][37] Naging kontrobersyal sa mga fan ang pag-ungos ng Kantai Collection sa mga doujin circle ng Touhou Project, kung saan noong Comiket 92[37] ay naging mas mataas ang mga doujin circle ng Kancolle kaysa sa Touhou Project.

Ang Annual Hakurei Shrine Grand Festival (博麗神社例大祭 Hakurei Jinja Reitaisai) o Reitaisai ay isang taunang konbensiyon na ginaganap para lamang sa Touhou Project na dinadaos kada tagsibol sa Tokyo Big Sight mula 2008. Bagamat walang kinalaman ang Team Shanghai Alice sa nasabing konbensiyon ay si ZUN mismo ang nagbigay ng pangalang "Reitaisai". Ang Reitaisai ang pinakamalaking konbensiyon na puro Touhou lamang sa Japan. Una itong nagsimula noong taong 2004 bilang isang paraan para sa Team Shanghai Alice na maipamahagi ang demo version ng mga susunod na laro sa mga fan bago ilabas ang mga ito sa Internet, nagkaroon ng 114 na doujin circle sa 2004 Reitaisai.

Idinadaos kada taon tuwing Abril o Mayo, ang konbensiyon ay naganap sa Ota, Tokyo noong 2004, sa Naka-ku, Yokohama noong 2005, sa Sunshine City, Tokyo noong 2006 at 2007 at sa Tokyo Big Sight simula 2008. Noong 2010 ay nagkaroon ng Reitaisai SP, adisyonal na Reitaisai na gaganapin kada taglagas dahil nagiging mas sikat ito pero kinansela ang Reitaisai SP noong 2011. Kinansela ang 2011 Reitaisai dahil sa lindol at tsunami noong 2011[38], at ang paglabas ng Ten Desires ay sabay ring naantala. Na-reschedule ito noong 8 Mayo 2011 ng may 4,940 na mga doujin circle. Mayroon ding naganap na Reitaisai sa Taiwan.[39] Ang susunod na Reitaisai, Reitaisai 16 ay gaganapin sa 5 Mayo 2019.[40]

Mga Meme sa Internet at Fandom

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Dahil sa malaking fandom ng Touhou Project ay naging popular ang maraming meme na may kinalaman dito. Naging uso ang kantang Bad Apple!! na ang theme song sa Stage 3 ng Lotus Land Story. Sumikat din ang kantang U.N Owen Was Her ng may nag-upload noong 6 Disyembre 2007 ng mash-up ng U.N Owen Was Her na theme song ni Flandre Scarlet sa Extra Stage ng Embodiment of Scarlet Devil sa NND mash up Ran Ran Ru[41]. Napaglito rin ng maraming fan ang kantang U.N Owen Was Her sa Death Waltz[1] ngunit ang sinasabing Death Waltz[42] ay remix ng U.N Owen Was Her na nagngangalang Last Brutal Sister Flandre S na ginawa ng doujin circle COOL&CREATE sa Comiket Dec 2004. Ang Death Waltz ay iba pang reference sa ibang kanta.

Naging sikat rin ang Cirno's Perfect Math Class na remix ng COOL&CREATE vs IOSYS ng Beloved Tomboyish Girl na stage theme ni Cirno sa Stage 2 ng Embodiment of Scarlet Devil, at ang Marisa Stole the Precious Thing na nagpapahiwatig ng lesbiyanang romantikong interes ni Alice Margatroid kay Marisa Kirisame, na remix ng IOSYS ng "Doll Judgement – The Girl Who Played with People's Shapes", stage theme ni Alice Margatroid mula Perfect Cherry Blossom.

Kakaiba rin ang interpretasiyon ng fanon sa mga ugali ng mga karakter, at minsan ay nakatutuwa ito at iba sa canon. Si Flandre Scarlet ay nagiging parang baliw na psychopath na ipinahihiwatig sa mga popular na remix ng Death Waltz at U.N Owen Was Her, si Cirno ay masyadong bobo na tinatawag na 9 o Baka at ipinagdidiwang ang kanyang araw tuwing Septyembre 9, si Sakuya ay nagsusuot ng pampalaki ng suso, si Reimu ay nagiging mahirap na pulubi o pinapakita ang kanyang mga kilikili at iba pa at ito ay nagiging popular na mga meme sa mga fan. Ang Yuri o lesbianism/lesbian porn ay sikat ding tema sa fandom ng Touhou dahil babae ang lahat ng karakter bukod sa kakapiranggot na lalaki, at maraming mga doujing ecchi o hentai ang nakabase rito. Sikat ang mga katagang "Everyone in Gensokyo is gay", at ang pagbibiro tungkol sa pagsusuot ng mga sumbrero ng mga karakter sa mga fan.

Ang yukkuri ay mga piksiyonal na nilalang na gawa ng Touhou fanbase, na mga pinugutan na ulo ng mga karakter pero kayang gumalaw, magsalita at kumain. Ang salitang "yukkuri" ay nanggaling sa Hapones na parilalang "Yukkuri shiteitte ne!" na ibig sabihin ay "Take it easy!".

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 Tomohiro, Katada (2008-10-03). "ニコ動、2ちゃんねるで人気の「東方Project」って何だ?" [What is this Touhou Project popular on Nicovideo and 2ch?] (in Japanese). R25.jp. Archived from the original on 2013-07-29. Retrieved 2009-07-10.
  2. "Most prolific fan-made shooter series". Guinness World Records. Archived from the original on April 24, 2013. Retrieved 2011-09-24.
  3. ZUN (February 11, 2010). "ZUN's tweet regarding Lotus Land Story" (in Japanese). Twitter. Retrieved February 11, 2010.
  4. "Tasogare Frontier's log (2007)" (in Japanese). Retrieved 2009-07-23.
  5. ZUN (2008-05-01). "Touhou Project Eleventh Bullet"(in Japanese). Retrieved 2008-05-02.
  6. ZUN. "Touhou Project 12 Touhou Seirensen" (in Japanese). Retrieved 2009-07-10.
  7. "Touhou Hisōtensoku official website" (in Japanese). Retrieved 2009-07-23.
  8. "Tasogare Frontier's log" (in Japanese). 2009-07-23. Retrieved 2009-07-23.
  9. "東方Project 第12.5弾" [Touhou Project 12.5] (in Japanese). ZUN. Retrieved March 2, 2010.
  10. 夏コミ情報 [NatsuComi Information] (in Japanese). ZUN. July 23, 2010. Retrieved July 24, 2010.
  11. "東方Project第13弾 東方神霊廟 〜 Ten Desires"[Touhou Project 13th Game Touhou Shinreibyō ~ Ten Desires.] (in Japanese). ZUN. February 28, 2011. Retrieved February 28, 2011.
  12. "東方心綺楼 ~ Hopeless Masquerade" (in Japanese). Twilight Frontier. Retrieved October 5,2012.
  13. Double Dealing Character (東方輝針城 Tōhō Kishinjō, lit. "Eastern Castle of Radiant Needles")
  14. PLAYISM (10 August 2014). "【新作まもなく配信開始】セール期間中となる8月13日より、『東方輝針城 ~ Double Dealing Character. 』をリリースしますよ。お楽しみにー。 http://www.playism.jp/games/th14/ pic.twitter.com/I1EAsOD8z3". @playismJP (in Japanese). Retrieved 2017-12-21.
  15. Ramachandran, Nayan (May 1, 2015). "Touhou 14 Hits Playism on 5/7/2015". Playism. Archived from the original on 2015-05-05.
  16. "14.5th Touhou Project 東方深秘録 ~ Urban Legend in Limbo" (in Japanese). Twilight Frontier. Retrieved April 11, 2015.
  17. ZUN (April 22, 2015). "東方Project 第15弾です。". Retrieved April 22, 2015.
  18. "東方憑依華 ~ Antinomy of Common Flowers. on Steam". store.steampowered.com. Retrieved 2017-12-21.
  19. 東方の夜明け [Dawn of Touhou] (in Japanese). Meiji University Anime and Voice Actors Research Club. Archived from the original on 2009-03-11. Retrieved 2009-07-10.
  20. Solamarle (2007-11-09). "Notes on ZUN's Genyou Denshou Lecture". Gensokyo.org. Retrieved 2009-07-10.
  21. ZUN (August 2005). Bohemian Archive in Japanese Red. Ichijinsha. p. 166. ISBN 4-7580-1037-4.
  22. 22.0 22.1 Perfect Memento in Strict Sense pp. 112–116 "Hakurei Reimu."
  23. "Sangetsusei Part 2 Separate volume edition, volume 1, p. 129-143 "番外編 酒三杯にして……"
  24. Perfect Memento in Strict Sense p. 136-137 "Human Village"
  25. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-07-28. Nakuha noong 2019-02-11.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  26. ZUN (2007-05-14). "Touhou Bōgetsushō" (in Japanese). Retrieved 2007-05-15.
  27. "Touhou Bōgetsushō official website" (in Japanese). Ichijinsha. Retrieved 2007-05-15.
  28. コンプエース 2012年12月号 [Comp Ace December 2012 issue] (in Japanese). Kadokawa Shoten. Archived from the original on October 30, 2012. Retrieved October 30, 2012.
  29. "「東方外來韋編 Strange Creators of Outer World.」公式サイト" (in Japanese). ASCII Media Works. Retrieved October 2, 2015.
  30. http://toho-vote.info/result15/result_list_music.php
  31. "Top Doujinshi Events Most Popular By The Numbers". Crunchyroll. Nobyembre 1, 2013. Nakuha noong Pebrero 28, 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  32. http://manpukujinja.blog135.fc2.com/
  33. https://maikaze.com/
  34. https://myanimelist.net/anime/9875/Anime_Tenchou_x_Touhou_Project
  35. http://kyotofantasytroupe.net/
  36. https://www.animenewsnetwork.com/interest/2017-08-09/dojin-circle-numbers-reveal-top-series-at-comiket-92/.119929
  37. 37.0 37.1 https://www.animenewsnetwork.com/interest/2018-08-03/fate-series-holds-the-dojin-throne-at-comiket-94/.135012
  38. "Reitaisai Twitter account" (in Japanese). Twitter. March 11, 2011. Retrieved March 11, 2011
  39. "博麗神社例大祭 in 台湾" (in Japanese). 博麗神社社務所.
  40. https://reitaisai.com/rts16/2018/11/03/info/
  41. https://knowyourmeme.com/memes/mcdonald-s-ran-ran-ru-commercial
  42. https://knowyourmeme.com/memes/un-owen-was-her

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]