Toyota

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Toyota logo 1989

Ang Toyota Motor Corporation (Hapones: トヨタ自動車株式会社, Hepburn: Toyota Jidōsha KK, IPA: [toꜜjota], Ingles /tɔɪˈtə/) ay isang multinasyunal na kompanyang Hapon na gumagawa ng mga kotse at nakahimpil sa Toyota, Aichi, Hapon. Noong 2017, binubuo ang istruktura ng Toyota ng 364,445 trabahador sa buong mundo[1] at, noong Disyembre 2019, naging ang ika-sampung pinakamalaking kompanya sa mundo ayon sa kita. Ang Toyota ay ang ikalawang pinakamalaking gumagawa ng awto sa buong mundo, na sumunod sa Volkswagen, batay sa benta ng yunit noong 2018.[2] Ang Toyota ang unang tagagawa ng awto sa mundo na nakagawa ng higit sa 10 milyong sasakyan bawat taon, na ginagawa nila simula pa noong 2012, nang naiulat ang ika-200 milyong sasakyan.[3] Noong Hulyo 2017, ang Toyota ang pinakamalaking nakalistang kompanya sa Hapon ayon sa kapitalisasyon sa merkado (may halagang higit sa doble ng ikalawang nakaranggo na SoftBank)[4] at ayon sa kita.[5][6]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. "Toyota Motor (TM) Stock Price, Financials and News". Global 500 (sa Ingles). US: Fortune. Tinago mula sa orihinal mula Abril 11, 2019. Kinuha noong Enero 27, 2018.
  2. "The World's Largest Car Manufacturers". Statista (sa Ingles). Kinuha noong 17 Disyembre 2019.
  3. Flynn, Malcolm (Hulyo 25, 2012). "Toyota Announces Its 200 Millionth Vehicle After 77 Years Of Production | Reviews | Prices | Australian specifications" (sa Ingles). Themotorreport.com.au. Tinago mula sa orihinal mula Hulyo 28, 2012. Kinuha noong Setyembre 9, 2012.
  4. 時価総額上位:株式ランキング [Market capitalization: Top stock rankings] (sa Hapones). Hapon: Yahoo. Tinago mula sa orihinal mula Oktubre 1, 2014. Kinuha noong Hulyo 21, 2014.
  5. 売上高:株式ランキング [Sales: stock rankings] (sa Hapones). Hapon: Yahoo. Tinago mula sa orihinal mula Oktubre 1, 2014. Kinuha noong Hulyo 21, 2014.
  6. "Toyota Motor on the Forbes World's Most Valuable Brands List". Forbes (sa Ingles). Mayo 2015. Tinago mula sa orihinal mula Hunyo 22, 2015. Kinuha noong Mayo 21, 2015.