Pumunta sa nilalaman

Palatandaang pantrapiko

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Traffic sign)
Traffic sign in London
Isang palatandaang pantrapiko sa Londres
Palatandaang pantrapiko para sa isang rotonda na humahantong sa mga lansangang-bayang 1, 2 at 3 sa Mariehamn, Åland
Isang palatandaan na "pagkumpirma ng ruta " sa Lansangang-bayang Warrego sa Queensland, Australya, na nagbibigay impormasyon sa mga motorista ng kanilang distansya (sa kilometro) mula sa mga nakalistang lugar

Ang mga palatandaang pantrapiko o mga karatula sa kalsada ay mga tanda o babala sa tabi o taas ng mga kalsada upang bigyan instruksyon o magbigay impormasyon sa mga gumagamit ng daan. Mga simpleng kahoy o batong muhon ng distansya (o milestone) ang pinakaunang palatandaan. Sa kalaunan, ipinakilala ang mga palatandaan na nagtuturo ng daan, halimbawa, ang mga posteng panturo sa Reyno Unido at ang kanilang katumbas na kahoy sa Sahonya. Sa pagdagdag ng bilang ng trapiko simula noong dekada 1930, maraming mga bansa ang gumamit ng mga palatandaang larawan o kung hindi man ay mga pinapayak at pinamantayang mga palatandaan na madaig ang mga hadlang sa wika, at mapabuti ang kaligtasang pantrapiko. Gumagamit ang mga ganoong mga palatandaang larawan ng mga simbolo (kadalasang silweta) na pamalit sa mga salita at karaniwang nakabatay sa mga pandaigdigang protokol. Unang naisagawa ang mga ganoong palatandaan sa Europa, at ginaya ng karamihan ng mga bansa sa iba't ibang antas.

Ayon sa Tanggapan ng Transportasyong Panlupa ng Pilipinas, mahalaga ang mga palatandaang pantrapiko dahil ito ang nagbibigay-impormasyon sa mga gumagamit ng kalsada pagdating sa mga regulasyon at batas na dapat bigyang-pansin. Maiituring na isang opensa ang paglabag sa hindi pagbibigay pansin.[1]

Mga kumbensyong internasyunal

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga kumbensyong internasyunal tulad ng Vienna Convention on Road Signs and Signals (Kumbensyong Viena sa mga Palatandaan at Senyas sa Daanan) at Geneva Convention on Road Traffic (Kumbensyong Ginebra sa Trapiko sa Daanan) ay nakatulong upang matamo ang isang antas ng pagkaparepareho sa mga pagpapalatandaan ng trapiko sa iba't ibang bansa.[2] Isahang sinunod (na tila) din ng ilang bansa ang ibang bansa upang makaiwas sa pagkalito.

Awtomatikong pagkilala sa palatandaang pantrapiko

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nagsisimula na ang mga kotse na magtanghal ng mga kamera na may awtomatikong pagkilala sa palatandaang pantrapiko, simula noong 2008 sa pamamagitan ng Opel Insignia. Pangunahing kinikilala nito ang limitasyon ng bilis at mga lugar na walang pag-overtake o paglampas.[3] Gumagamit din ito ng GPS at isang database (o imbakan ng datos) ng mga limitasyon sa bilis, na kapaki-pakinabang sa maraming bansa, na nagpapaskil ng posteng palatandaan na may nakalagay na limitasyon sa bilis na may pangalan ng lungsod, at hindi isang palatandaan ng isang limitasyon sa bilis.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Road and Traffic Rules: Signs, Signals, and Markings" (PDF). Land Transportation Office (Pilipinas (sa wikang en)).{{cite web}}: CS1 maint: unrecognized language (link)[patay na link]
  2. Traffic Signs Manual Introduction 1982 (sa Ingles)
  3. "Opel Insignia to feature traffic sign recognition system" (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-10-26.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)