Pumunta sa nilalaman

Transeksuwalismo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Transekswalismo)
Isang dating lalake na naging babaeng transeksuwal.

Ang transeksuwalismo ay isang medikal na diyagnosis kung saan ang isang indibidwal ay may pagkakakilanlang kasarian (gender identity o kasariang sikolohiyal) na kabaliktaran ng kanilang pisikal na kasarian. Ang isang lalaking transekwal ay nakakaramdam sa kanyang pagkatao na siya ay isang babae at ang isang babaeng transekwal ay nakakaramdam sa kanyang pagkatao na siya ay isang lalake. Marami sa mga transekswal na babae, bago magpapalit ng kanilang kasarian, ay tumuturing sa kanilang mga sarili na "mga babaeng nakakulong sa katawan ng lalaki". Ang isang medikal na dayagnosis ay maaaring gawin kung ang isang tao ay nakakaranas ng pagiging balisa na resulta ng isang pagnanais na maging isang miyembro ng kabilang kasarian, o kung ang isang tao ay nakakaranas ng panghihina o kahirapan bilang isang resulta ng pagkakakilanlan kanilang kasarian.

Ito ay ang pinakamaliwanag na uri ng Gender Dysphoria. Ang isang tipikal na medikal na kahulugan ng transekswalismo ay kasama ang mga linyang: Ang transekswal ay isang tao na nakakaranas ng isang malalim at pangmatalgalang kakulangan ng ginhawa sa kanilang pisikal na kasarian, at ,ay kagustuhan na baguhin ang kanilang pisikal na katangian, kabilang ang maselang bahagi ng katawan, sa kabaligtaran ng mga karaniwang na kaugnay sa kanilang kasarian, at mabuhay ng permanente sa kabaliktaran ng kanilang orihinal na kasarian.

Ang transekswalismo ay iniisip pa rin ng maraming tao na isang saykayatrikong kondisyon, kahit na ang mga transekswal ay ganap na nasa tamang pagiisip, may mga bagong pananaliksik na ito ay may pisikal na batayan--- na ang babaeng utak sa isang lalaking katawan ay isang biyolohikal na katotohanan. Gayon pa man, sa karamihan ng mga bansa ang mga taong nangunguna sa isang gender reassignment o operasyon para sa pagbabago ng kasarian ay isang consultant psychiatrist. Ang papel na ginagampanan ng psychiatrist ay ang pagtiyak na ang pasyente ay may maliwanag na pagiisip, tunay na transekswal, at nasa tamang pagiisip para hindi mahirapang makibagay sa kasariang nais nyang maging.

Ang transekswalismo ay isang bihirang kondisyon. Isa sa bawat isang libong tao ay alangan sa kanilang kasarian, ngunit maskaunti ang mga tunay na transekswal. Kamakailan lamang, may mga pananaliksik na nagsasaad na isa sa bawat 25,000 ka-tao ay tunay na transekswal.

Medikal na dayagnosis

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang transekswalismo ay makikita sa dalawang pangunahing dayagnostikong manuwal na ginagamit ng mga propesyonal para sa kalusugang pangkaisipan sa buong mundo, ang American Psychiatric Association's Diagnostic and Statistical Manual of Mental Disorder (DSM, kasalukuyang nasa ika-apat na edisyon) at ang International Statistical Classification of Diseases and Related Health Problems (ICD, na kasalukuyan nasa kanyang ikasampung edisyon). Ang ICD-10 na nagtatala ng transsexualism, dual-role transvestism at gender identity disorder of childhood sa kategoryang gender identity disorder, at ang tumutukoy sa transekswalismo bilang "[isang] pagnanais na mabuhay at tanggapin bilang isang miyembro ng ibang kasarian, karaniwang sinsaamahan ng hindi pagkagusto sa pisikal na kasarian, at isang nais na magkaroon ng pagtitistis at hormonal treatment na gawin sa sariling katawan bilang kapareho ng ginustong kasarian. "Ang DSM ay hindi makabukod sa pagitan ng gender identity disorder at transekswalismo, at tumutukoy sa transvestic fetishism bilang isang hiwalay na kababalaghan na maaaring mangyari rin sa transekswalismo. Ang DSM diyagnosis ay nangangailangan ng apat na bahagi:

  • Ang isang pagnanais o paggigiit na siya ay nababagay sa kabilang kasarian
  • Katibayan ng hindi pagiging komportable at, sa paninging hindi siya naaangkop sa kanyang biyolohikal na kasarian.
  • Ang indibidwal ay hindi intersex
  • Klinikal na katibayan ng pagkabalisa o pagkakaroon ng kapansanan sa trabaho o sa buhay panlipunan.

Pinanggalingan

[baguhin | baguhin ang wikitext]
ang clownfish ay isang transeksuwal na hayop[1]

Ang kasarian ay isang salitang panglinggwistika. Sa maraming wika, ang mga salita ay maaaring itinuturing na panlalaki, pambabae, o walang kasarian. Ang iba't ibang wika ay may iba't ibang paraan para mapakita ang kasarian, dalawang kasarian (babae, lalake), tatlong kasarian (babae, lalake, walang kasarian), o wala sa lahat. Ang pagkakaiba ng kasarian ay ipinahiwatig sa pamamagitan ng simpleng pagbabago sa pangalan at panguri, habang ang iba ay nangangailangan ng mas kumplikadong pambalarilang pagbabago. Sa Ingles,ang unang hakbang ng isang transekswal na tao sa paglipat ay madalas kasama ang kahilingan na ang pagtukoy sa kanya ay sa paggamit ng panghalip para sa kanyang ninanais na kasarian. Ang ilang mga nagsasalita ng Ingles na sa tingin ang pinakamahusay na paglalarawan sa kanila bilang isang bagay sa pagitan o iba sa lalaki o babae ay masninanais gamitin ang "ze" at "hir" (halimbawa ng kasariang neutral na panghalip sa Ingles), o iba pang mga imbentong panghalip.

Noong 1930, si Magnus Hirschfeld ang nanguna sa genital reassignment o operasyon para pagtitistis na detalyadong iniulat sa isang pahayagan sa Lili Elbe sa Denmark. Ang salitang Aleman na "Transsexualismus" ay ipinakilala ni Hirschfeld noong 1923. Ang salitang neo-Latin na "psychopathia transexualis" at Ingles na "transexual" ay ipinakilala ni D. O. Cauldwell noong 1949 na sa dakong huli ginamit din niya ang katagang "trans-sexual" noong 1950. Si Cauldwell ang lumitaw na unang gumamit ng katagang direktang tumutukoy sa mga taong nais magbago ng pisikal na kasarian. Ang salitang transekswal ay kasalukuyang ginagamit sa publiko at sa medikal na propesyon. Ito ay napasama sa DSM-III noong 1980 at muling isinama sa DSM-III-R noong 1987, kung saan ito ay makikita sa ilalim ng Disorders Usually First Evident in Infancy, Childhood or Adolescence.

Sikolohiyal at biyolohikal ang nagiging sanhi ng transeksuwalismo. Ayon sa iilan, ang pananaliksik sa mga "dahilan" ng transekswalismo ay nababatay sa palagay na ito ay patolohiyal ngunit, hindi ito tinatanggap ng maraming transekswal. Sa tingin ng iba, ang kondisyon ay isang uri ng intersekswalidad na patuloy na sinasaliksik para mapatunayan ang kondisyong ito ay may biyolohikal na sanhi at para mapaalam sa nakararami na hindi ito isang kahibangan, pampolitika na pahayag o paraphilia

Ayon kay Harry Benjamin, isang tanyag na doktor na kilala dahil sa kanyang pagaaral sa transekswalismo, "Summarizing my impression, I would like to repeat here what I said in my first lecture on the subject more than 10 years ago: Our genetic and endocrine equipment constitutes either an unresponsive [or] fertile soil in which the wrong conditional and psychic trauma can grow and develop into such a basic conflict that subsequently a deviation like transsexualism can result"

Ayon sa kanya, at sa ilang mga pag-aaral batay sa mga maliliit na samples, iminungkahi na ang transekswalismo ay maaaring maugnay sa isang pagkakaiba sa utak ng tao na tinatawag na "bed nucleus of the stria terminalis o BSTc.[2][3][4] Sa isang pag-aaral, ang BSTc ng babaeng transekswal at cisgendered(biolohikal) na mga babae ay magkatulad. Ang mga heterosexual at homosexual na lalaki ay magkatulad at iba sa mga kababaihan (Cis- at transgendered) sa BSTc. Isa pang pag-aaral ay nagpapahiwatig na ang transekswalidad ay maaraing genetiko.

Hindi pagkakaunawa sa transeksuwalismo

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang transekswalismo ay komplikado at hindi gaanong naiintindihang kalagayan, Dahil nakasangkot dito ang mga pangunahing aspekto ng pagkatao, ito ay nagdudulot ng hindi pagkakaunawaan, takot at pinsala. Kahindik-hindik at hindi tumpak na mga kuwento tungkol sa pagbabago ng kasarian ay nagiging laganap sa midya na nagreresulta sa hindi pagkaunawaan at pangamba dito ng maraming tao.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. http://www.newscientist.com/article/dn3928-clownfish-turn-transsexual-to-get-on-in-life.html
  2. Swaab D (2007). "Sexual differentiation of the brain and behavior". Best Pract Res Clin Endocrinol Metab. 21 (3): 431–44. doi:10.1016/j.beem.2007.04.003. PMID 17875490.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Zhou J, Hofman M, Gooren L, Swaab D (1995). "A sex difference in the human brain and its relation to transsexuality". Nature. 378 (6552): 68–70. doi:10.1038/378068a0. PMID 7477289.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  4. Kruijver F, Zhou J, Pool C, Hofman M, Gooren L, Swaab D (2000). "Male-to-female transsexuals have female neuron numbers in a limbic nucleus". J. Clin. Endocrinol. Metab. 85 (5): 2034–41. doi:10.1210/jc.85.5.2034. PMID 10843193.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)