Manati
Manati Temporal na saklaw: Maagang Miocene hanggang Kamakailan
| |
---|---|
Antilyanong manati (Antillean manatee) | |
Klasipikasyong pang-agham | |
Dominyo: | Eukaryota |
Kaharian: | Animalia |
Kalapian: | Chordata |
Hati: | Mammalia |
Orden: | Sirenia |
Pamilya: | Trichechidae |
Sari: | Trichechus Linnaeus, 1758 |
Mga uri | |
Trichechus inunguis |
Ang mga manati[1] o manatee [Ingles] (pamilya: Trechecidae, sari: Trichechus) ay malalaking mamalyang pantubig na kilala rin sa tawag na "bakang-dagat" o sea cow sa Ingles. Naiiba ang Trichechidae sa Dugonguidae sa hugis ng bungo at hugis ng buntot. Hugis sagwan ang buntot ng mga manati, samantalang ang sa hugis tinidor naman o nagsasanga ang sa mga dugong. Kumakain lamang ng mga halaman ang mga ito, na ginugugol ang kanilang oras sa panginginain ng mga damong-tubig sa mabababaw na tubigan. Nagmula ang pangalang manati (manatí sa orihinal na baybay) mula sa wikang Taino, isang pre-Kolombiyano (bago dumating si Cristobal Colon, kilala rin bilang Christopher Columbus) sa mga mamamayang Karibyano; nangangahulugan itong "suso."[1].
Pinaninirahan ng mga manati ang mababaw na tubigan at mga latian sa baybayin ng Hilaga, Gitna, at Timog Amerika, at ng Dagat Karibyano. Naninirahan ang isang uri ( ang Trichechus senegalensis) sa kanlurang baybayin ng Aprika; naninirahan naman ang isa (ang T. inunguis) sa silangang baybayin ng Timog Amerika, at ang ikatlo (ang T. manatus) sa Mga Kanlurang Indiya sa Dagat Karibyano. Ang manati ng Florida at itinuturing ng ilan bilang hiwalay na uri, subalit itinuturing naman ng Binuong Pamamaraang Kaalamang Pangtaksonomiya (Integrated Taxonomic Information System o ITIS) na sub-uri ito ng ito ng T. manatus, kaya ito ngayon ang kinaugaliang pagturing. Maaring humaba ito hanggang 4.5 metro (15 talampakan), at namumuhay sa tubig-tabang at tubig-alat. Dati, hinuhuli ang mga ito para sa langis at laman ngunit nasa ilalim ito ngayon ng pangangalagang legal.
Isang nanganganib na uri ang manati ng Kanluran Indiya. Bagaman walang likas na predator o tagapagtugis ang mga ito, pinababa ng paglawak at pagdami ng mga tao ang kanilang likas na tirahan sa mga latian ng mga baybayin, at nasasaktan ng mga propeler ng mga bangkang de-motor ang mga ito. Nakakain din ng mga manati ang ilang kagamitang pangingisda (gaya ng mga kawit, pabigat na mga metal, at iba pa). Hindi naman nakapipinsala ang mga ito sa mga manati maliban ang monopilamentong linya o may isahang hiblang tali. Nakakabara ito sa sistemang dihestibo ng hayop na nagiging sanhi ng onti-onting pagkamatay nito.
Karaniwang nagsasama-sama ang mga manati malapit sa mga plantang pang-enerhiya, na nagpapainit ng tubig. Umaasa ngayon ang mga ito sa hindi likas na pinanggagalingan ng init. Hindi na lumilipat ang mga ito sa mga tubigang may likas na kainitan dahil mayroon na silang palagiang pinagkukunan ng tubig na may init. Sa Estados Unidos at kamailan lamang, nagsasara na ang mga plantang pang-enerhiya, at dahil nga sa kaalamang umaasa ang mga manati sa mga plantang ito, naghahanap ang Palingkuran ng Isda at Likas na Mailap na mga Buhay ng Estados Unidos (U.S. Fish and Wildlife Service) ng paraan kung paano paiinitin ang tubig para sa mga manati.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 "Manatí" Naka-arkibo 2007-10-13 sa Wayback Machine., What's in a name?, NationalZoo.si.edu