Trinidad Endaya
Si Trinidad Panganiban Leviste-Endaya ay ang kauna-unahang lokal na ehekutibong pinunong babae ng Pilipinas nang mahalal siyang alkalde ng Malvar, Batangas noong 1940.[1]
Personal na buhay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ipinanganak si Trinidad Panganiban Leviste noong Mayo 15, 1910 sa Malvar, Batangas.[1] Ang kanyang mga magulang ay sina Julio Leviste at Rufina Panganiban.[1] Ang kanyang ama na si Julio Leviste ay naging alkalde ng Malvar, Batangas mula 1926 hanggang 1928 samantalang naging gobernador naman ang kanyang kapatid na si Feliciano Leviste at naging alkalde ang kanya pang isang kapatid na si Benito Leviste.[1]
Si Trinidad Leviste ay nakatapos ng kursong Komersiyo at Edukasyon.[1]
Ikinasal si Trinidad Leviste kay Eustacio Endaya.[2]
Bilang alkalde
[baguhin | baguhin ang wikitext]Tumakbo at nanalo bilang alkalde ng Malvar, Batangas si Trinidad Leviste noong 1940. Siya ang unang babaeng alkalde ng Malvar, Batangas at sa buong Pilipinas.[1][3]
Adbokasiya at bilang pagkilala
[baguhin | baguhin ang wikitext]Bilang parangal ay ipinangalan kay Trinidad Leviste-Endaya ang isang kalye sa Malvar, Batangas noong Enero 31, 2022.[4]
Pinasinayaan ang Dr. Eustacio Endaya and Trinidad Leviste-Endaya Scholarship Programs sa FAITH Colleges noong Marso 9, 2020.[5]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 1.5 "Sulong Pilipina! Sulong Pilipinas! A Compilation of Filipino Women Centennial Awardees" (PDF). National Historical Commission of the Philippines. Abril 1999. Nakuha noong Pebrero 13, 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link) - ↑ "Trinidad Panganiban Leviste,, born 1901 - Ancestry®". www.ancestry.ca. Nakuha noong Pebrero 13, 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link) - ↑ "Malvar, Batangas: Historical Data Part I - Batangas History, Culture and Folklore". www.batangashistory.date. Enero 4, 2018. Nakuha noong Pebrero 13, 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link) - ↑ "TRINIDAD LEVISTE-ENDAYA ROAD NAMING CEREMONY". Facebook Profile - Rich Malvar. Nakuha noong Pebrero 13, 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link) - ↑ "Dr. Eustacio Endaya and Trinidad Leviste-Endaya Scholarship Programs launched". Facebook Profile - FAITH Colleges: First Asia Institute of Technology and Humanities. Marso 9, 2020. Nakuha noong Pebrero 13, 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)