Pumunta sa nilalaman

Trompe-l'œil

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Still life, Pompeii, c. AD 70

Ang trompe-l'œil (Pranses para sa "linlangin ang mata", binibigkas [tʁɔ̃p lœj]) ay isang kasiningan na gumagamit ng makatotohanang imahe upang magkaroon ng ilusyon sa mata ang inilarawang bagay na umiiral sa tatlong sukat. Ang sapilitang pananaw ay isang naihahambing na ilusyon sa arkitektura.

Kahit na ang parirala ay maaari ring baybayin nang walang gitling at pang-angkop sa Ingles bilang trompe l'oeil, at nagmumula sa panahon ng Baroque, kapag ito ay tumutukoy sa perspektibong ilusyonismo, mas matagal ang pinagmulan ng trompe-l’oeil. Ito ay madalas gamitin sa larawang nakapinta sa pader o mural. Maraming kilalang halimbawa nito mula sa panahon ng Griyego at Romano, tulad ng sa Pompeii. Ang isang tipikal na mural na trompe-l'œil ay maaaring maglarawan ng isang bintana, pinto, o pasilyo, na sinadya upang magmungkahi ng isang mas malaking silid.

May isang bersyon ng isang sinaunang kuwentong Griyego na ay tungkol sa isang paligsahang nangyari sa pagitan ng dalawang kilalang pintor. Si Zeuxis (ipinanganak noong 464 BC) ay nagpinta ng isang larawang Still life na sa sobrang makatotohanan, lumalapit ang mga ibon para kainin ang nakapintang ubas. Ang karibal, si Parrhasius, ay nakiusap kay Zeuxis na husgahan ang isang kuwadro na ginawa niya na nasa likod ng isang pares ng punit-punit na kurtina sa kanyang istudyo. Pinahila ni Parrhasius kay Zeuxis ang kurtina, ngunit noong sinubukan ni Zeuxis, hindi niya maaaring magawa, dahil ito ay kasama pala sa kuwadro ni Parrhasius—kaya si Parrhasius ang nagwagi sa paligsahan.