Tsokolatero
Ang tsokolatero ay isang taong gumagawa ng minatamis mula sa tsokolate. Magkaiba ang mga tsokolatero sa mga mantstsokolate na nagsisikulate mula sa mga buto ng kakaw at iba pang mga sangkap.
Edukasyon at pagpapraktis
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ayon sa kaugalian, ang mga tsokolatero, lalo na sa Europa, ay tinuturan sa pamamagitan ng pag-aprentis sa mga iba pang mga tsokolatero. Kasingkaraniwan na ngayon na magsimula ang mga tsokolatero bilang mga repostero, o pumapasok sa mga klaseng kulinarya sa paggamit ng tsokolate. Kabilang sa pagiging isang dalubhasang tsokolatero ang pagpeperpekto ng sining ng paggamit sa tsokolate upang lumikha ng mga panghimagas pati na rin ng mga mahuhusay na likhang-sining mula sa tsokolate. Dapat maunawaan ng mga tsokolatero ang mga pisikal at kemikal na aspeto ng tsokolate, hindi lamang para lumikha ng mga tsokolate at iba pang mga minatamis, kundi upang lumikha rin ng mga eskultura at mga sinesentro. Kailangan ng maraming taon ng pagsasanay para perpektuhin ang mga teknikal na aspeto ng disenyo at linangin ang sining ng lasa.
Paaralang kulinarya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mayroong iba't ibang mga paaralang kulinarya at mga paaralang pinagdalubhasaan ang tsokolate, kabilang ang Ecole Chocolat Professional School of Chocolate Arts sa Canada, [1] at The Chocolate Academy, na may labindalawang paaralan sa buong mundo.[2] Mayroon ang Pransesang Surian ng Kulinarya ng mga kurso sa pastelerya at minatamis na sinasabing makatutulong maturuan ang isang tsokolatero sa kasanayan.[3]
Kabilang sa mga paksa ng mga programa ng pag-aaral sa mga institusyon ang:[4]
- ang kasaysayan ng tsokolate
- mga modernong pamamaraan ng paglilinang at pagproseso
- ang kimika ng mga lasa at pagkakahabi ng tsokolate
- pagsusubó, pagsasawsaw, pagpapalamuti, at paghubog ng tsokolate
- mga sanyong minatamis batay sa ganache at/o fondant
- mga kasanayan sa pamamahala ng negosyo kabilang ang pamimili at produksiyon
Paligsahan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Kapag pinagkadalubhasaan ng isang tsokolatero ang kasiningan ng tsokolate, maaari silang ituring bilang Dalubhasang Tsokolatero. Nakikipagkumpitensya ang mga pinakamahusay sa mga ito sa The World Chocolate Masters, isang paligsahan sa tsokolate na nagsimula noong 2005.[5] Kasama sa mga nangungunang tsokolatero sina Naomi Mizuno (Hapon),[6] Francisco Torreblanca (Espanya),[6] Pierre Marcolini,[7] Yvonnick Le Maux (Pransya),[6] at Carmelo Sciampagna (Italya).[6] Nagwagi si Mizuno sa paligsahan sa World Chocolate Masters noong 2007. Pinagpapasyahan ang paligsahan sa apat na magkakaibang kategorya: mga pralinang hinubog, mga pralinang hubog-kamay, mga gastronomikong tsokolateng panghimagas, maliit na obra maestra, at malikhaing obra maestra na gawa sa tsokolate.[8] Sa 28 taong gulang, si Mizuno ang pinakabatang kakumpitensya mula sa kanyang bansa. Nagtatrabaho siya sa Futaba Pastry.[9]
Pamamaraan
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Pagsusubó: Sa pagsusubó ng tsokolate, pinapainit at pinapalamig ang tsokolate para magkaroon ito ng mga kanais-nais na katangian tulad ng kinang ng tsokolate o 'lagutok', kung paano ito nababakli.[10] Naglalaman ang tsokolate ng mantikang kakwa na nagsasabubog sa pag-iinit na pantunaw at pansubó ng tsokolate. Tinutukoy bilang pagsusubó ang pag-iinit ng tsokolate sa mga 86-90 ° F (30-32 °C), sa mga tiyak na oras at pagkatapos ang pagpapalamig ng tsokolate at paghuhubog nito sa mga naghahaliling bahagi.
- Paghubog: Ang paghubog ay isang diskarteng pandisenyo na ginagamit sa pagbuo ng mga piraso ng tsokolate na may tiyak na hugis sa pamamagitan ng pagbubuhos ng likidong tsokolate sa isang hulma at pagpapabaya itong tumigas.[11]
- Panlililok: Ang panlililok ay ang paggamit ng tsokolate upang lumikha ng isang likhang-sining. Sa panlililok, ginagamit ang mga hulma at piraso ng tsokolate, at pinapalamutihan ang piraso ng mga disenyo sa tsokolate.
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ ecolechocolat.com
- ↑ "Callebaut". Callebaut. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-02-18. Nakuha noong 2012-01-27.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ [1].com/chocolatier_school.html ] Naka-arkibo January 6, 2009, sa Wayback Machine.
- ↑ "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-11-05. Nakuha noong 2019-09-29.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "World Chocolate Masters 2011 - About". Worldchocolatemasters.com. 2011-07-04. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-01-26. Nakuha noong 2012-01-27.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 6.0 6.1 6.2 6.3 "WCM 2008 - Report". 2007.worldchocolatemasters.com. Nakuha noong 2012-01-27.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ The Nibble (2005-11-29). "Pierre Marcolini Chocolatier- Best Belgian Chocolate". Thenibble.com. Nakuha noong 2012-01-27.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Naomi Mizuno ie the 2007 World Chocolate Masters". Pastryprofiles.com. 2007-10-22. Nakuha noong 2012-01-27.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "World Chocolate Master 2007". endoru's tatami room. 2008-01-24. Nakuha noong 2012-01-27.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Chu, Michael (2006-11-12). "Tempering Chocolate – Kitchen Notes". Cooking For Engineers. Inarkibo mula sa orihinal noong 2023-10-22. Nakuha noong 2012-01-27.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Mold". Merriam-webster.com. Nakuha noong 2012-01-27.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)